Chapter 23

27.1K 719 136
                                    

Naalimpungatan si Lavinia nang dumapo ang puwitan niya sa isang malamig na bagay. Umungol siya at nagmulat. Yakap siya ni Evan habang nakaupo siya sa counter sa banyo. Sa silid niya sa mansion ng mga Servantes iyon.

"W-what? What happened?"

Dinampian siya ng halik ni Evan sa noo. "Nakatulog ka sa biyahe. Here."

Tinulungan siya nitong magmumog ng mouthwash, tapos ay kinarga siya papunta sa kama.

"Are you going to undress me?" mapanukso, pero inaantok niyang tanong. Muli siyang naghikab.

"Yes. Raise your arms, Lavinia," magaang utos nito.

Namumungas niyang sinunod ang binata. Sinuotan siya nito ng isang malaking kamiseta. Tapos ay naramdaman niyang dinadampian ng binata ng basang tela ang kanyang mga paa.

"What are you doing?" she moaned.

"Cleaning your feet. Go ahead and sleep. Mabilis lang 'to."

Gusto niyang magprotesta, pero ang ginhawa ng pakiramdam ng mainit-init na bimpo sa kanyang paa.

Matapos ang ilang sandali, ang mga braso niya ang pinupunasan nito. She giggled. "Yan din ba 'yung pinangpunas mo sa paa ko?"

Mahina itong tumawa roon at pinisil ang kanyang braso. "Ibang towel 'to. You have makeup remover?" usal nito.

"The drawer."

He gently wiped her face with the soft wipes. And when he rubbed moisturizer on her face, she smiled.

"Oh, God..." usal niya. "You're thorough."

"Yeah." He kissed the tip of her nose. "You said you'd go batshit crazy without a moisturizer."

Nagawa niyang magmulat para titigan ang binata. Nakataas ang sulok ng mga labi nito habang marahang pinapahid ang krema sa kanyang panga.

"Sleep tight." He brushed his lips over her forehead.

Ilang minuto na itong nakaalis pero nakatitig pa rin siya roon. Parang nawala ang antok niya, at nakikita pa rin niya sa isipan ang marahang paghaplos sa kanya ng binata.

HINDI na ulit siya dinalaw ng antok.

Mabigat ang dibdib niya at parang may nakadagan sa kanyang sikmura. She felt...she didn't know how she felt.

But she knew one thing, though.

She wanted to be with Evan.

Maikli siyang tumawa at napahawak siya sa noo. God, that was crazy. Hindi ata gumagana ng tama ang utak niya. Just thinking about it made her want to laugh and shake her head.

But damn it, she wanted it. She wanted it so much she could taste it. She wanted it so much she could hear heart thundering every time she thought about it.

"God." Tumawa ulit siya at isinuklay ang mga daliri sa buhok.

What would Evan say? Paano ang mga trabaho nila? The manor was his muse. Ito ang pinakainspirasyon ng binata sa lahat ng paintings nito. He couldn't just leave this place. She wouldn't want him to. At siya? Nasa Manila ang buhay niya. How would they–

Nag-ring ang phone niya.

Crap. Who the hell was it?

Hinablot niya ang phone sa nightstand.

"Carmi?" paos niyang sagot.

"Lavinia! I'm here at Pagudpud, can you come here?"

Napakaunot noo siya nang marinig ang tono nito. May panic sa boses ng kanyang kaibigan, pero sanay na siya roon. Mahilig sa drama ang kaibigan niya. But there was something else.

Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon