Chapter 17 Ang Gago

4.8K 91 9
                                    

EUANNE’s POV

Mag-iisang buwan na ako dito sa Singapore, at pakiramdam ko ay may nag-iba sa akin. Hindi ko alam kung tama ang tingin ko sa aking sarili. Naimpluwensyahan na siguro ako ng kultura dito, medyo liberated kasi compare mo sa Pilipinas.

Kagabi ay tumatawag si Dhie, hindi ko masagot dahil sa nasa bar kami ng mga kaibigan ko dito. Maingay doon, panigurado ay hindi kami magkakaintindihan. Hindi ko din siya nareplyan dahil sa napasarap ang kwentuhan namin at nakalimutan ko na siyang replyan.

Naiintindihan naman siguro iyon ni Travis, alam kong hindi makitid ang utak niya para magalit siya bigla sa akin dahil lang sa ganoong dahilan.

Pero bakit ganoon, parang hindi ko na siya hinahanap-hanap? Marahil ay alam ko sa sarili ko na hindi ko naman siya makakasama agad kahit araw-arawin o oras-oras ko siyang hanapin. Basta tiwala ako kay Travis at tiwala ako sa sarili ko na mahal padin namin ang isa’t isa.

Biglang nagring ang phone ko. Si kuya tumatawag.

“Hello Kuya.” Sagot ko.

“Kamusta ka naman dyan?” tanong ni Kuya, napansin kong may mali sa kanya dahil sa tono ng boses niya.

“Ayos lang ako, ikaw? May problema ba?” tanong ko pabalik.

“Wala ah. Wala. Sige bye.” Agad niyang baba sa linya.

Oo, madalas ay hindi kami magkasundo ni Kuya, at ang nakikita kong dahilan ay sina Mommy at Daddy, maging ako ay pansin ko na mas nasa akin ang atensyon nila kaysa kay Kuya simula nung ipinanganak ako.

Pero ganun pa man ay kilala namin ni Kuya ang isa’t isa, alam na alam ko kapag may dinidibdib siya. Papasok lang yan bigla sa kwarto ko at hihiga sa tabi ko tapos ay kukunin yung isa kong kamay at iuunan niya ito. Ganun siya kapag may problema, hindi man niya ikukwento sa akin, at least alam kong napapagaan ko ang loob niya kahit sa ganoong paraan lamang.

Nag-aaway lang naman kasi kami dahil ako ang palagi niyang pinag-iinitan kapag may hinanakit nanaman siya kay Daddy at Mommy. Nung minsan nga ay halos isang buwan na siyang hindi umuuwi sa amin, yun pala ay nasa bestfriend niya daw pala. Hindi ko nakilala yung bestfriend niya.

Isa pa sa pinag-aawayan namin ay ang pangingialam niya sa amin ni  Travis. Pero kapag ganyan na nangingialam na siya ay pagbabantaan ko siya tungkol sa sikreto niya na aksidente kong nalaman. May karelasyon si Kuya, at sa kapwa niya lalaki. Edmund yata yung pangalan niya.

---------------------------------------------------------

“Diba nagkukunwari tayo na tayo?” tanong ni Travis kay Kyrie habang naglalakad sila papasok sa isang mall.

“Oo. Kapag andyan lang sina Edmund.” Sagot ni Kyrie.

“Ang kj naman nun. Tsaka wala ka namang sinabing ganun sa rules ah!” nakanguso at kunot na noong pahayag ni Travis.

“Edi i-amend natin yung rules, idadagdag ko yun.” Sabi ni Kyrie.

“Hindi yan maaamend kung ayaw ko.” Sabi ulit ni Travis, tiningnan siya ni Kyrie, biglang nainis si Kyrie nang makita itong nakanguso.

Kunwari Tayo (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon