"This is bullsh*t!" bulyaw ng matandang lalaki sabay bagsak sa mesa ng hawak hawak na business portfolio folder.
"Dad 3% lang naman." kinakabahan at nanginginig na sagot ni Aries habang nakayuko.
"What the hell Aries!? Last quarter, 1% ang ibinaba ng Sales ng kumpanya, hindi kaba na th-threaten o baka ako pa ang kailangan magpa-threaten sayo?" patuloy na bulyaw ng ama. Tumahimik na lamang si Aries
Tumingin ang matanda kay Aries at huminga ng malalim.
"Ayusin mo yan, wag mo ng hintayin na pagsawaan ko ang mga disappointments ko sa'yo." mahinahon na sabi ng matanda at lumabas na ng opisina ni Aries.
Umupo si Aries, tapos ay tinitigan ang portfolio, bakas sa mukha nito ang inis at galit. Ilang saglit pa'y nagwala ito at itinapon ang mga bagay na nasa ibabaw ng kanyang mesa. Punong puno ito ng sama ng loob.
Nang mahimasmasan ito ay saka nito kinuha ang telepono at nagdial ng number.
"Hello, kamusta na iyang pina-iimbestigahan ko?" tanong nito sa kabilang linya.
"May resulta na." sagot sa kabilang linya.
---------------
Madami dami na ang naiinom ni Aries ng mga oras na iyon, mag-aala una nadin ng hating gabi noon at patuloy padin ito sa paglalasing sa isang bar.
"Paki-puno ito." dominanteng utos ni Aries sa bartender. Dahil sa epekto ng alak, naging emosyonal ang damdamin ni Aries, hindi nito napigilan ang magbalik tanaw sa nakaraan, lalo na sa kung anong nangyari sa kanila ni Edmund.
(Pagbabalik Tanaw ni Aries)
Mabilis na pinaharurot ni Aries ang kanyang sasakyan palayo sa kaganapan sa fastfood. Malakas ang kanyang halakhak, tila baliw ito sa kakatawa.
"Naguumpisa pa lang ako Kyrie." sabi nito sa kanyang sarili.
Tinungo ni Aries noon si Edmund na halos mag-iisang linggo na mula noong nangyari sa beach ay hindi padin magawang tanggapin ang mga sinabi ni Kyrie sa kanya.
Nang makapasok ito sa tinutuluyan ni Edmund, agad niya itong tinungo sa kanyang kwarto ngunit hindi niya ito nakita doon hanggang sa marinig niya ang tunog ng natumbang bote sa may parte ng balkonahe ng bahay nito.
"Edmund." tawag ni Aries dito ng makalapit na ito sa balkonahe. Nilingon siya ni Edmund na may halong masamang tingin. Agad ding inialis ni Edmund ang pagtitig dito at napayuko.
"Anong ginagawa mo dito?" tahimik ngunit puno ng galit na tanong nito kay Aries. Hindi sumagot si Aries, sa halip ay yumuko ito at kinuha ang mga iilang bote na naka kalat sa sahig.
Lumagok pa ng alak si Edmund hanggang sa tuluyan na niyang maubos ang laman ng bote. Lalong nag-init ang galit nito kay Aries.
Biglang hinablot nito ang kamay ni Aries dahilan upang malaglag muli ang mga bote sa sahig, may mangilang-ngilang nabasag dahil dito.
"Umalis kana dito baka ano pa magawa ko sa'yo!" Nanlilisik ang mga mata ni Edmund, namumula din ang pisngi nito dahil sa dami ng nainom.
"Hindi mo naba talaga ako mapapatawad?" pakiusap ni Aries na noo'y tinitiis ang sakit na nararamdaman dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanyang kamay ni Edmund.
Binitawan ni Edmund ang pagkakahawak dito sabay abot sa isang bote at ibinalibag ito sa sahig.
"Pucha Aries ano pa bang gusto mo? Sirang sira na si Kyrie, sirang sira nako!" pagdadabog ni Edmund. Tinitigan ito ni Aries na noo'y namumugto na ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Novela Juvenil"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.