KYRIE’s POV
“Araaaay!!!” sigaw ni Travis. Madali ko siyang nilapitan.
“Travis, bakit? Anong masakit? Saan?” taranta kong tanong.
“Dito oh, kiss mo nga.” Turo niya sa bumbumnan niya, kiniss ko naman agad.
“Masakit pa ba?” tanong ko na nagaalala padin.
“Hindi na, pero nauuhaw ako.” Sabi niya na parang nahihirapan pang kumilos. Agad akong bumili ng tubig sa labas ng ospital.
Agad kong iniabot sa kanya yung bote ng tubig pagkadating ko.
“Nauuhaw ako sa sex.” Bigla niyang sabi tapos ngumiting pangdemonyo. Badtrip to, ako nga alalang alala sa kanya, pero siya nagawa pa niyang magtrip sa lagay niyang yun.
Binato ko sa tyan niya yung tubig tapos agad akong lumabas ng kwarto ng hospital. Pasalamat siya may sugat yung ulo niya, kundi sa ulo niya ko binato yung tubig.
“Joke lang uy!” sigaw niya bago pako tuluyang makalabas. Halos 3 araw nadin kami sa hispital at ngayon kami nakaschedule madischarge. Nabayaran ko na din lahat ng bill doon.
“Kamag-anak ka ba ni Mr. Dizon?” tanong sakin ng doctor. Hindi ko alam ang isasagot, una sa lahat sino ba si Mr. Dizon?
“Ha?” pagbingi-bingian ko nalang sa doctor.
“Kamag-anak nyo po ba si Mr. Dizon yung kasama nyong dinala dito na nabugbog.” Sabi ulit ng doctor, si Travis lang pala tinutukoy nito.
“Kaibigan ko po.” sagot ko.
“Ok, I need to talk to him privately.” Sabi ng doctor, tumango na lamang ako. Medyo kinakabahan ako, kaya naman inabangan kong lumabas yung doctor sa room.
“Ano sabi?” alalang tanong ko kay Travis nang makalabas na yung doctor. Tumagilid ito ng higa, tila malungkot siya.
“Masama daw yung tama sa ulo ko, naapektuhan din daw yung mga nerves ko sa abdominal part.” Sabi niya sa napakalungkot na boses. Nalungkot din ako sa sinabi niya, hinaplos haplos ko na lamang yung likod niya.
“In short, di na ko pwedeng makipagsex.” Dugtong niya bigla tapos ay tumawa.
Badtrip talaga!
“Mamatay ka na!” inis kong sabi.
“Joke lang, to naman. Ok na daw ako, uwi na tayo baby Kyrie.” Sabi niya at nagayus na nga ako ng mga gamit at tumungo na kami sa condo niya.
==================================================
“Ano? Nagawa nyo ba?” tanong ni Aries sa tatlong tao.
“Oo bossing, napuruhan na namin.” Sagot nung isa.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Teen Fiction"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.