Chapter 33 (part 1 of 2)

20.3K 847 133
                                    

I woke up around three thirty this morning. I had to finish some paintings. Nag-timpla ako ng kape, tapos naalala kita. Ang totoo, lagi naman kitang naalala. O siguro hindi tamang term ang naalala? Paano kita maalala kung lagi ka namang nasa isip ko? Does that make sense?

Sabi ni Uncle Felipe, the kids in Clemente Home loved the mural. Do you like it? I sent you a photo.

Lola wants to sell flowers. Gusto niyang magbukas ng flower shop. I think it's good for her. What's your favorite flower?

I miss you.

I'm always thinking of you.

Umiling si Lavinia at ibinaba ang kanyang phone.

"F*ck," mura niya

Evan was giving her whiplash.

May toyo rin talaga ang isang 'yon.

Bumuntong hininga siya at muling binasa ang email ng boyfriend. Lagi itong nagpapadala sa kanya ng mga ganitong emails mula nang umalis siya. Pero kapag tatawag siya, lagi naman itong busy.

"Evan, may sayad ka rin," bulong niya.

O masyado na ba siyang nagiging clingy? Like her mother? Dear God, she hoped not.

Umiling siya sa sarili. No, she was doing fine. No need to be scared of turning into her mother. She might end up losing the best things in her life if she allowed herself to be scared all the time. But she had to talk to him about their situation soon. Hindi uubra sa kanya ang ganitong setup.

Nakatulog siyang hawak ang phone.

*****

"Lavinia! Lavinia, Dear, rise and shine!"

"Ugh..." Umungol siya at pinigilan ang sariling ibaon ang mukha sa unan. "Lola, it's too early."

"Lavinia, Dear!" singsong ng kanyang lola.

"Lola, it's my day-off..."

"Yes, I know, Dear. That's why Precie and I are here. You need a full body treatment! It's ironic, don't you think? Ang dami-dami mong spa pero hindi ka nagpapamasahe nitong nakaraang dalawang linggo? No, Dear, that is unacceptable. Tayo na, Lavinia. Today is pampering day!"

Wala siyang laban dito at kay Manang Precie.

Pagkatapos ng kalahating oras, nakahiga padapa na siya sa massage table sa kanyang living room at umuungol sa sarap ng masahe ng kanyang massage therapist.

Pagkatapos ng full body treatment, dumating ang isang team ng hairstylist at makeup artists sa kanyang condo.

"Lola, what's this?" bulalas niya habang inaayos ng staff ang mga gamit sa kanyang living room.

"There's this charity event I need to attend tonight." Kumuha ito ng dalawang cocktail dress mula sa dalang portable garment rack ng isang staff. Isang saphire blue Sabrina cut dress at isang wine red curve-hugging knee length dress ang mga iyon.

"Tonight?" Inangatan niya ito ng kilay. "And you're bringing me? Saan? Para sa ano'ng charity?"

"For children. Now choose. Ano'ng gusto mo, blue or red?"

Ibinuka niy ang bibig para sabihing wala siya sa mood na dumalo sa isang charity event. Pero umiling siya sa sarili. Magandang distraction din ito.

Pinagmasdan niya ng tingin ang asul at pulang damit.

I like red on you. Well, she'd always loved red, too.

"The red one," saad niya.

Hinayaan niyang hilahin siya ng isang staff sa makeup chair.

Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon