CHAPTER 6

3.1K 75 2
                                    


~Third Person's POV~

Mabilis na lumipas ang mga araw hindi na bumalik muli si Carlee sa resort natatakot siya na baka makita siya ng misteryosong lalaki.

Malimit tumatawag sa kanya si Miguel ngunit hindi niya ito sinasagot. Alam kasi nitong kukulitin siyang bamalik sa resort at alam ni Carlee na hindi niya kayang bumalik dahil naguguilty siya sa ginawa niya. Pakiramdam niya niloko niya si Miguel at lalong lalo na na pakiramdam niya pinagtaksilan niya ang nag iisang pinakamamahal niya, si Johan.

~Patrick's POV~

Nakasakay na kami ngayon ng kotse ni boss tapos na kasi ang 1 week seminar.

Napapansin ko lang parang may iba kay boss ngayon. Simula kasi ng bigla nalamang siyang nawala sa party as in sobrang tahimik niya at ang lalim ng iniisip. Oo ganoon naman talaga siya pero malala siya ngayon.

Minsan nga natatakot na ako dito parang naloloko na. Feeling ko kelangan ko siyang tanungin.

"Boss okay ka ba lang?" nag aalalang tanong ko kay boss.

"What do you care?" Supladong sagot niya saken.

Hay nako hindi pa ako nasanay alam ko naman na ganito talaga siya dapat hindi ko nalamang siya tinanong.

Tahimik nalamang ako dito nakatigil pa kami kasi iniintay pa namin si Raul may inaayos pa kasi ung documents.

"Sometimes I am wondering who really am I." Putik biglang umimik si boss nananatili akong tahimik pakikinggan ko nalamang siya. " I really feel that this is not really me. Some part of me is missing and I want to find it."

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hay kahit ako din naman eh kung ako ang asa kalagayan niyan pihadong litong lito ako ngayon. Para kasing napakadaming lihim ng pamilya nila kahit nga ang kanyang asawa.

~Carlee's POV~

Adito ako ngayon sa isang tagong part ng resort ngayon kasi ang tapos ng seminar alam kong aalis na si Miguel, kailangan kong magsorry sakanya dahil basta ko nalamang siya iniwan sa party.

Naglalakad ako ngayon papunta sa office ni Miguel ng may makasalubong akong dalawang babaeng nagkkwentuhan.

"Ang ganda ng speech ni Mr. Lonzon ano?" girl 1.

"Oo nga ang pogi pa niya? Sapalagay mo may asawa na siya? At ano nga pangalan niya?" girl 2

"Johan Lonzon ito talaga hindi nakikinig."  girl 1.

Nang marinig ko ito agad ko silang binalikan kasi nakalampas na sila.

"Miss pakiulit anong pangalan ni Mr. Lonzon?" Tanong ko sa mga babae.

"Johan??" Pagtataka nilang sagot.

Agad akong kinabahan hindi ko alam kung pwedeng mangyari yun pero iniisip kong sana si Johan iyon.

" Asaan siya miss? Alam niyo ba kung saan ko siya makikita?"

"Oo ayun oh ung black na pajero sports dun siya sakay paalis na nga ata sila." sagot nila saakin.

Dali dali akong naglakad papunta sa may kotse at laking gulat ko sa aking nakita.

Nights with My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon