~Carlee's POV~Dali dali akong naglakad papunta sa may kotse at laking gulat ko sa aking nakita.
Isang lalaking hindi ko kilala na nagulat ng nakita niyang bigla nalamang akong lumapit sa sasakyan niya.
Agad niyang binaba ang bintana at tinanong ako.
"Yes miss do you need anything?" Tanong niya sakin.
"I am sorry I thought your one of my friend. I am really sorry I have to go."
Agad naman akong tumalikod.
"Carlee??"
Agad akong napatunghay ng marinig ko ang boses ng dahilan kaya adito ako ngayon.
"Miguel!"
Masyado akong nagexpect paano mapapapunta dito si Johan eh matagal na siyang wala. Marami namang Johan Lonzon sa mundo.
"How are you? What happen to you this past few days basta ka nalamng nawala sa party?"
"I am fine sumama kasi pakiramdam ko kaya napagpasyahan ko ng umuwi sorry hindi na ako nakabalik dito." Pag papaliwanan ko sakanya.
"Oh okay ka na ba? Lets go inside my office." Ang sabi ni Miguel at hinawakan niya ako sa may bewang at naglakad papuntang kanyang office.
~Patrick's POV~
Anong nangyayari sa mundo bakit parang ang weweird ng mga tao ngayon kanina si boss nagdrama pagkatapos magdrama bumaba at may titingnan lang daw siya sa may dalampasigan. Ano daw kaya un iniwan ako dito.
Tapos ngayon itong babaeng kadate naman ni Mr. Fung noong nakaraan basta lalapit at akala daw niya kakilala niya ako. Ganoon ba kacommon ang kapogian ko? hayyys.
Napatingin ako sa kabilang side nakakita ako ng isang gandang dalaga. Wait ito na ba ang matagal kong iniintay na forever. Binuksan ko ang pinto at lumapit sa babae.
Gusto ko sana siyang tulungan kasi mukhang may hinahanap. ( wow feeling ko naman taga dito ako para ituro ang hinahanap niya)
"Hi miss. Anong hinahanap mo pwede kitang tulungan." Nakangiti kong bati sa kanya.
"Bastos." Sigaw niya sabay sampal sakin. Sabay takbo at duon ko napansin na may kasama pala siyang bata.
Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko sa kamanhidan ng mukha ko. Teka sinabi ba niyang bastos ako. Anong ginawa ko?
Babalingan ko sana ung babae kaso wala na siya nagtatakbo na ng kasama niyang bata.
Hay ano bang malas ng araw na ito. Naglakad nalamang ako pabalik ng sasakyan habang kinukuskos ang mahapdi kong pisngi. Nabuti pang makaidlip nalamang sa sasakyan.
Biglang bumukas ang pinto at sumakay na ulit si boss.
" Oh boss ajan ka na pala kamusta po ang pagiging emo ninyo sa may dalampasigan?"
Hindi sumagot si boss at matatalim lamang na tingin ang sagot nito sakin.
"Joke lang boss ikaw naman hindi na mabiro."
Ramdam ko malapit na akong patayin ni boss buti nalamang dumating na si Raul kaya umalis na kami.
Habang nasabyahe kami nakakabinging katahimikan ang namayani samin. Well okay lang at least ako busy ako sa pag ddrive si Raul naman ayun nakatingin lang ng deretso sa daan katabi ko sa unahan tapos si Boss ayun nakapikit habang nakasandal sa upuan. Tulog na kaya si boss? Pwede kayang mag patugtog? Bakit kaya ako sinampal? Wala na ba talagang pag asang magkaforever ako?
Hayy bakit ba ang dami kong tanong sa utak?
![](https://img.wattpad.com/cover/70252718-288-k283533.jpg)