Pagkalabas ng bar, pumikit siya at humugot nang malalim na hininga. Mabango ang hanging dagat at malamig iyon sa balat niya. Nilaro nito ang kanyang buhok at bahagyang tinanggay ang kanyang mga inaalala.
Naglakad siya papunta sa beach. Humawak siya sa isang niyog para hubarin ang kanyang sapatos. Napatitig siya sa pulang Manolo Blahnik flats.
Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakakabili ng sandals para maisoli ang sapatos ng mama ni Evan.
Nakita niya sa isipan ang binata, nakatitig sa kanya habang nakataas ang sulok ng mga labi sa isang masuyong ngiti.
And we can't even get the nice guys. Para sa mga ganoong lalaki, experience rin lang tayo. We're a f*cking chapter in their lives, Lavinia. An interesting, colorful, dirty chapter. Pang-backstory. We're not included in the happy ever after. Never in the happy ever after.
Nakita niya sa isipan si Caroline. Ang maganda at mahinhin na si Caroline na magaling mag-bake at mahilig magtanim ng mga rosas. Nakita niya si Evan na nakangiti rito, masinsinang nakikinig sa sinasabi nito. Si Evan, ang mabait, sweet, at sobrang thoughtful na si Evan.
The nice guy, the marrying type guy. The faithful, honest and sweet kind of guy.
Lavinia, ang kontrabida sa buhay ni Sarah Ang Munting Prinsesa.
She laughed a little and shook her head.
Carmi actually had a point, didn't she? But f*ck if she'd let that run her life.
"Nice one, Carmi," usal niya.
Malambot ang buhangin sa kanyang mga paa, at malamig ang tubig na dumadapi sa kanyang balat. Malinaw ang langit, at kumikinang ang mga bituwin doon. Hinanap niya ang belt ni Orion, at kumindat sa kanya ang tatlong bituwin.
Pumikit siya, at pilit pinaglabanan ang namuong bara sa kanyang lalamunan.
"Lavinia?"
Nagmulat siya at nilingon ang lalaking tumawag sa kanya. Nasinagan ito ng buwan at ng mga ilaw sa paligid. Matangkad, matipuno ang katawan, magulo ang maitim na buhok.
Ang kanyang cheater first ex-boyfriend.
"What are you doing here, Calvin?"
Tumaas ang sulok ng mga labi nito sa paraang nagpapabilis ng tibok ng puso ng mga babae. It used to work on her, but that was a lifetime ago. It didn't work on her now.
"I've heard you're in Ilocos Norte, I'm glad I run into you here."
"You're stalking me?"
Tumawa ito roon at isinuklay ang mga daliri sa stylish nitong buhok. Pero mas mahaba ang buhok ni Evan. Mas malambot.
"Actually yes, Lavinia. You've been avoiding me."
"Ah, so totoo pala ang balita." Namaywang siya. "You really are stalking me. First of all, what the hell, Calvin? It's creepy. I'm not interested."
Hinarap na niya ito nang tuluyan. Malaki na ang pinagbago nito mula nang maging magkasintahan sila halos isa at kalahating dekada na rin ang nakakaraan. He was no longer the pretty boy who had high school girls screaming like crazy over him. Calvin was all man now. The guy overflowed with testosterones and sexual appeal.
Humakbang ito palapit sa kanya at muling tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Still so blunt and direct. I've always loved that about you."
"The feeling is mutual. I love that about myself, too. Is that all?"
Lumapad ang ngiti nito. Kaswal nitong isinusksok ang mga kamay sa mga bulsa ng cargo shorts nito.
Cargo shorts. Ang paboritong attire ni Evan.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|
RomanceWARNING: R-18| 25dec2020 i've reuploaded all the chapters of seducing mr. antisocial! so yes, mababasa niyo na rin nang buo ang SMA dito ngayon ^_^ hindi pa ako sure kung hanggang kailan mananatili ang lahat ng chapters ng SMA dito sa wattpad. so...