Chapter 15 Dahil sa Inggit

5K 80 5
                                    

ARIES' s POV

Naglalapit nanaman ang landas nila Edmund at Kyrie. Hindi pwedeng mag-usap sila tungkol sa nakaraan, kundi ay malalaman ni Edmund na ako ang nagset-up sa kanila para magkahiwalay. Pag nalaman niya iyon, baka iwanan niya ako. Hindi ko kayang mawala siya sa akin.

(Pagbabalik tanaw ni Aries)

"Aries, kailangan kita ngayon. May problema kami ni Ed." Halatang malungkot na tinig ni Kyrie nang tawagan niya ko ng gabing iyon.

Nalaman na siguro ng mga magulang nila ang tungkol sa relasyon nila ni Edmund. Napangiti ako.

Oo. Ako ang nagsabi sa mga magulang nila Edmund at Kyrie na may relasyon sila. At nagtagumpay ako sa plano ko na tumutol ang mga ito sa kung anong meron ang dalawa.

"Mapapasaakin ka na din Edmund." Bulong ko sa aking sarili pagkababa ng tawag ni Kyrie. Ilang sandali pa'y tumungo na ko sa lugar ni Kyrie.

Pagkakatok na pagkakatok ko sa pinto ay agad niya itong binuksan at parang bata na yumakap sa akin. Hindi ko maitatanggi sa aking sarili na makaramdam ng konsensiya dahil sa kanyang ikinilos.

"Ano bang problema ha?" Pagmamaangmaangan ko. Noo'y nagumpisa na siyang magkwento na napapaluha nadin. Inialis ko ang tingin ko sa kanya. Kahit na gusto kong agawin sa kanya si Edmund ay hindi maiaalis sa aking sarili na kaibigan ko ito at higit sa lahat matalik na kaibigan.

Malas lang talaga niya dahil na nagkataon na pareho kami ng taong minahal. At hindi ako papayag na sa kanya mapunta iyon. Alam ko na mas kaya kong paligayahin si Edmund sa piling ko.

"Anong gagawin ko Ries? Baka ilayo ako nila Papa sa kanya. Hindi ko kakayanin yun. Hindi ko alam ang kaya kong gawin sa sarili ko kapag nawala siya." Pahayag niya at noo'y nagsimula na siyang humagulgol sa iyak.

Muli ay nakaramdam ako ng pangongonsensya. Pero tinigasan ko ang loob ko. Hindi dapat ako maawa sa kanya, sobrang napakswerte naman niya kung hayaan ko na lamang siya maging masaya kay Edmund.

Naalala ko bigla noong nasa highschool pa kami. Naiinggit ako sa kanya dahil sa may pakialam sa kanya ang mga magulang niya, kitang kita ko ang concern ng mga ito sa kanya, lalong lalo na ang papa niya.

"Aries anak, sana ay bantayan mo itong Kyrie namin sa school, hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya eh." Pakiusap ng mama habang kumakain kami. Nasa isang restaurant kami noon, ipinagcelebrate namin ng pamilya ni Kyrie ang birthday ko. Mabuti pa sila, may pakialam sakin. Inggit na inggit talaga ako kay Kyrie, gusto kong maging siya.

Habang naguusap kami noon, si Kyrie ay pansamantalang pumunta sa restroom. Tumango lamang ako sa mama niya at ngumiti.

"Sana din Aries, tulungan mo siya sa mga studies niya. Alam mo naman si Kyrie, hindi ganun katalino katulad mo. Simula elementary yan hanggang ngayon, laging nasa pinakamababang section."

"Opo tito." Naisagot ko na lamang sa papa niya. Sana ganito rin ang daddy ko, konting recognition man lang, maibigay niya sakin.

-------------

"Bro ang bait talaga ng parents mo, lalo na papa mo, napakswerte mo sa kanila, lagi ka nilang inaalala. Concern na concern talaga sila sayo." Sabi ko kay Kyrie habang pauwi kami galing school. Nakadungaw lang si Kyrie sa bintana ng sasakyan at pinagmamasadan lang ang mga nadadaanan nito. Nang bigla siyang tumingin sakin.

"Iba ang concern sa kinokontrol." Seryosong sabi niya sakin. Napakunot noo na lamang ako sa sinabi niyang iyon. Bumuntong hininga siya.

"Simula nung ipanganak ako, may plano na sila para sakin. Eto dapat, ganito dapat, dito dapat, eto ang dapat. Ganun, ganun sila. Para akong ipinagluto ng napakaraming pagkain, tapos ang gagawin ko nalang ay isusubo yung mga yun. May numbering pa. Bawal magskip." Paliwanag niya sa akin habang nakadungaw muli.

Kunwari Tayo (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon