CHAPTER 11

3.2K 108 16
                                        

~John's POV~

Adito ako ngayon sa Australia, matagal tagal narin na hindi kami nakakapagbakasyong mag asawa kaya dito namin naisipan ni Loisa na pumasyal.

"John bakit mo ako mahal?" ang araw araw na parang batang tanong ni Loisa sakin.

"Abay malay ko." Pangungutya kong sagot sa kanya.

"Aba't talagang napaka mo. Ibigsabihin pala talaga hindi mo ako mahal sige maghanap ka na ng iba ung alam mo kung bakit mo sila mahal." Pagalit niyang sabi.

"Bhe para naman tayong bata niyan eh dalawa na ang baby natin tapos hanggang ngayon araw araw mo parin akong tinatanong ng ganyan. Syempre dahil ikaw ang tanging taong nagbigay sa madilim kong buhay."  Pangbobola ko sakanya.

"Ewan ko sayo! Binobola mo ako." Pagalit niyang sagot saakin. At umalis papuntang kwarto.

Tamo itong babaeng ito wag mong sagutin ang tanong galit sagutin mo naman binibola. Bilog nanaman siguro ang buwan.

Papasok sana ako ng kwarto namin para humingi ng sorry hello pumunta kami dito para mamasyal hindi para mag away sa walang kwenta niyang tanong kaso ng bubuksan ko na ang pinto ay nakalock ito. Pinilit kong katukin si Loisa ngunit ayaw niyang buksan.

Pwes nakaisip ako ng magandang ideya. Agad kong kinuha ang susi ng nirentahang sasakyan namin dito.
.
.
.
Adito ako ngayon sa favorite restaurant ni Loisa itatake out ko ang favorite niyang dish dito.

Naiimagine ko na maamoy lang ni Loisa ito ay agad niya akong lalapitan at hahalikan at yayakapin.

-imagination-

Pasok sa bahay. bukas lalagyan spread ang amoy maaamoy ni Loisa.

"Wow Bhe thats my favorite.(kiss) Thank you (Kiss) halika na gagawa na tayo ng pang thirdbaby natin."

-end of imagination-

Natatawa ako sa imagination ko. Mukha na akong tanga at nawawala sa sarili kaya hindi ko napansin ang kasalubong ko at nagbanggaan kami.

Nanlaki ang mata ko na parang luluwa ng makita ko kung sinong nakabangga ko.

Tatakbo na nga sana ako eh akala ko multo. Tamang tama pa naman ang suot niyang suit kabaong nalamang at pumikit na siya bwela mukha na siyang patay.

Sinubukan ko ulit siyang titigan at tawagan sa kanyang pangalan.

"Johan?"

"Yes? Who are you?" Mukhang nagtatakang tanong niya sakin.

Who am I daw itong pogi kong ito hindi niya makikilala ow comeon.

"Its me John barkada mo."

Biglang kumunot ang ulo niya na parang may inaalala.

Teka parang may mali.May amnisia ba siya? O baka naman brain cancer? O kaya short term memory? O baka naman nagpapanggan lamang siya na walang kilala infairness galing niyang umacting.

" What are you talking about?. Who's John? wala akong kilalang John."

" Pare si John ako asawa ni Loisa Kaibigan niyo ni Ca..."

"Aaaaahhhhhh"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sakanya ng bigla siyang sumigaw habang nakahawak siya sa kanyang ulo.

Maya maya pa ay bigla na siyang natumba.
Hindi ko alam pero biglang sumakit ang ulo ko tatayo sana ako para umalis na ng bigla akong matumba.

"Johan" Ang pasigaw kong tawag sa kanya.
.
.
.

Agad na dinala si Johan ng kasama niya sa ospital. Habang ako eto at kasunod ng sinasakyan nila.

Matagal kaming nag iintay noong kasama niya sa waiting area tahimik lamang at hindi nag uusap.

Maya maya pa ay may nasigaw na isang babae.

"Where is my husband?" Pasigaw niyang tanong sa katabi ko.

Agad kong tiningnan ang babae at kita ko sa mukha nito ang pagkagulat at takot ng makita niya ako.

"Jenny??" Ang tangi kong nasabi.

"Who are you? Leave this place now! Your not allowed here!" Pagalit niyang sabi sa akin.

"Ow comeon Jen dont act na parang hindi mo ako kilala. You know that I am Johan's bestfriend since then." sagot ko sakanya.

"No I don't know you if you don't leave I will call the guards." Ang panakot niya sa akin.

Kaya eto ako naglalakad palayo sa lugar na iyon.
.
.
.
Sa bahay

"Walang h*ya ka talagang iniwan mo na ako. Saan ka galing? Sinong kasama mo?" Galit na tanong sakin ni Loisa.

"I went to the hospital with Johan" Pagsasabi ko ng tunay.

Agad namang kumulubot ang noo Loisa.

"John ako wag mong pinagloloko huh paano mo sasamahan sa ospital kung matagal ng patay ang isang tao. Wag mo iyong gawing dahilan."

Magsasalita pa sana ako ngunit pinutol na niya ang conversation namin. Alam ko pag ganito na si Loisa kahit anong sabihin ko hindi na siya makikinig sa kahit anong paliwanag ko.

Kinabukasan bumalik ako sa ospital nagbabaka sakaling makakausap ko si Johan ngunit ayon sa receptionist na nakausap ko nakalabas na daw si Johan.

Lumipas ang ilang araw habang nag iimpake na kami ni Loisa ng gamit ay may kumatok.

"Honey open the door." Utos sakin ni Loisa.

As I reach the door I open it and I was surprise to see him here.

"Johan?" Ang tangi kong nasabi.

------

Guys pasensya na natagalan ang UD dami kasi gawain. Pero thank you sa pagsuporta I really appreciate it lalong lalo na po sa nag cocomment at lilike ng story ko salamat.

love, Ms. Yellow:)

Nights with My WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon