Hindi niya nakita si Evan buong umaga at hapon nang sumunod na araw. The guy locked himself up in his studio and decided to shun all forms of human interaction.
Ganoon daw talaga ito minsan sabi ni Manang Huling at Nanay Lusing. Iniiwanan na lang nila ito ng pagkain sa labas ng studio at kinakatok para paalalahanan na kailangan nitong kumain.
He was not trying to avoid her. Feeling niya, 'no?
"Everything's good here, 'La." Namaywang siya sa tapat ng malaking bintana at nakasimangot na pinagmasdan ang papadilim na langit. Red, orange, gold, blue and violet warred across the heavens as the sun died in the ocean. "Sabi ni Evan pag-iisipan niya ang pagpunta sa exhibit, that's the best we can hope for."
"Tama, tama, that's good. I'm happy for Lucila."
"Nanay Lusing's pretty happy, too."
"So uuwi ka na ba? May mahigit one week ka pa. Stay there and enjoy your vacation, Lavinia."
Napakunot noo siya at napasandal sa gilid ng bintana.
Leave the place, huh? Tumitig ulit siya sa dagat, at sa naghahalong mga kulay doon.
"Yes, I might spend a couple more days and enjoy the scenery. It's a great place, 'La. Balik tayo rito kapag okay na kayo."
"I'm healing pretty well, maybe we can visit this Christmas."
"Do that, I'm sure–"
Unang nahagip ng mga mata niya ang matingkad na buhok ng binata. Napaigkas ang ulo niya sa direksyon noon, at nakita si Evan sa gilid ng mansion. The last rays of the dying sunlight glinted off the golden strands of his hair. Even in dark shirt and cargo shorts, his masculine form was prominent. The sleek muscles and bronze skin stood out in the muted light. He walked with careless masculine grace, something he probably didn't even notice.
"'La, usap ulit tayo bukas. Gotta, go. Night."
Binaba niya ang telepono at isinuksok sa bulsa ng kanyang mini-skirt. Lumabas siya ng silid at dali-daling tinungo ang hagdan para maabutan si Evan. Mabuti at suot niya ang flats na ipinahiram nito kaya hindi siya nahirapang tumakbo. Dumaan siya sa kitchen at tinakbo ang gilid ng mansion.
Halos wala nang sinag ng araw, at malamig ang simoy ng hangin. Hinalughog niya ng tingin ang paligid para hanapin ang binata. Muli, ang buhok nito ang nahagilap ng mga mata niya.
Glow in the dark iyon.
Malalaking hakbang niyang sinundan ang binata.
Pumasok ito sa may gubat, tapos ay bigla itong lumingon.
Nanlaki ang mga mata niya at mabilis siyang nakapagtago sa likod ng isang malaking puno. Ramdam niya ang pagtambol ng kanyang puso, at mariin siyang pumikit at mahinang nagmura.
What the hell was she doing? Kailan pa siya nagkaroon ng stalker tendencies? Ano'ng sunod? Lalagyan niya ng spy cams ang banyo nito?
Well, why not? Ba't ngayon niya lang naisip iyon?
Inikot niya ang mga mata sa sarili.
Nilingon niya ang binata at nakitang nalalakad na ulit ito paabante. Naningkit ang mga mata niya at sinundan ulit ito.
Where the hell was he going? Tumiim labi siya at binilisan ang hakbang para hindi siya nito maiwan. Unti-unti nang dumidilim, at bahagyang sumusuray ang mga makakapal na dahon sa hangin.
Sumimangot siya.
Ano'ng mayroon sa gubat na ito? Bakit kailangang pumuslit ni Evan ng bahay at pumasok sa gubat na 'to? Sa dilim! It was goddamn suspicious.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|
RomanceWARNING: R-18| 25dec2020 i've reuploaded all the chapters of seducing mr. antisocial! so yes, mababasa niyo na rin nang buo ang SMA dito ngayon ^_^ hindi pa ako sure kung hanggang kailan mananatili ang lahat ng chapters ng SMA dito sa wattpad. so...