Chapter 15

42.7K 954 158
                                    

Chapter Fifteen

"Can you identify constellations?"

Itinaas niya ang tingin kay Evan. "Is that a serious question?"

Tumawa ang binata at hinagkan siya sa noo. Ngumiti siya at humigpit ang yakap sa baywang nito. Nanuot ang init nito sa kanyang katawan, at parang gusto niyang tanggalin ang balabal na pinilit nitong isuot niya dahil malamig daw sa labas. Sapat na ang init ng binata para 'wag siyang lamigin.

Narating nila ang tuktok ng hagdan, at hinagilap niya ang seradura dahil hawak ni Evan ang picnic basket sa kabilang kamay nito.

Binati sila ng malamig na simoy ng gabi. Kumikislap ang panggabing langit sa daan-daang bituwin. Ilang beses na niyang nakita iyon nitong nakaraang mga araw simula nang dumating siya sa Burgos, pero ninanakaw pa rin noon ang kanyang hininga sa tuwing makikita niya.

"This is just beautiful," usal niya.

Hinila siya ni Evan papunta sa gitna ng rooftop, at inilatag nito ang blanket. Inilapag niya ang lamp light at tinulungan ang binata na ilabas ang glass containers ng fried chicken, vegetable salad at pasta.

Rinig niya ang hampas ng dagat sa dalampasigan, at ang lagaslas ng mga dahon sa mga malalapit na puno. Napakapayapa ng gabi, at napakadaling isipin na walang ibang tao sa mundo maliban sa kanila ng binata.

God, that was sappy.

Ngumiti siya, inunat ang mga binti sa kumot at sumandal sa gilid ni Evan habang sumusubo ng pasta. Medyo overcooked iyon, pero masarap pa rin dahil sa sauce.

"We can't see this much stars in the city," aniya. "Too much pollution, too much artificial lights. Can you identify constellations?"

"A little."

"Is that false modesty I hear there?" Siniko niya ito.

Umiling ang binata at tumaas ang sulok ng mga labi nito. Basa pa nang kaunti ang buhok ni Evan dahil sa shower, at bahagyang kumukulot iyon sa batok. Tumitig siya sa bughaw nitong mga mata. Parang mas nakakamanghang tumitig doon kaysa sa mga bituwin sa langit.

"See that?" Itinaas nito ang kamay para ituro ang mga bituwin.

Ibinaling niya ang titig doon. "Alin d'yan?"

"Si Orion. Kita mo 'yung tatlong bituwin na magkakadikit?"

"What?" Hinalughog niya ng tingin ang kalangitan. "Where? Ginger Man ang nakikita ko."

Tumawa si Evan at hinaplos ang kanyang batok. "There."

Sinundan niya ng tingin ang linyang ginuhit nito sa langit, at nakita niya ang tatlong bituwing tinutukoy nito. Pero si Ginger Man pa rin ang pinaka nakikita niya.

Frowning, she nodded. "Okay."

"That's Orion's belt."

"Huh."

"It's the only place in the sky with three stars in line."

"Ah." Sumubo siya ng pasta. "Okay."

"Akyat mo nang kaunti 'yung tingin mo, at 'yung ang torso ni Orion."

Naningkit ang mg mata niya, at kumunot noo siya. "Hm."

"Can't see it?"

"It seems far fetch. That's not a torso at all. It's like saying a nipa hut is an Art Deco mansion. You need a lot of imagination."

Ngumiti si Evan at sumubo rin ng pasta nito. "I agree. They're like stick figures. Parang mga drawning ng bata."

"True. Asan pa 'yung iba?"

Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon