~Carlee's POV~Pagkadating ko ng condo ay naabutan kong nag iimpake si Kim. Bakas sa kanya ang antok pero patuloy niyang ginagawa ang sinabi ko.
Hindi ko maiwasang muling lumuha ng maalala ko na buhay si Johan dapat masaya ako ngayon pero hindi ko magawa lalo na't alam ko na hindi na kami pwede sa isa't isa.
Tinulungan ko si Kim ayusin ang iba pang gamit na dadalhin namin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngunit kailangan kong lumayo para hindi mawala sakin si Jacob.
.
.
.
6:00 am.Nakasakay kami ngayon sa bus patungong Pangasinan Wala kaming kakilala dun kaya mabuting dun kami pumunta atleast walang makakakilala samin. Tangging tatlong bag lang nadala namin ni Kim masyado kasing mahirap magbitbit kaya naiisipan kong iwan nalamang ang mga hindi mahahalagang gamit.
Pinagmasdan ko ang aking anak na si Jacob na ngayon ay kandong kandong ko habang natutulog.
Hindi ko maiwasang maawa sa kanya dahil inaalis ko sa kanya ang pagkakataong makita niya na ang kanyang daddy.
Niyakap ko ng mahigpit si Jacob. Kasabay nito ang pag tulo ng luha ko.
-Patrick's POV-
Heto kami ngayon katok ng katok sa pinto ng isang condo. Hindi ko malamang kay boss kung ano trip niya sa buhay.
Kita ang pagkairita niya dahil walang nagbubukas ng pinto. Para ngang mawawasak na ito kakakatok eh.
Maya maya pa ay may lumabas sa kabilang kwarto.
"Naku mga sir wala pong tao jan kaaalis lang nila kaninang madaling araw madaming dalang gamit baka po magtagal silang mawawala."
Agad na bumaling si Boss sa nagsalita.
"Do you know where they go?" Kita sa itsura ni boss na nagtitimpi ng galit.
" Hindi po eh." Pagkasabi nito ay agad na umalis si boss.Tamo itong si boss para talagang pinaglihi sa sama ng loob hindi manlamang nagawang magpasalamat sa pinagtanungan niya. Buti nalamang nadito ang gwapong ako para magpasalamat para sakanya.
"Boss sino ba kasing kinakatok mo dun?" Takang tanong ko ngunit hindi siya sumagot.
"Siguro may utang sayo ano? Hala boss pati ba naman pagpapautang pinasok mo na. Mahirap talaga ang bussiness na yan malimit kang matatakbuhan ." Saad ko habang patango tango pa.
Bumaling si boss na may maitim na aurang nakatingin sakin.
" What the hell are you saying!! Can you please shut up your f*cking mouth."
Agad kong tinakpan ang bibig ko mahirap na baka sakin ibunton ni boss galit niya at masira pa ang nguso ko mabawasan ang kagwapuhan ko.
-Johan's POV-
"Patrick call Bryan now tell him I want to meet him now!" Hindi ko maiwasang magalit ka Carlee ano ba iniisip niya at umalis siya. Pinagtataguan ba niya ako. At bakit naman.
"Patrick! Did you hear me?" Tanong ko kay patrick dahil wala akong narinig na sagot galing sa kanya.
"shduqbbsidkwvxya"
"What are you saying! Way are you covering your mouth I cannot understand you!" Ano nanaman kaya ang kalokohan ng patrick na ito. Minsan gusto ko na siyang saktan eh.
" Sabi mo kasi boss shut up kaya tinakpan ko bibig ko baka masuntok mo pa ako mabawasan ang kagwapuhan ko"
Talagang napakapasaway talaga nitong si Patrick.
.
.
.
Pinagmamasdan ko ngayon ang singsing na dapat ay ibibigay ko kay Carlee.Biglang tumunog ang telepono ko.
"Sir Mr. Mercado is here."
"Okay let him in."
Wala pang ilang segudo ay bumukas na ang pinto ko.
"Boss" its Bryan my investigator.
"I want you too find Carlee Santiago Ponce. I want the information NOW!"
"Yes boss," At agad umalis si Bryan.
-Carlee's POV-
Its 8 o'clock in the evening nadito kami ngayon sa isang hotel sa Pangasinan. Tulog na si Kim at Jacob dahil sa sobrang pagod.
Kaninang umaga ng magising si Jacob ay agad siyang nagtanong kung saan kami pupunta. Tangging nasabi ko lamang sa kanya ay magbabakasyon muna kami ng ilang araw.
Nasa may dalampasigan ako ngayon habang tinatanaw ang mga karatig isla.
Nang umihip ng malakas ang hangin ay nakaramdam ako ng sobrang lamig kaya niyakap ko ang aking sarili.
Aalis na sana ako ng biglang may naglagay ng leather jacket sa balikat ko. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng maamoy ko ang jacket na suot ko. Ang pabangong ito.
"Gabi na at malamig bakit ka nadito sa labas?"
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na yun. Hindi ko na kailangang lumingon para mapatunayan kung sino ang kasama ko ngayon.
"Johan." Ang tanggi kong nabanggit ng iniharap niya ako sa kanya.
"Carlee you think you can run away from me again? Well nice try."