Lavinia prided herself for being rational and logical. She's not particularly kind or nice, but she liked to think she's a fair person. Logic dictated that people should not hold grudges, it's not cost-effective. Maraming masamang epekto iyon sa buhay at sa kalusugan ng tao. Take her mother for example. Hanggang ngayon ay umaatungal pa rin ito sa weekly appointment nito sa thereapist tungkol sa kataksilan ng ama niya.
That's good and all, but come on. It's been thirty years. Move on!
So hindi siya naniniwala sa pagtatanim ng galit.
So she's not really holding a grudge against Evan for being an asshole to her these last two days. So she supposed she had to search for him and thank him for his peace offering, right? Right.
So bakit parang kinakabahan siya?
Shit. Paano ito nakabili ng kape at coffee maker? Di ba't may phobia ito sa tao?
Nakikita niya sa isipan ang binata habang nasa loob ng mall at coffee shop, tensiyonado at puno ng alinlangan. Pero ginawa nito iyon para sa peace offering sa kanya. Touch ba siya? Well, duh.
She shook his head. She had to thank him.
She fluffed her hair, smoothed her blue dress and strode out of her room. Dumerecho siya sa studio ng binata sa attic. Halos limang minuto siyang kumatok doon pero walang nagbukas sa kanya.
Sumimangot siya. Isnaban mode pa rin ba sila?
Tumungo siya sa silid ni Nanay Lusing, pero wala roon ang matanda. Mabilis siyang nagtungo sa kusina para hanapin si Kat-kat.
"Kat!" Hinagilap niya ito sa may sa labas ng living room. "'Asan si Nanay?"
"Nasa garden, Ate."
"Garden? Ano'ng garden? Ba't 'ando'n siya?"
"May garden sa gilid nito, Ate, kasama niya si Kuya Evan."
Magkasama ang mag-lola? Bakit parang nagulat siya? "Oh," aniya, "okay, that's good."
"Sa kaliwa nitong mansion, makikita mo agad, sundan mo lang 'yung batong daan."
Tumango siya.
She shouldn't interrupt the grandma and grandson bonding time. It's personal. Hindi siya dapat makiusyoso. It's rude.
Sinundan niya ang cobblestone pathway.
Damn. Chismosa pala siya.
"Ang dami ng bulaklak ng Camia."
Napahinto siya nang marinig ang malumanay na boses ni Nanay Lusing. Nakaupo ito sa isang kahoy na swing sa ilalim ng arko na napapaliguan ng gumagapang na mga puting bulaklak.
Mangha siyang napatingin sa makukulay na mga bulaklak sa paligid. Parang sumabog ang mga kulay ng bahaghari at isinaboy sa hardin na iyon. Giant Gumamelas, pink, violet and white Bougainvilleas, Yellow bells, Mums, Jasmines and Peruvian Lilies and many other flowers she couldn't name littered the small garden.
"It's stll, cold, so they're blooming nonstop," sagot ng binata.
Nakaupo si Evan sa tabi ng hilera ng mga pulang Peruvian Lilies, at itinitiklop nito ang sa tingin niya ay isang tarp. The sun glinted on his golden hair and bronze skin, and he looked like some ancient warrior in some ancient garden.
"Mabuti natakpan mo sila nung bumagyo," saad ni Nanay Lusing.
"Opo."
He should have looked out of place amidst the riot of colorful flowers, but the rustic woods, the wild abandon of blooms, reflected the man squatting on the grass in his stained shirt and cargo shorts.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|
RomanceWARNING: R-18| 25dec2020 i've reuploaded all the chapters of seducing mr. antisocial! so yes, mababasa niyo na rin nang buo ang SMA dito ngayon ^_^ hindi pa ako sure kung hanggang kailan mananatili ang lahat ng chapters ng SMA dito sa wattpad. so...