TRAVIS’s POV
Habang sinusundan ko siya, napansin ko na papunta kami sa isang Condominium, pero hindi basta bastang condo lang. Kita sa design ng building na pang high-class yun. Na-amaze naman ako lalo na nung pumasok na kami sa lobby nito.
“Kasama ko.” Sabi niya dun sa isang guard nung haharangin sana ako. Agad tinigil nung guard yung balak niyang gawin tapos ay tumungo na kami sa elevator.
“Ibang lalaki nanaman kasama nun. Tsk tsk!” pabulong na sabi nung guard. Tiningnan ko itong kameet ko pero parang wala naman siyang narinig.
Sa 4th floor lang yung unit niya. Pagkarating namin dito ay dumeretso kami agad sa kwarto niya. Nagtataka lang ako kung bakit nakatakip ng puting tela yung halos lahat ng furnitures sa buong unit niya. Tanging kama lamang niya at cabinet ang hindi nakatakip.
“Tubig?” alok niya sakin.
“Sige lang.” sabi ko. Pagkatapos niyang uminom ay umupo siya sa kama. Umupo na rin ako.
Mga dalawang minuto kaming parehong tahimik.
“Ano pala pangalan mo?” tanong ko sa kanya.
“Kyrie.” Sagot niya sa akin, hindi niya padin ako tinitignan. Hinintay ko siyang magtanong pabalik, pero ilang minuto din ang nagdaan, walang akong tanong na narinig mula sa kanya.
“Pahiga ah.” Sabi ko sa kanya sabay higa sa kama niya, kinuha ko yung isa sa dalawang unan niya at inilagay ko sa ulo ko at hinigaan. Wala padin siyang kibo at hindi padin ako tinitignan.
“Anong gusto mong gawin natin?” muling tanong ko sa kanya sa ganoon kong posisyon habang siya ay nakaupo padin sa gilid ko.
“Ikaw bahala.” Tipid niyang sagot. Hindi padin ako tinitignan. Medyo nababadtrip na ko sa kanya, napaka cold niyang kausap, pero pinigilan ko pagkainis ko. Hindi ko na din mapigilan yung llibog na nararamdaman ko, ilang sandali pa ay inilapit ko yung sarili ko sa kanya habang nakahiga tapos ay pinaikot ko yung isa kong kamay sa baywang niya habang yung isa kong kamay ay nasa likod ng ulo ko.
“Tabihan mo ko.” Sabi ko sa kanya sa nang-aakit na tono ng boses. Tumingin siya sa isang unan at kinuha ito sabay nilagay sa tabi ko at humiga doon. Hindi niya padin ako tinitignan.
Dahil sa pagkakahiga niyang iyon ay nahigaan niya din yung isa kong kamay, dahil dito ay mas lalo kong inilapit yung sarili ko sa kanya hanggan sa magkatabi na at nagdidikitan na yung mga katawan namin. Naguumpisa nang bumilis ang tibok ng puso ko, medyo tumitigas na din yung sa harapan ko.
Tinignan ko siya, gumilid ako nang pagkakahiga paharap sa kanya. Niyakap ko siya. Nag-iinit na talaga katawan ko, pero hindi niya padin ako tinitignan. Ilang saglit pa ay iniangat ko ang aking katawan at inilagay yung magkabilang tuhod ko sa gilid ng magkabilang tuhod niya, ganun din ang magkabilang kamay ko sa gilid ng magkabilang balikat niya. Parang nakapang-push-up position pero nakaangat lang yung katawan ko na yung tuhod yung nakadikit sa kama (gets nyo? hirap iexplain, woo!).
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Teen Fiction"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.