Carlee's POV
"What's the meaning of this? Who is she!" Pasigaw kong sabi kay Johan sapagkat naabutan ko sila ng kasama niyang babae kanina sa isang kwarto malapit sa hotel na tinutuluyan namin.
They are kissing each other.
"Carlee why are you here!" Pasigaw naman niyang tinanong iyon akin.
"Who is she?"
"Carlee I am sorry I think we should end our relationship." Isang salita galing sakanya ang aking narinig.
Agad na nagtuluan ang mga luha ko. Luminggon ako kung nasaan ang gawi ng babaeng kasama niya sa kwarto at nakangiti itong nakatinggin samin.
Malaking hakbang kong nalapitan siya at nahawakan ko agad ang kanyang buhok.
Sa sobrang lakas ng paghila ko ay agad napatumba ang babae. Isang hila mula sa likod ko at nakapagpapigil sakin. Isa ito sa tauhan ng nasabing hotel.
Agad na dinaluhan ni Johan ang kasamang babae kaya napatigil ako sa aking pagpupumilit makawala sa lalaking may hawak sakin.
"Are you okay. I am sorry" sabi ni Johan sa babae. Itinayo niya ito at humarap sakin.
"Carlee I 'll be leaving you. She needs me shes pregnant with our child and I love her."
Pagkasabi nito ay umalis silang dalawa. Hindi agad ako nakagalaw sa aking narinig.
Kailangan siya ng babaeng iyon? Buntis yung babaeng iyon? Mahal niya ang babaeng iyon?
Paano ang mga anak namin? Hindi ba namin siya kailangan? Paano ako?
Patakbo akong lumabas ng hotel at naabutan silang paalis na lulan ng itim na sasakyan.
"No Johan please don't ever leave me we also needs you." Sigaw ko habang tumatakbo habol habol ang kanyang sasakyan.
"JOOOOOHHHHAAAANNNN!" Sa sigaw na iyon bigla kong napabalikwas sa aking kama. What a bad dream.
Agad akong nagpalingonlingon upang hanapin si Johan ngunit. Tumayo ako at nilibot ang aming kwarto upang mahanap siya ngunit tila hindi ata siya talaga umuwi. Dumeretso ako sa cr at nakita sa salamin kung gaano kasabog ng itsura ko.
Pagang mata kaiiyak kagabi at magulong buhok. Agad akong naghilamos at nagsuklay.
Isang katok ang aking narinig na nagpalinggon saakin. Isang nakaraan ang aking naalala.
Natatakot akong buksan ang pinto paano kung may magbabalita nanaman sakin ng masamang bagay. Paano kung si Johan ito kasama ang babae niya kukunin lamang ang gamit at mag papaalam sakin.
Nanatili ang ilang minuto at may kumakatok parin. Nasa may pinto ako ngunit kumukuha pa ako ng lakas upang buksan ito.
Nagiging praning ba ako? Dahal dahal kong binuksan ang pinto at nakitang tauhan ng hotel ang kumakatok may dala itong maraming pagkain.
"Good morning ma'am here's your food."
"Hindi po ako nagpadeliver ng pagkain baka nagkakamali kayo?"
"Ay ma'am sorry hindi po pala kayo nainform you're not allowed to go out po this morning dahil may important event lang pong gaganapin sa baba very private po kasi kaya pinasarado muna ang buong hotel kaya nakiusap pong huwag muna kayong lumabas hanggang 1 pm mamaya dadalhan nalamang po kayo ng mga pagkain dito. "
Tango lang ang naging sagot ko sa lalaki. Wala rin naman talaga ako sa mood na lumabas. Gusto kong makita si Johan gusto kong malaman kung anong oras siya darating dito. Ngunit baka mamaya hindi siya makapasok dahil ng bisita ng hotel.
