Chapter 17

33K 933 143
                                    

Chapter Seventeen

"You're not gonna stay the night?" untag ni Evan.

Umupo ang binata sa couch sa tabi ng love seat kung saan nakaupo ang uncle Felipe nito.

Ngumiti si Felipe at umiling. "No, I'm sorry. I have a late business dinner with Guillermo, I'd be staying in Eli Hotel tonight."

"Ah, the busy life of the rich and the famous," magaang tukso ng binata.

Tumawa si uncle Felipe at komportableng sumandal sa backrest ng upuan.

Umupo siya sa dulo ng couch at pinagkrus ang mga binti. She wanted to curl on Evan's lap and rest her head against his chest, but that's probably inappropriate. Oh, well.

"How long will you be staying here?" tanong ni Evan. "Will you–"

Nag-ring ang phone ng tiyuhin nito at napangiti nang makita kung sino ang tumatawag. "It's your Lola." Sinagot nito iyon. "O, Nanay Lusing! Kumusta!" Nanatili ang ngiti sa mga labi ng lalaki, pero kumunot noo ito. "Huh?"

Lumingon si Felipe sa likuran nito na para bang may sinisipat sa pader doon. "Okay. Sandali." Inabot nito kay Evan ang telepono. "Hindi raw sila makakonekta sa landline."

"What?" Tinanggap ng binata ang phone at sinagot iyon. "'La? Wait. The line's choppy. Baka may ngumatngat sa linya sa labas."

"I knew it," sulsol niya kay Evan. "It's the spider. It's here to sabotage you."

Tumawa ang binata at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. Kumalat ang init sa kanyang balat sa masuyong haplos nito. Even his simple touches felt like magic.

"Wait, 'La, I'll go outside," he said, then strode off to the door.

Umiling siya sa sarili at binalingan si Uncle Felipe nang makalabas ang binata.

"Alam nila Nanay Lusing na 'andito ka?" usisa niya sa matanda.

"Yes, I called them before I drove here. But actually, Lavinia, I came here to see you. I know you."

She raised a brow, then smiled and leaned back against the back of her chair. "Oh?"

"Yes, Dear. Even before Evan started blabbering about you, I already know you're a well known cosmetic surgeon in the country." Lumawak ang ngiti ng matanda, at pinagsaklop ang mga kamay habang masiglang nakatitig sa kanya. "I read an article in Yahoo Philippines about you. You're businesses lie mainly in beauty and health industry. Spas, salons."

"Did you hire a private investigator to research about me?"

Lalong lumuwag ang ngiti ng tiyuhin ng binata. "Yes."

She nodded, her smile intact. "Good. I would have done the same. Milyonaryo si Evan at si Nanay Lusing tapos biglang may susulpot na estranghero sa mansion nila. I'd get suspicious, too."

"Exactly. But your story holds. You're telling the truth."

"It's a silly story, but yes, it's true. My Lola's indebted to Nanay Lusing, and she's worried about Nanay Lusing. And Nanay Lusing's worried about Evan. So here I am. I didn't think it would work."

"But it did. Lavinia, Dear, it's..." Nag-alinlangan sandali ang matanda, tapos ay sumulyap ito sa pinto na para bang natatakot itong baka biglang bumalik si Evan.

Nagsalubong ang mga kilay niya roon.

Sa likod ng isipan niya, naitanong niya sa sarili kung sinadya ba ni Felipe na patawagin ang lola ni Evan para makausap siya nito nang mag-isa.

Mukhang napagpasiyahan ni Felipe na matagal pang mag-uusap ng mag-lola, kaya muli nitong ibinaling ang titig sa kanya. May paumanhin sa mga mata nito, gayundin sa maliit nitong ngiti. "I don't want to be a nosy old bastard, but I need to say this."

Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon