~ Carlee's POV~
Eto nanaman ako asa may dalampasigan nakatanaw sa malayo kung saan kita ko ang paglubog nang araw.
"Ate Carlee may naghahanap po sa inyo." Tawag saakin ni Kim. Si Kim ang nagging para ko ng kasama sa buhay siya ang tagapag alaga ko kay Cliff kapag nagttrabaho ako.
-flashback-
Kababalik ko lamang dito sa resort kung saan kami nagstay ni Johan kukunin ko ang mga naiwang gamit namin at lilipat na ako sa bahay na regalo ni Johan.
"Ma'am" bati saakin ni Kim. "Nabalitaan ko po ang nagyari sa asawa ninyo ma'am condolence po."
Binigyan ko lamang siya ng pilit na ngitin. At patuloy sapag aayos ng lahat ng gamit naming.
"Ma'am alam ko po ang pakiramdam niyo ulilang lubos napo ako. Namatay sa isang accidente din po ang buo kong pamilya kaya po ako nalamang ang adito."
Hindi ako umimik tinitigan ko lamang si Kim na umiiyak. Alam ko ang nararamdaman niya parehas kaming nawalan ng mahal sa buhay.
"Ma'am pwede ko po bang itanong kung saan kayo titira?" Nagulat akong tinanong ako ni Kim.
"Sa regalong bahay sa akin ni Johan sa may paanan ng bundok." Tipid kong sagot. Alam kong alam niya yun kasi malapit nga un dito.
"Ma'am wala po ba kayong makakasama doon? Gusto nyo po bang samahan ko kayo? Total parehas naman po tayong wala ng kasama. Dati din kasi po naming bahay yun eh naelite lang po ng bangko kaya ung kaisa isang naiwang alaala ng aking pamilya ang nawala."
Pagkatapos niyon umalis na si Kim sa resort nagprisinta siyang siya nadaw ang magiging katulong ko at magiging yaya ng anak ko pagkapanganak ko.
-end of flashback-Agad akong lumingon sa likod ko ng makita ko si Miguel siya ang may ari ng resort na ito medjo matanda na siya at siya ang isa sa masugid kong manliligaw.
"Oh Miguel akala ko ba bukas pa ang dating mo dito?" takang tanong ko sakanya. Maayos naman ang turingan naming dalawa para sakin kasi kaibigan ko siya.
Ngayon ay nakalapit na saakin si Miguel at inabot ang bulaklak.
"Namiss kasi kita agad." Sagot niya sakin habang nakangiti. " bukas may masquerade party na gaganapin dito and I want to formally ask you if you could be my date." Dugtong pa niya.
Mabait naman si Miguel eh at hindi ko siya matatanggihan kasi isa siya sa mga taong hindi ako pinabayaan noong panahong sobrang lungkot ako.
"Okay. I'll be your partner." Sagot ko sakanya.
