Chapter 16

35.4K 954 157
                                    

Chapter Sixteen

Kumurap si Lavinia sa kumukulong sauce sa pot. Malapot at kulay brown iyon. May talong, string beans, at puso ng saging doon. May nakapatong ding saucer ng bagoong alamang sa mesa.

"You cooked Kare-kare?" bulalas niya.

Hinalo ni Evan ang kumukulong ulam. "May ingredients naman pala. I checked the recipe last night. Hindi pala mahirap."

"You didn't have to..." aniya, "I was just–"

"It's just Kare-kare, Lavinia. Come on, help me prepare the table. Maluluto na 'to."

She chewed her lower lip. He was right. She was making a big deal out of nothing. It's just a goddamn stew. It's not like he donated his kidney to her.

But still...

Umiling siya at alangang ngumiti. "Yeah. Sige."

Isinawsaw ni Evan ang isang kutsara sa Kare-kare at dinala iyon sa bibig nito. Nagsalubong ang dark blonde na mga kilay ng binata habang tinatantya ang lasa ng sarsa. "Sandali," anito, tapos ay umabot ng panibagong kutsara at isinawsaw ulit sa sauce. "Here, taste this."

Ngumisi siya at itinulak palayo ang kamay nito. "I'd rather taste it from you."

Hinila niya ito sa batok at siniil ng halik. Her tongue stroked his, and he groaned. Napahawak din ito sa baywang niya. The savory flavor of the sauce along with Evan's unique masculine taste spread over her tongue.

Pinutol niya ang halik at dinilaan niya ang kanyang mga labi."Hm...it tastes good."

"Yeah?" Namimigat ang talukap ng mga mata nito. "Want to taste it again?"

Tumawa siya at itinulak ito sa balikat. "I'm hungry, dalian mo na."

"You started it." Pero nakangiti itong bumalik ulit sa ulam.

Nakangiti pa rin, binuksan niya ang isang shelf at kumuha siya roon ng dalawang plato. "I'll wash the dishes. I'm a democratic person, hindi tama na–"

"Evan!"

Sabay silang napaigtad ng binata nang marinig ang baritonong boses mula sa living room. Napalipad ang tingin niya sa bukana ng kitchen, at bumungad doon ang isang matangkad at may edad na mestisuhing lalaki.

"Uncle Felipe!" Malalaking hakbang na sinalubong ng binata ang bagong dating.

Pinanood niyang yakapin ni Evan ang may edad na lalaki.

"Damn it, son, have you grown a few more inches?" Masiglang pinalo sa likod ng may edad na lalaki si Evan.

Tumawa si Evan at umiling. "I'm twenty nine, Uncle, I stopped growing ages ago."

"Are you sure? I thought you're just twenty three, you're–oh." Napatigil ito nang makita siya.

She stood awkwardly, not certain what to do as she stared at the warm exchange between Evan and his uncle Felipe. And that annoyed her. She had never been awkward.

Nagpaskil siya ng ngiti sa mga labi at humakbang papunta sa mga ito. "Hi, Sir. I'm Lavinia Kriselda Montoya. It's a long story, but I'm the granddaughter of Nanay Lusing's long lost friend. It's a pleasure to meet you, Sir. Evan has told me a lot of good things about you."

"Oh." Bumenta rito ang kanyang winning smile, at sumilay rin ang isang ngiti sa mga labi ng lalaki. "A pleasure to meet you, lovely young lady! At Uncle Felipe na lang, 'wag na Sir."

Napakurap siya nang mag-Filipino ito.

Hindi ito blonde at blue eyes kagaya ni Evan, pero banyagang banyaga pa rin ang kabuuan ng lalaki. Malapot na berde ang mga mata nito, at madilim na tsokolate ang buhok nito. Lagpas anim na talampakan din ang may-edad na lalaki.

Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon