TRAVIS’s POV
Nagulat ako ng pagbuksan ko ng pinto ang kanina pang katok ng katok, si Edmund. Nailang ako nang makita ko siya, hindi ko alam kung paano siya tatratuhin. Tumagilid na lamang ako sa pintuan hudyat na pinapapasok ko siya. Pinaupo ko siya sa sala.
“Nagpunta ako dito para malaman ko kung ano ba talaga kayo ni Kyrie? Bakit ganun mo nalang siya baliwalain simula ng magbalik si Euanne?” sabi niya sa akin. Ikinagulat ko ang tanong niyang iyon.
“Nabaliwala ko na si Kyrie?” tanong ko din sa aking sarili. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Naasar ako.
“Hindi ko siya binabaliwala, at saka huwag ka ngang umasta na parang may pakelam ka sa kanya, diba iniwan mo na siya?” inis kong pahayag sa kanya. Napayuko lamang siya saglit.
“Yun na nga eh. Iniwan ko siya noon, hindi ko man alam ang pinagdaanan niya, pero alam kong naghirap siya. At ayaw ko ng mangyari ulit sa kanya yun. Ayoko ng may mang iwan pa ulit sa kanya.” Pahayag nito habang nakayuko at hawak ang kanyang parehong kamay. Napalunok ako sa sinabi niyang iyon, parang may namana bigla sa utak ko. Ilang saglit pa’y tiningnan niya ako.
“Travis, masakit mang aminin, pero ikaw na ang mahal ni Kyrie ngayon. At alam ko kung paano magmahal si Kyrie, sobra. Napakaswerte mo dahil nasa’yo na yung pagmamahal na sa akin dati, na sana akin ulit ngayon. Kaya ang hiling ko lang, kung iiwan mo siya, gawin mo na habang maaga pa.” muli niya pang sabi. Kita ko sa mukha niya ang senseridad sa kanyang mga sinasabi.
Mahal na mahal niya talaga si Kyrie, kung hindi lang siguro nanggulo pa si Aries, marahil ay napakatatag na siguro nila ngayon. Dito ay naisip ko na siguro ay dapat ng malaman ni Edmund ang pagkukunwari namin ni Kyrie noon.
Matapos kong ikwento sa kanya ang lahat ng iyon ay agad na itong nagpaalam sa akin. Pagkaalis na pagkaalis nito ay agad kong binuksan ang music player at nagpatugtog ng mga maiingay na awitin. Tapos ay itinodo ko ang volume.
(Pagbabalik tanaw ni Travis)
“Mr. Dizon.” Tawag sa akin ng doctor habang nagmumuni muni ako nun na nakahiga sa kwarto ko sa hospital.
“Po?” sagot ko agad pagkarinig ko ng tawag niya.
“You need to know something.” Sabi niya, tapos ay nilapitan niya ako at pinakita niya sakin ang iba’t ibang papel na resulta daw ng mga test na isinagawa para sa kondisyon ko pero hindi ko iyon tiningnan. Tapos ay nagsasalita na siya ng kung anu-ano na hindi ko na naiintindihan ang mga salita pero ramdam ko na may mali.
Sa pagkakataong iyon ay nilakasan ko na ang loob ko at sumulyap ako dun sa papel na hawak ng doctor.
“Lungs.” Unang unang salitang nakita ko dun sa papel.
“Disease.” Sunod kong nasulyapan. Doon ay parang bigla nalang akong naging bingi, hindi ko na halos marinig ang sinasabi ng doctor. Nabigla ako at nanamlay.
“Doc, ok na. Thank you.” Nasabi ko na lamang. Tapos ay parang nawala muli ako sa mundo. Ang dami ng mga negatibong pangyayari ang pumasok sa utak ko. Hanggang sa marinig ko nalang ang paulit ulit na “Huy” na tumatawag sakin. Tiningnan ko siya. Para akong nagkaamnesia ng makita ko ang maamo niyang mukha, parang nakalimutan ko agad yung nalaman ko kanina lang.
“Ano sabi?” tanong niya. Kitang kita ko sa mukha niya ang pag-aalala sakin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Tumagilid na lamang ako at nagkunwaring malungkot, tapos ay kinulit ko na lamang siya at biniro.
Paano ko magagawang iwanan ang taong iyon, gayong alam ko na ang mga ngiti niyang iyon ang nagpapawala ng pangamba sa aking isipan tungkol sa sakit ko. Pero hindi ko rin makakaya kung ako mismo ang magpapalungkot sa napaka-amo niyang mukha. Magagawa ba kitang layuan Kyrie?
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Teen Fiction"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.