(Katuloy ng Pagbabalik tanaw ni Kyrie)
EDMUND’s POV
Mas lalo akong nagkainteres kay Kyrie simula ng makilala ko siya ng lubusan. Hindi siya ganoon kagaling sa pag-aaral, hindi din siya masipag pumasok, mas gusto niya talaga ang pagluluto kaysa pag-aaral ng tungkol sa business. Ganoon yata siguro kapag anak mayaman. Kung ako yun pagbubutihin ko pag-aaral ko para ako magmana ng negosyo ng mga magulang ko.
Pero kahit ganun siya sa pag-aaral ay mabuti siyang tao, maunawin, maalaga kaya naman hindi ko na napigilan yung sarili ko na hanap-hanapin siya. Madalas akong pumupunta sa condo niya, minsan naman, doon siya sa dorm ko. Pero napansin ko lang na sa tuwing nagkakasama kaming tatlo nila Kyrie at Aries ay parang naiilang sa akin si Aries.
Hanggang sa makausap ko si Aries tungkol kay Kyrie.
“Aries, marami na bang naging girlfriends si Kyrie?” tanong ko sa kanya.
“Meron. Tatlo yata.” Sagot niya.
“Seryoso ba?” sunod na tanong ko.
“Yung una seryoso. Kaso ayun nasaktan siya. Kaya yung mga sumunod na nun, eh parang pang-design na lang niya sa sarili niya sa school.” Paliwanag ni Aries.
“Bakit interesado ka?” Muli niyang tanong. Nagsimula na akong kabahan.
“Paano kung sabihin kong gusto ko si Kyrie?” sabi ko sabay hinga ng malalim. Bakas sa mukha niya ang bigla sa tanong kong iyon. Napalunok siya tapos ay tumalikod ng konti.
“Ok lang.” tipid niyang sagot tapos ay agad umalis palayo. Hindi ko maintindihan yung ikinilos niya.
KYRIE’s POV
Finals na ng 3rd year college nun nang muli kaming magkausap ni Aries sa garden ng school. Matagal-tagal ko din siyang hindi nakakasama dahil na din siguro sa busy siya sa pag-aaral.
“Oh kumusta na Pare?” tanong ko pagkakita ko agad sa kanya. Agad siyang sumagot ng mabuti naman at saka umupo sa bench.
“Kumusta na kayo ni Edmund?” bigla niyang tanong.
“Kami ni Edmund? Hindi naman kami ah.” Sagot ko sa kanya.
“Hindi pa pala kayo, pero kung magkita at magsama kayo araw-araw, daig nyo pa mag-asawa.” Sabi niya na parang asar ang tono. Nagtaka naman ako sa sabi niyang iyon, sinusundan niya ba kami ni Edmund? Natahimik lang ako at nag-iisip nang bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti.
“Ano ba, hindi ako galit. Stress lang ako sa pag-aaral bro. Pasensya kung nasungitan kita.” Paliwanag niya sa akin tapos ay tinapik niya ang balikat ko. Nawala agad ang pangamba ko nang gawin niya iyon. Agad din siyang nagpaalam nung mga oras na iyon dahil daw sa may tatapusin pa siyang requirements.
Natapos ang Finals at Summer class ay hindi ko na muling nakita at nakausap si Aries, naisip ko na lang na siguro ay dinibdib na niya talaga ang pag-aaral dahil sa nakita ko din na isa siya sa mga running for latin honors sa darating na graduation next sem.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Teen Fiction"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.