"Ate Lavinia, gising na!"
Gumulong si Lavinia sa kama, at napaungol nang maramdaman ang pananakit ng katawan. But she found herself giggling when she remembered why she felt sore all over.
Last night, she sneaked out of her room to get into Evan's. But lo and behold, nakabangga niya ang binata sa labas ng library papuntang studio nito. It turned out, he had sneaked out of his room to get into hers as well. Ano ba'ng masasabi niya? Iba ang charm niya.
Lavinia sighed as she remembered how he kissed her hard and pushed her against the door of the library. Mabuti na lang at nasa kabilang wing ang mga k'warto nina Nanay Lusing, kung hindi ay baka naeskandalo na niya ang mga ito.
"Ate Lavinia! Ano ba! Dali! Gising ka na!"
Muli siyang umungol at inis na hinagis ang unan paalis sa kanyang mukha. Tumama ang mainit na sinag ng araw sa kanyang mga pisngi at napasinghal siya. Sh*t. Anong oras na ba? Masama niyang tinapunan ng tingin ang pinto. Mabuti na lang at hindi niya katabi si Evan dito sa kama, kung hindi ay baka magpapiyesta si Kat-kat at ang lola ni Evan kapag nakita sila.
Groaning, she snatched a robe and put it on.
"Kat-kat, ano ba'ng problema?" Hinila niya pabukas ang pinto. "You're making my head–"
"Darating si Ate Caroline ngayon! Mag-ayos ka na!"
Nawala ang antok niya. "What?"
Hinila siya ni Kat-kat papuntang banyo, nanlalaki ang mga mata. "Birthday ni Auntie! Pupunta sila dito!"
Virgin Caroline, the sacred cow and champion of gluten free desserts would be here?
Defensive at bitter ba siyang masyado?
Whatever.
"What? Why?" asik niya. "Birthday ni Manang Huling? Ba't ngayon lang sinabi sa 'kin?"
"Nakalimutan kasi namin kahapong sabihin kasi na-shock kami sa balita niyo ni Kuya Evan. Pupunta si sir Felipe, sila Ate Caroline, saka 'yung ibang amiga ni Nanay. Dalian mo na, magbihis ka na! May crush si Ate Caroline kay Kuya Evan, promise!"
As if hindi niya alam. Kahit si Stevie Wonder ay malalaman iyon.
Scowling, she splashed cold water across her face. "Nakita mo na si Caroline?"
"Oo, ate. Bumisita sila no'n dito."
Hinagilap niya ang tube ng facial wash at nagpisit noon sa kanyang palad. "You don't like Caroline?"
Maluwag na ngumiti ang dalagita, tapos ay pa-cute na nag-beautiful eyes sa kanya. She found herself laughing.
"Ay, like ko rin si Ate Caroline, pero mas like kita!"
Clever girl.
Nakangisi niyang ipinahid ang bula ng facial wash sa kanyang mukha at tumango kay Kat-kat. "Good answer."
"Kailangan magluto ka ng kahit ano, ate, kasi magluluto sigurado si Ate Caroline. Laban, kayo! Parang Iron chef lang!"
"I don't have to do that, Kat-kat. Masyadong glamorosa at maganda ang Ate Lavinia mo para sa cooking competition. Hayaan na natin sa iba ang cooking talents. Masyado nang unfair kung pati pagluluto aangkinin ko pa, right?"
She washed off the suds from her face and turned off the faucet, facing the teenager once more. Pinunas niya ang mukha gamit ang isang face towel, at magaang tinapik ang ulo ng dalagita.
"We shouldn't be too greedy, little one."
"Hmm...gano'n ba?" kunot noong hirit ng babae. "Hindi naman sa naduduwag ka, ano, Ate Lavinia?"
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|
RomanceWARNING: R-18| 25dec2020 i've reuploaded all the chapters of seducing mr. antisocial! so yes, mababasa niyo na rin nang buo ang SMA dito ngayon ^_^ hindi pa ako sure kung hanggang kailan mananatili ang lahat ng chapters ng SMA dito sa wattpad. so...