Chapter 20 Part 3

27.2K 801 175
                                    

"Lavinia?"

Muntikan na siyang mapatalon nang hawakan ni Evan ang likod niya. Umarko ang kuryente roon dahil sa init ng magaspang nitong palad.

"Hm?" She smiled at him.

Magkasalubong ang dark blonde nitong kilay, at may pag-aalala sa bughaw nitong mga mata. "What's wrong?"

F*ck. She needed to get a grip. "Nothing. This soup tastes amazing." She daintily dipped her spoon into the creamy liquid and brought it to her mouth. Smooth, creamy, and refreshing. Gusto niya iyong itapon sa mesa. "Yeah, it's awesome."

Feeling cold inside, she forced herself to eat it.

"So Lavinia," sambit ni Oliver. May ngiti sa mga labi nito at maliwanag na interes sa mga mata. "Are you personally involved in the development of your products? Or is it more like you give the direction and over all vision?"

"I'm personally involved," sagot niya. "I have a Masters in Biochemistry."

"Wow, and you also have a degree in medicine? My father wanted me to pursue medicine, I couldn't last two semesters." Tumawa ito at umiling.

"Do you cook, too?" nakangiting tanong ni Patricia. "They say chemists are the best chef."

Tumawa siya roon, at nagpasalamat siya dahil hindi masyadong magaspang ang tunog noon. "Cooking ruins my manicure."

Tumawa rin si Patricia. "Dilemma ko rin 'yan."

"She cooks great pasta," komento ni Evan.

Napatingin silang lahat dito. He was smiling down at her, and a gentle warmth lit up his blue eyes.

"It was really good," anito.

Namula ang mga pisngi niya sa pagkapahiya.

Good? Sa pagkakaalala niya ay medyo malabsa ang pasta niya dahil natagalan iyon ng kulo.

Iniwas niya ang tingin dito, at muling isinawsaw ang kutsara sa soup. "It's just pasta, nothing as fancy as this."

The conversation continued, but she kept her participation to a minimum. She could feel Evan's tense gaze on her, but she ignored it.

The third course came, then the main course. Parang hindi na matatapos ang pagdating ng pagkain.

Nagsimula ang company presentation tungkol sa history, mission, vision nito.

"You have a garden at the manor, right?" narinig niyang untag ni Caroline.

Pumihit si Evan nang kaunti sa direksyon ng babae His scent drifted toward her because of the slight movement, and she forced herself not to breathe too deeply. His scent always made her needy.

"Yes," sagot ng binata.

"Oh, mahilig din sa garden si Caroline," singgit ni Patricia. "She has this gorgeous rose garden!"

Muntikan na siyang tumawa. Gardening. Of course. At rose garden pa. There's just something about women and gardening. It's all about nurturing and all that maternal instincts.

"Rose garden?" May interes sa tono ni Evan. "May grandma wants a rose garden, but I think they're too difficult to grow in our climate."

Tinuksok-tusok niya at pinaikot-ikot ang crusted salmon sa sauce nito. Gusto niyang itapon ang kanyang tinidor at fish knife.

"You can try Pitimini roses," masiglang patuloy ng babae, "they're small roses, and they're more adaptable to our tropical climate."

"Really?" May mangha sa boses ng binata.

Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon