Chapter 23

92 2 0
                                        


Ngunit ng lumingon ako sa kabilang dako hindi ko mapigilan ang mga luha kong tuloy tuloy na dumaloy sobra akong nalungkot sa aking nakita.

Isang pamilyang masayang nagbobonding. Ang mag-asawa, mga anak nito at ang mga lolo at lola nila. Bakit ang dali para sa iba na magkaroon ng simpleng pamilya? Yung tanggap at hindi gagawan ng masama.

Mararanasan kaya nina Jacob at Claire ang pagmamahal ng kanilang mga lolo at lola?

Pero maling hanapin ang pagmamahal sa iba. Kaya ko namang ibigay sa mga anak ko ang pagmamahal na kulang.

"Hay... Hindi ko tuloy maiwang mamiss ang aking mga anak." Bulong ko sa aking sarili at agad na pinunasan ang tulo ng mga luha. Buti nalamang talaga at waterproof itong make up na inilagay sakin.

Habang kinakalma ko ang sarili ko ay nagpalingalinga ako. Nasaan ang organizer?

Pero nagulat ako na sa pag lingon ko sa may side ng pinto ay iba ang nahanap ko.

Standing there so proudly is my family. Jacob wearing a light brown toxedo with a topsider shoes, while Claire is wearing a yellow simple gown with flower crown on her head. Johan on the other side is wearing the same clothes as Jacob. Para silang pinagbiyak na bunga.

Kumaway si Claire sa akin na nagpalambot lalo ng puso ko.

Dahan dahan lumapit si Johan sakin noong napansin niyang naestatwa na ako sa kinatatayuan ko.

Sa tamang distansya ay tumigil siya at nagsalita.

"Carlee, lumipas man ang panahon at matagal tayong nagkahiwalay pero alam mo ba ang hindi nagbago? Ito ay ang mga pangarap ko."

Unti unti tumulo ang luha ko.

"Pangarap ko Carlee na makasama ka sa panghabang buhay. Pangarap kong manatili sa tabi mo at mabuhay ng tahimik."

"Simpleng pangarap Carlee pero para sakin ay napaka importante. Alam ko natanong ko na sayo ang tanong na ito pero gusto ko ulit itanong."

"Will you marry me?"

Napatingin ako sa aking mga anak mayroon sila ngayong hawak na banner saying "yes".

Kita ko sa mukha ni Johan ang kaunting kaba at takot.

Ngumit ako at sinabi sakanya.

"Bakit ka kinakabahan? Alam mo bang iisa ang isasagot ko sa tanong mong yan. Laging oo Johan." Lalong tumulo ang luha ko at isinuot niya ang singsing sa akin. Niyakap niya ako at binulong.

"Akala ko kasi dahil sa ginawa kong pang iiwan sayo kahapon ay magbabago na ang isip mo. Mahal na mahal kita Carlee. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin"

"Mahal na mahal ko din kayo Johan."

"Let's get married now?"

"Huh? Paano? Kagaya dati, tayo lamang ulit?"

Para sakin wala din naman problema yun atleast ngayon kasama na namin anak namin. Kahit kami lamang ay kontento na ako sa buhay.

Tumawa siya at umiling.

"Stay there." Sabi ni Johan.

Hinawakan ni Johan ang kamay ng mga anak namin at naglakad sila papuntang kabilang side ng pinto.

Agad na lumapit sakin ang make up artist at niretouch niya ako.

Behind the big doors, I can hear a classical music. Para bang may kasal sa kabila at napasok na ang mga entourage.

Sabay sa pagtapos ng pag aayos sa aking make up ay ang biglang pagpalit ng tugtog.

"Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling inlove with you"

Boses yun ni Johan ah. Unti unting bumukas ang dalawang malaking pinto revealing what's behind the big doors.

"Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling inlove with you."

Unang bumungad sakin ang path na puno ng mga rose petals. Kitang kita ko din ang mga wooden white chairs kung nasaan nakaupo ang mga bisita na sabay sabay tumayo noong nakita ako sa may pinto.

"Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are mean't to be"

Our friends are here. Fiona, Steven, John, Liosa, Jamila, Mark, our relatives, Johan's family and other people na hindi ko kilala pero familiar ang mga mukha siguro ito yung mga business partner ni Johan na pinakilala sakin noon.

They are all here and standing at the middle of the path are my parents smiling and crying.

It's funny to think na kung paano ganoong kaunti ang witness namin sa unang wedding ay siyang kabaliktaran ngayon.

This time pinagsisigawan na sa buong mundo na ikakasal na talaga kami.

Johan is standing infront sa may arch singing pero titig na titig sa akin. Katabi niya ay si Patrick smiling and whispering something.

Hindi ko na napigilan ang aking luha at unti unti na akong humakbang.

"Take my hand
Take my whole life, too
For I can't help fallin inlove with you"

Sa gitna ay sinalubong ako ng aking parents at niyakap.

"We are sorry anak. Sorry for turning our backs on you. Natakot kasi kami na maulit lamang ulit ang dati. Masyado kang nasira noong nawala si Johan. Pati kami tinalikuran mo para mamuhay sa bahay na bigay sayo ni Johan. Pero mahal na mahal ka namin anak."

"Mahal na mahal ko din po kayo. Sa maniwala po kayo o sa hindi tanggap ko po lahat ng ito at nauunawaan ko kayo"

Nang kumalma na ay pinagpatuloy na namin ang paglakad.

Nagmano si Johan sa parents ko as a sign of respect at ganoon din ang ginawa ko sa parents niya kahit nakaramdam ako ng awkwardness.

Nang matapos ay hinawakan na ni Johan ang kamay ko at dinala sa gitna ng arch. Kitang kita ko ngayon ang aming background.

Ang kalmadong dagat at papalubog na araw, ang langit na kulay kahel. Animoy nasa isa kaming painting sa sobrang ganda.

Tama pala talaga na may katapusan ang problema. Basta may paniniwala at pananampalataya sa Diyos. Dati kasi sumuko na ako, alam kong sa life time na ito na hindi na ako makakaramdam ng isang daang porsyentong kaligayan pero nagkamali ako higit pa doon ang nararamdaman ko ngayon.

Napatitig ako sa lalaking kadaupang palad ko ngayon habang nakikinig sa pangaral ng pastor na nagkakasal samin.

"I love you Carlee." Bulong sakin ni Johan.

Ngumit ako sakanya at binulungan din siya.

"Mahal din kita Johan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nights with My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon