Carlee's POV
As we arrived in Bohol nagtungo na agad kami sa isang hotel doon. I can say that this is a 5 star hotel. Malayolayo rin ang binayahi namin upang makarating dito.
Sa paglingonlingo ko napansin kong kaunti lang ang taong naroon. Sabagay hindi kasi peek season ngayon.
Inaya na niya ako upang pumunta sa aming magiging kwarto. Sinamahan kami ng isang bellboy upang magdala ng aming mga gamit.
Sa pagpasok namin sa kwarto ay hindi ko maiwasang humanga. Isa itong presidential suite may sariling kitchen, 2 bedrooms, living room and 2 bathrooms. Mayroon din itong balcony as ay open the sliding door hindi ko naiwasang lalong humanga sobrang ganda ng view naaakalain mo wala ka sa Pilipinas.
Kalmadong dagat na malakristal ang tubig na kumikinang dahil sa sinag ng araw at pinong pinong puting buhangin. Ito ang view sa labas ng aming tinutuluyang hotel.
Nawala bigla ang atensyon ko sa kapaligiran ng may yumakap sakin patalikod.
"I hope you enjoy your view. I'll just be going somewhere for a meeting. Medjo matatagalan ako kaya you can enjoy your stay here. Go out and have some fun. I also took your phone to make sure no one will bother you here. If you want to eat you can just get anything you want in the restaurant of the hotel. I love you."
After saying those words he kiss me on my forehead and then leave without letting me to complain.
"What did he say?" Tanong ko sa sarili ko ng nakaalis na siya. Hindi agad naproseso ng utak ko ang mga sinabi niya.
He will be leaving me here because he has a meeting. I thought the reason why we are here is because we will be having our vacation.
Sinubukan ko siyang habulin ngunit pagbukas ko ng pinto upang hanapin siya sa pasilyo ay tangging isang empleyado ng hotel na maydalang mga pagkain ang aking naabutan. Kaya dalidali akong sumakay ng elevator para mahabol siya.
Pagdating ko sa lobby nakita kong pasakay na siya sa sasakyan niya at may kasama siya sa loob na isang babae. Agad na umandar ang sasakyan kaya hindi ko na ito nahabol pa.
Bigo muli akong bumalik sa kwarto at ibinaling ang atensyon sa iba. Siguro yun ang kameeting niya. Hindi ko maiwasang magselos dahil kita ko kung gaano kaganda ang babaeng kasama niya pero siguro naman ngayon lang ito at kameeting lang talaga niya iyon.
Minabuti kong magpalit muna ng damit upang makapamasyal sa labas. I am now wearing a maxi dress with a tropical print design.
Hinahanap ko rin ang aking wallet so I can buy some souvenirs but I cannot find it. Isang ring coming from the hotel telephone ang aking narinig kaya sinagot ko ito.
"Hello"
"Good afternoon ma'am. This is Rose we would like to inform you that Mr. Lonzon just called and he wants to inform you that he cannot go back to the hotel today because of some important matter and he wants to tell you also that your friend in Manila just called to tell you that you left your wallet there. Thank you and have a nice day."
Hindi na ako nakapagsalita at nakapagtanong pa sa babaeng kausap ko dahil sa sobrang pag iisip.
Bakit hindi siya makakabalik dito? Saan siya matutulog? Kasama ba niya ang babaeng kasama niya kanina? Ano ba talaga? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong cellphone hindi ko saulo ang mga numbers ng kaibigan ko sa manila tangging kay Johan lang ang saulo ko tinatry kong tawagan siya gamit ang telephone ng hotel ngunit hindi daw nila ako maiiconnect kay Johan.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya agad akong bumaba dala ang susi ng hotel. Pupuntahan ko ang receptionist na kausap ko kanina sa telepono.
"Hi! Can I speak with Ms. Rose?"
"Ow! I am sorry ma'am Rose is already out nakaalis na po siya. Why ma'am do you need help?" Tanong ng nakangiting receptionist na nabasa ko'y Sherly ang pangalan.
"I just have a question. Tumawag daw kasi dito ang asawa ko. Do you have any idea about it?"
"Sorry ma'am I don't have any idea about it. Kauumpisa palamang po kasi ng shift ko"
"Okay thank you"
Mukha akong walang makukuhang impormasyon sa kanya kaya nagtungo nalamang ako sa isang coffeshop ng hotel.
Maganda ang tayo nito nakaharap kasi ito sa dalampasigan kaya kita ang dagat. Madilim na ang langit mukhang uulan ng malakas din ang hanggin kaya ang kaninang mapayapang dagat ay napaltan ng malalaking alon.
Umorder ako ng isang hot choco dahil sa lamig ng hanggin.
Kamusta na kaya ang mga bata? Hindi ko mapigilang lalong malungkot dahil namimiss ko na sila kung hindi sana dinala ni Johan ang phone ko kanina ko pa sila natawagan.
Habang humihigop ako ng hot choco may tatlong pumasok. Isang bading at dalawang babae umupo ito sa tabi ko kaya hindi ko sinasadyang marinig ang pinag uusapan nila.
"Anong sabi mo? Bakit hindi siya makakarating paano yung shoot? Bukas na yun wala kaming mahahanap na kapalit niya. Gumawa ka ng paraan. Anong walang paraan? Hello! Gustin hello???"
"Binaba ni Gustin yung telepono hindi daw makakarating yung model paano nayan. Kailangan nating makahanap ng kapalit." Sabi ng bakla sa kasama niyang dalwang babae.
Hindi ko napigilang mapatingin sa nagsalita dahil para itong pamilyar at hindi nga ako nagkamali ito ang baklang nag ayos sakin noong gabing nagpakasal kami ni Johan.
Napatingin siya sakin at ngumit. Ngumiti din ako sakanya. Kung hindi ako nag kakamali siya si Brenda. Tumunog ulit ang telepono niya at sinagot ito.
"Hello Ma'am Riah. Yes po.... yes po gagawan po namin ng paraan. Wag po kayong mag alala sige po hahanap po kami ng kapalit. Opo wag na po kayong magalit opo. " at doon binaba niya ang tawag at nakipag usap sa dalawang babaeng kasama niya.
"Pag hindi daw tayo natuloy magbabayad daw tayo ng 1,000,000 sakanya kailangan nating maghanap ng kapalit."
Bumaling na ako sa ibang direksyon upang hindi mapansin na nakikinig ako sa usapan nila. Hindi ko na din nasundan ang pinag usapan nila.
Patayo na ako ng lumapit si Brenda. "Ma'am Carlee right?" Pagsisigurado niya sakin.
"Yes. How are you?" Sagot ko.
"Well as you can see we our in a deep trouble one of our model backout. And we our in a need for a replacement."
Hindi ko alam kung bakit niya yun sinasabi sakin kaya ngiti lang ang tanggi kong nagawa.
"Please ms. Carlee we need your help. Can you be our model for tomorrow?"
Pagmamakaawa niya na ikinagulat ko.
"Why me?" Tanong ko sakanya.
"The shoot is tomorrow magkasing size kayo noong model na nagback out and you're so pretty tiyak na magugustuhan ka ni Ms.Riah."
"Sorry but I am not into modeling wala akong alam diyan." Pagtanggi ko sakanya.
"Please Ms. Carlee you dont need experience to do this. Your just going to stand and smile that's it. We are willing to pay you 100,000 for just 5 pictures.I know your not into the money but please help isa itong malaking break para sakin sikat si Mr. Riah Shee at pagkinuha niya kami makakaahon yung company namin."
I don't really like the idea of me being a model but my heart want to help them.
"Just 5 pictures. I am doing this cause youre a friend."
Tuwang tuwa si Brenda at yung mga babae niyang kasama.
Sabi nila sunset daw yung shoot kaya after lunch daw nila ako pupuntahan para ayusan. Okay lang naman sakin kasi sa umaga I will be waiting for Johan.