Chapter 28

34.2K 868 94
                                    

Panalo ang ekspresyon nina Kat-kat, Manang Huling at Nanay Lusing nang sabihin nila rito ang balita tungkol sa kanila ni Evan. Baka pasukan ng kumpol ng langaw ang bibig ng mga ito sa pagkakaawang ng mga iyon. Namimilog ang mga mata ng tatlo na para bang sinabi nilang may naghihintay na alien spaceship sa labas ng bahay.

"Ka...kayo na?" nauutal na bulalas ni Manang Huling. The poor old lady looked like she was about to faint. Malalaking matang binalingan ng matanda si Evan. "Evan, totoo ba? Baka nagkamali ka lang ng dinig, anak! Baka hindi lang kayo nagkaintindihan ni Lavinia!"

Hindi niya napigilang bumungisngis, pero hindi natawa si Evan. He shot her a grumpy stare and the skin across his cheekbones flushed with heat.

Ngumisi siya at hindi napigilang yakapin ito sa braso. Darn, kung walang ibang tao ay sinunggaban na niya ito ng yakap at halik.

"No, Manang kami na talaga," aniya. "I asked him to be my boyfriend and he said yes! He blushed a lot and stuttered but we managed to understand each other. So yes, kami na po."

"'Sus, Marya, Santisima! Nanay Lusing!" Nagpapadyak si Manang Huling at hinuli ang kamay ng lola ng binata. "'Nay! May girlfriend na ang apo mo! Dininig ng Diyos ang panalangin natin! Hindi na tatandang mag-isa si Evan! Makakahinga na tayo nang maluwag! Magpamisa tayo, Nanay! Tawagan natin sina Erning!"

"Manang Huling," Evan groaned and covered his eyes with his big hand. "Please stop."

She laughed and raised herself on her toes to kiss his jaw. "They're just happy, Evan."

Napasinghap ang tatlo sa harapan nila na para bang tumambling at nag-split siya. Nakangiti niyang binalingan ang mga ito.

Namumula ang mga mata ng tatlo.

Manang Huling dabbed at her eyes with a towel. "Nanay, totoo nga. Kailangan nating tawagin si Father, kailangan nating magpa-thanks giving mass. Tatawagan ko sina Mita, Patring, Lito, Ernest–"

"Goddamn it, Manang, don't do that," ungol ni Evan. Parang pati hair follicles nito ay namumula na, at puno ng pagmamakaawa ang titig na ipinukol nito kay Nanay Lusing. "Lola, suwayin niyo si Manang."

Naluluhang tumango si Nanay Lusing, at ginagap ang kamay ng binata at naginginig ang mga labing ngumiti. Happiness and relief glimmered in the old woman's teary eyes.

"'Wag kang mag-alala, Apo, hindi ko papupuntahin si Mita at Ernest, chismoso ang mga 'yon. Si Patring, Lito, at 'yung mga kasamahan ni Pedro sa munisiplyo at simbahan na lang ang papupuntahin natin."

"Lola!" Evan gritted out but the old lady only sniffed and patted his hand.

"Ayaw mong kasama 'yung sa munisipyo? Sige, 'yung sa barangay na lang–"

"'La!"

Bumungisngis si Kat at mahigpit na yumakap sa lola ng binata. "'Nay tama na, mukhang mahihimatay na sa pagkapula ng mukha si Kuya Evan, o! 'Wag ka nang mang-imbita ng mga taga baranggay at simbahan, 'yung mga kapitbahay na lang natin!"

Pinukol ni Evan ang asul na mga mata sa dalagita at muling bumungisngis si Kat-kat at nag-peace sign sa binata.

"Just let them be, Evan," sulsol din niya.

Bumaling sa kanya ang binata. His blue eyes had darkened with warning. "Don't encourage them."

Nag-angat siya ng kilay. "What? You don't want people to find out about us? Are you ashamed of our relationship? Ayaw mong papuntahin ang mga kakilala niyo rito? Are you embarrassed of me?"

His eyes widened, and his grip tightened on her arm. "What the hell are you talking about?"

Bumungisngis siya at muli itong hinagkan sa panga. "Joke lang. You're so cute when annoyed."

Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon