Kumain sila ng almusal kasama ang dalawang bata at si Ate Mabel. Ayaw umalis sa kandungan ni Evan si Rosie. She couldn't blame the kid, really. Any girl would love to sit on Evan's lap.
"Sige po, pupuntahan ko muna si Jerry," paalam ni Ate Mabel matapos nitong ligpitin ang mga pinagkainan nila. "Bayaan niyo na 'yang mga hugasan d'yan. Ako na mamaya. Papainumin ko lang ng gamot si Jerry."
"Kumain na siya?" untag ni Evan.
Tumango ang babae at tinanggap ang basahan na ginamit niya pangpunas sa hapag kainan.
"Tapos na, pero dadalhan ko na rin ulit siya ng sopas."
"Ma! Ma!" Nagtaas ng dalawang braso si Rosie sa nanay nito para magpakarga.
Kinuha ito ni Ate Mabel mula kay Evan. Akmang kukuha ng mangkok ang may edad na babae sa cupboard pero pinigilan niya ito. The woman needed a break. Halos hindi pa ito tumitigil sa pagkilos magmula nang pumasok sila sa kusina.
"Ako na ho, samahan ko na rin kayong magdala ng sopas."
"Naku, 'wag na po–"
Umiling siya rito. "Ate Mabel, 'wag makulit. Baka matapilok ka lang habang may dala kang mangkok. Delikado."
"She's right, Ate Mabel," segundo ni Evan. "Iwan niyo na muna rito si Carlo at Rosie sa 'kin. Asikasuhin niyo na muna si Jerry."
Walang nang nagawa ang babae kung hindi sumang-ayon.
Malakas pa rin ang hangin at ulan, pero hindi na iyon parang halimaw na umuungol sa paligid. Nakahiwalay ang quarters ng caretaker sa main house, pero maganda rin ang pagkakagawa sa bahay.
Siya ang may dala ng payong habang si Ate Mabel ang may dala ng maliit na picnic basket na may lamang container ng sopas at tinapay.
"Ilang taon na si Jerry?" untag niya sa may edad na babae.
"Ten years old, Ma'am."
Binuksan nito ang pinto at pumasok sila.
Simple ang loob ng bahay pero malinis iyon at maayos. Pinagmamasdan niya ang ilang mga larawan sa pader habang inayos ni Ate Mabel ang sopas at tinapay sa isang tray. Sa isang litrato, naroon si Evan kasama ang tatlong bata. Nakangisi ang mga ito at nababahiran ng pintura. As usual, nakakapit si Rosie kay Evan at mukhang kinikilig ang baby. Wala siyang masabi sa charm ng kanyang boyfriend. Hindi lang pang-teenager at adult, pang-baby rin.
"Nung Pasko lang po 'yan," sambit ni Ate Mabel sa may hapag. "Tinulungan kami ni sir Evan ayusin 'yung k'warto ng mga bata. Tuwang-tuwa si Jerry at Carlo."
"At si Rosie din," dagdag niya. "Pininturahan niya 'yung k'warto ng mga bata?"
"Opo. Tumulong din siya sa paggawa ng playground sa labas. 'Yung asawa kong si Ronald marunong magkarpentero. Tinuruan niya si sir Evan. Nung gumawa sila ng playground d'ya nsa labas, kasama si sir Evan."
Napasilip siya sa isang bintana at nakita ang isang maliit na playground. May swing doon, may slide pa na hugis maliit na palasyo. He painted cartoon characters on the swing and slides, too.
She found herself smiling. Evan may be awkward around other people, but to those close to him, he was warm and giving.
Pumasok sila sa silid ng mga bata, at bumati sa kanya ang mga larawan ng mga puno at bulaklak. He painted the room as if it was a forest, at para bang kadugtong ng mga larawan ang berdeng tanawin sa labas ng bintana. And the ceiling resembled a blue sky. May nakita siyang mga glow in the dark stickers doon, at sigurado siyang kapag madilim ang silid, mukhang puno ng mga bituwin sa malawak na himpapawid ang kisame ng k'warto.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|
RomanceWARNING: R-18| 25dec2020 i've reuploaded all the chapters of seducing mr. antisocial! so yes, mababasa niyo na rin nang buo ang SMA dito ngayon ^_^ hindi pa ako sure kung hanggang kailan mananatili ang lahat ng chapters ng SMA dito sa wattpad. so...