Chapter 32 (part 1 of 2)

22.9K 682 86
                                    

"So when's the Despedida De Soltera, Ivana?" Lavinia ran the microdermbrasion rod centimeter by centimeter across Ivana Escudero's divine forehead.

"Next month, sa Amanpulo, you have to be there," nakangiting sagot ng dalaga.

"Of course I'd be there. But what's the rush, Dear? Ginulat niyo kami na ikakasal na agad kayo next next month. Are you pregnant?"

Tumawa ang babae, at umiling sa kanya. "You're so blunt, but I like that. Mas okay nang sa harapan ko sabihin kaysa sa likod ko."

"Bakit kailangang pagchismisan ka sa likod mo? You and Aiden are in a healthy relationship, ano ngayon kung buntis ka na?"

Muling tumawa ang babae. Kahit na walang makeup at bahagyang pagod din ang mga mata, mala-diyosa pa rin ang ganda ni Ivana. Well, ano ba'ng maasahan niya? The girl was the country's top product endorser. Pati pilikmata nito ay kailangan atang lagyan ng insurance sa ganda noon.

"No, I'm not pregnant. We just want to get married."

"Hm. Good for you."

"Anyway, I told you you don't have to do this Diamond Peel yourself, Lavinia, I know you're busy."

"Oh, shut up. I need to personally take care of you or other cosmetic clinics might nab you. Igi-guilt trip kita gamit ang personal love and care ko para hindi mo kami iwan."

Tumawa ulit ang babae, at nakangiti niyang pinagpatuloy ang Diamond Peel session nito.

"So how's Aiden?" untag niya.

"Good. Busy, but good." Sandaling kumunot noo ito, at may anino sa mga matang napatitig sa kanya.

Nag-angat siya ng kilay. "What?"

Tumawa ito. "Nothing."

"Spit it out, Dear."

"Wala, I'm just..." Tumawa ulit ito at sheepish na tumitig sa kanya. "This is really silly but I'm just wondering..."

"Ano 'yon?"

"Uhm...ano...have you..."

"Ano nga?"

"Uhm...you've... you've never slept with Aiden, have you?"

Napakurap siya, at sandaling napatigil sa paghagod ng wand sa mukha ng dalaga.

Tumawa ulit ito at umiling. "I'm sorry, I'm just curious. But if you had slept with him in the past, it's okay. Past is past."

Tumawa rin siya at umiling. Hindi niya akalaing inaalala pala iyon ng sikat na modelo. But she supposed it was normal. "No, Dear. Bata pa siya nung umalis siya dito at nagpunta ng States, hindi ba? Baka kinasuhan ako ng statutory rape kung tinikman ko siya no'n. At nang bumalik siya, biningwit mo na agad siya. I never had a chance."

Lumawak ang mayabang na ngiti ni Ivana. "You're just three years older than him, I doubt kung makakasuhan ka ng statutory rape do'n. And correction, siya ang naghabol."

"Right. Lahat naman hinahabol ka. Tusukin kaya kita."

"As if men are not running after you."

"Hm. Sige, let's have a friendly competition. Sa 'tin sa 'tin lang. How many have you slept with before Aiden? Tignan natin kung sinong mas marami sa 'tin."

Namula ang mukha ng dalaga sa ilalim ng malamyos na paghaplos niya. Napakurap siya rito.

"What? Sobrang dami ba?" bulalas niya.

Tumawa ito at umiling. Tapos ay napakagat labi. Kumunot noo siya rito. Si Ivana namumula? Scoop ito.

"Actually, Lavinia," anito, may kaunti pa ring pamumula sa mga pisngi. "Aiden's my first. He's the one and only guy I've ever slept with."

Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon