Dapat ata ay hindi na siya nagpaka-Wonder Woman at hinayaan na lang niya si Evan na i-cancel ang mural painting nito kay Caroline.
Because damn it, now she wanted to drive like a lunatic to Caroline's restaurant and guard Evan like a bulldog.
"Shit, Lavinia, malala ka na."
Damn. Gaaano katagal pa ba si Evan doon?
Tumayo siya sa kama at akmang lalabas ng silid nang mag-ring ang phone niya.
It's her Lola! Great timing. Kailangan niya ng distraction kung hindi ay baka bumuntot na siya sa kanyang boyfriend. Clingy, stalker girlfriend. Ugh.
"'La! What's up?" bati niya. "May nakalimutan kayong sabihin kanina? How's–"
"Lavinia, it's your mother!"
Nabura ang kanyang ngiti. "What?"
"She had alcohol poisoning. Dear, you need to come back here. It's serious. God, nakausap ko na si Tito Anselmo mo. Magpapadala siya ng private jet sa Pagupod. I'll send you the details. Kailangan mong umuwi ngayon, okay?"
"What? Kailan pa? Ano'ng nangyari? Bakit–"
"Hija, mamaya na. Basta mag-impake ka na at baka 'ando'n na rin ang piloto. Sige na, tatawagan kita ulit. Mag-impake ka na, okay?"
Wala siyang choice kung hindi ang sumunod. Tumakbo siya sa tokador at hinihila ang mga naka-hanger niyang damit.
"Okay, fine. Mag-iimpake na 'ko. But how's Mom? Is she okay now?"
"Critical pa. Katatawag lang ng 'ospital. God, Lavinia, ano ba'ng gustong mangyari ng mama mo?"
Tumiim bagang siya at isinaksak ang mga damit sa kanyang maleta. "Send me the details, okay?"
" I will, take care, hija. Mag-usap ulit tayo mamaya."
"Okay. Later, 'La. Take care."
"Take care din, Apo."
It took her less than thirty minutes to get all her things packed. Kung may maiwan man siya, mababalikan niya ang mga 'yon sa susunod.
Humahangos siyang lumabas ng silid at hinanap sina Nanay Lusing at Manang Huling.
"O, ano'ng nangyari? 'San ka pupunta?" bulalas ni Manang huling nang pumasok siya sa kusina.
Nakaupo sa may mesa si Nanay Lusing at Kat-kat, at akmang tatayo ang lola ni Evan nang makita ang ekspresyon niya. Umiling siya at lumapit dito.
"Ano'ng nangyari Lavinia?" untag ng may edad na babae.
"May emergency sa Manila. It's my mother." Magaan niyang hinawakan ang balikat ng abuela ni Evan. "Alcohol poisoning sabi ni Lola. Manang, Nanay, kailangan ko nang umuwi. Babalik ako, pero hindi pa ako sigurado ngayon kung kailan. But I'll be back. Dadaan muna ako kay Evan–"
Tumunog ang phone niya at nakitang galing ang message sa lola niya.
Nasa Pagudpod nap ala 'yung jet. You have to be there in an hour. Gagamitin din kasi 'yung jet ng uncle mo.
Idinitalye ng mensahe kung saan at sino ang hahanapin niya para sa pag-alis.
One hour. F*ck. Nasa Loag City ang restaurant ni Caroline. Mahigit isang oras ang biyahe papunta roon, at nasa magkabilang direksyon ang Pagudpud at Laog City mula sa Burgos.
Isinuksok niya ang phone sa bulsa at niyakap si Nanay Lusing. "Hindi na 'ko makakadaan kay Evan. Naghihintay na 'yung jet. Tatawagan ko na lang siya. 'Nay, Manang, Kat, I have to go."
"Naku, mag-iingat ka." Mahigpit din siyang niyakap ni manang Huling. "Sana maging okay na ang Mama mo."
"I hope so, too."
"Balik ka, ha?"
"I will."
Niyakap niya si Kat-kat, at hinatid siya ng mga ito sa kanyang nirentahang kotse sa labas ng mansion.
Sinulyapan niya ang pamilya ni Evan sa rear-view mirror habang papalayo nang papalayo ang kanyang kotse sa tahanan ng mga Servantes.
"I'll be back,"usal niya sa sarili.
It's not good bye. Babalik siya.
Hinugot niya ang phone sa bulsa at tinawagan ang nobyo. She put it on speakerphone.
He picked up on the fifth ring.
"Lavinia."
The unmistable warmth in his voice whenever he said her name unknotted some of the tension in her stomach. Gumaan nang palupot ng mga daliri niya sa manibela.
"Evan, kailangan ko nang bumalik sa Manila–"
"WHAT?"
Napangiwi siya sa pagsigaw nito, at sa kabila ng lahat, hindi niya napigilang ngumiti.
Damn she felt silly.
"Why? What happened? Where are you? Sandali lang, I'm coming home–"
"No, no need. Papunta na 'ko sa Pagupud. Hinihintay na ko do'n ng jet ng uncle ko. Pasensya na hindi na 'ko nakadaan d'yan. Wala na kasing oras. It's my Mom, alcohol poisoning. I still don't have the details, but Grandma said it's serious. Kailangan kong bumalik na."
Rinig niya ang malalim na paghinga ng binata sa kabilang linya, at at nakikita niya sa isipan ang matingkad na pagkaasul ng mga mata ng lalaki.
"F*ck. Ano'ng oras ka aalis?"
"Kailangan kong makarating sa Pagudpud sa loob ng isang oras. 'Yung piloto–"
"Pupunta ko d'yan. I'll–"
"No, no, no." Umiling siya kahit hindi siya nakikita ng nobyo. "Evan, I'm coming back. Kailangan ko lang umuwi ngayon. There's no need to worry. I'll–" Tumunog ang phone niya para isignal ang isang incoming call. "Shit. Evan, may incoming ako. Baka si Lola. I'll call you later, okay? 'Wag ka nang sumunod sa Pagudpud, hindi ka aabot, baka maaksidente ka pa sa pagmamadali. I'm okay. We'll talk later, okay?"
He let out a harsh breath. "Okay."
"I–"
I love you?
Humigpit ang mga daliri niya sa manibela at umiling siya. Not the right timing.
"I'll see you, Evan. Take care. I'll miss you. Miss me, too, hm?"
"I already do."
The way he said the words made her chest hurt. His voice was strained, his tone low.
"Me, too," marupok niyag usal. "Me, too."
Nag-iinit ang lalamunan at mga mata, tinapos niya ang tawag at tinanggap ang tawag ng kanyang abuela.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|
RomanceWARNING: R-18| 25dec2020 i've reuploaded all the chapters of seducing mr. antisocial! so yes, mababasa niyo na rin nang buo ang SMA dito ngayon ^_^ hindi pa ako sure kung hanggang kailan mananatili ang lahat ng chapters ng SMA dito sa wattpad. so...