Okay. What the hell was this place?
Gusto nanng sumigaw ni Lavinia at basagin ang GPS ng nirentahan niyang kotse. That thing was useless!
Mabangis niyang iginala ang tingin sa paligid. Trees, grasses, trees and more trees! What the f*ck! Kung matatakutin siya, baka kinabahan na siya dahil siya lang mag-isa sa gitna ng malubak na kalsada na iyon. Walang mga street lights, at ilang kilometro na ang nakalipas mula nang may makita siyang bahay. Forget about malls or any other modern, urban structures. Ni hindi ata alam ng lugar na iyon kung ano ang Starbucks. Mahigit dalawang oras na mula nang lumubog ang araw, at kanina pa nag-aalburoto ang langit. Malalaki ang butil ng ulan na sumasalpok sa bubong at salamin ng Toyota Innova.
Goddamn it, ano bang lugar ito?
Hinilot niya ang noo at sinipat ang kanyang cellphone.
Wala pa ring signal. F*ck it.
May naaninag siyang gumalaw sa gilid, at agad pumasok ang kamay niya sa loob ng kanyang Hermes bag. Pumalupot ang mga daliri niya sa kanyang semi-automatic pistol.
May NPA ba sa Burgos, Ilocos Norte? Fan-f*cking-tastic. Just what she needed.
Tumalon ang isang malaking bulto mula sa likod ng mga halaman, at hinugot niya ang handgun sa bag.
Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig sa apat na paang nilalang na tumatakbo patawid ng kalsada.
What the f*ck? Kambing ba iyon?
Bumuga siya ng hangin at ibinalik ang baril sa bag.
Great. Isang totoo at buhay na kambing. Ang tanging experience niya sa mga kambing ay iyong luto na at nakalagay sa kanyang plato habang nababahiran ng mamahaling sauce.
Carmi would be thrilled to hear about this crazy adventure.
Pinihit niya ulit ang ignition at muling pinaandar ang kotse.
Sigurado siyang nasa tamang landas siya. Sabi ng huling nakausap niyang tao mga thirty minutes na ang nakakaraan, derechonin lang daw niya itong kalsada at siguradong hindi niya malalagpasan ang malaking arko ng mga Servantes.
Arko. Nasaan na ba ang punyemas na arko na iyon?
Dapat talaga ay kumuha siya ng private investigator para mangalap ng impormasyon tungkol kay Lucila Sevantes at sa apo nitong si Evan Agnarsson. Pero nagda-drama na ang kanyang lola at time-sensitive daw ang kanyang misyon. Against her better judgement, she filed for vacation, packed her bags and embarked in this horror adventure.
That's probably the dumbest decision of her life.
Tinawagan na niya kahapon si Lucila, pero hindi malinaw ang pag-uusap nila. The old lady's practically deaf. Ang kasambahay nito na si Manang Huling ang mas nakausap niya. Dapat ay susunduin siya ng mga ito sa Poblacion kanina, pero naaksidente raw 'yung magmamaneho dapat sa mga ito. Hindi siya p'wedeng mag-stay sa Poblacion dahil wala siyang matutuluyan. Fully booked ang mga inns dahil sa kung anong Fiesta.
So now here she was, driving down this endless road.
May ganitong plot para sa isang horror movie, hindi ba?
F*ck it.
'Asan na ba ang punyemas na–
Naningkit muli ang mga mata niya nang mahagilap ng kanyang tingin ang isang matayog na arkong nababalutan ng mga gumagapang na halaman.
Tiningala niya ito at halos idikit niya ang mukha sa windshield ng kotse. Humaharang ang wiper at ulan, pero naaninag niya ang mga letra.
S-E-R-V-A-N-T-E-S.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|
RomanceWARNING: R-18| 25dec2020 i've reuploaded all the chapters of seducing mr. antisocial! so yes, mababasa niyo na rin nang buo ang SMA dito ngayon ^_^ hindi pa ako sure kung hanggang kailan mananatili ang lahat ng chapters ng SMA dito sa wattpad. so...