KYRIE’s POV
Hindi ko alam kung saan ko balak pumunta ngayon. Naguguluhan nadin ako sa mga nangyayari. Kuna kelan ko pa naman natutunang magmahal ulit ng iba saka naman lumabas yung katotohanan sa kasinungalingan ni Aries. Sa pangalawang pagkakataon sinukuan ko ulit si Edmund.
Hindi ko adin alam ang gagawin sa nararamdaman ko para kay Travis, mahirap, nahihirapan ako. Bakit pa kasi nakakaramdam ng pagmamahal ang tao.
Isang araw ang nagdaan na parang ako ulit ang tao sa mundo, wala akong kakilala, walang kaibigan, walang makausap, walang Travis.
“Hi Kyrie! Kumusta tulog mo?” masayang bati sakin ni Patrick pagkapasok ko ng trabaho, gustuhin ko man siyang batiin pabalik ngunit dinaanan ko na lamang siya. Naramdaman ko ang pagkadismaya niya nun.
“Sorry Patrick, ayoko munang makipagusap kahit kanino.” Sabi ko nalamang sa sarili ko.
Pagkatapos ko sa trabaho ay hindi ko na alam ang sunod kong gagawin, basta ayoko munang umuwi. Hinayaan ko na lang ang aking mga paa kung saan man ako dalhin nito. Sa hindi inaasahan na dahilan ay nakatayo ako ngayon sa harap ng building ng condo unit ni Travis.
Pinagmasdan ko lang ito, bumalik sa ala-ala ko yung mga araw na dito ako umuuwi nun. Masaya kami lagi ni Travis nun. Natawa na lang ako sa sarili ko nung naalala ko yung sinabi niya na mahal niya ako, tapos syempre kunwari lang daw. Bat naman kasi sineryoso ko yung pagkukunwari namin, napakalaking katangahan nun.
Napansin ko nalang na teary eyed nanaman ako habang nagbabalik tanaw, ang OA ko naman. Ilang saglit pa nung plano ko na sanang umalis ay biglang nakita ko sina Travis at Euanne na magkasama, magkahawak ang kamay at nagtatawanan.
“Ako dati yun eh.” Nasabi ko nalang sa sarili ko. Pinilit ko yung sarili kong umalis palayo dun, ang sakit na sa mata eh.
Pagkauwi ay hindi ko nanaman alam ang gagawin. Naghanap na lamang ako ng makakain, pero nung makita ko palang yung ref ay nawalan ako agad ng gana, muli ay naalala ko si Travis. Pagkapasok ko ng banyo ay agad kong nakita yung shampoo, si Travis ulit. Pagkapunta ko ng kusina nakita ko yung mug namin, hay! Sa sala, nung nakita ko yung TV, siya ulit. Sa kwarto ko na napakalinis ngayon, siya parin ang naaalala ko. Nagpasya nalang ako na kumain ng instantnoodles, nakakamiss yung lasa nito, pero habang hinihigop ko yun ay parang may boses akong naririnig at sinasabing,
“Hoy, kumain ka ng kanin!”
----------------------------------------
Nagising nalang ako sa napakaingay at may tono pang pagkatok. 9am yun, Sunday, wala akong pasok. Para akong nananaginip nung mga oras na iyon, si Travis ba naman ang bumungad sa pinto at may dalang almusal. Kinurot kurot ko ang sarili ko para malaman kung nanaginip padin ako.
“Hindi ka nanaginip.” Sabi ni Travis tapos ngumiti. Hindi ko na alam ang gagawin pa, pero bigla ko siyang niyakap ng napakahigpit. Hindi ko na maitatanggi sa sarili ko na miss na miss na miss ko na talaga siya. Naramdaman ko yung pagkagulat niya sa ginawa ko.
“Namiss mo ko no?” tanong niya, todo tango lamang ako. Pumunta na kami sa mesa nun at naupo.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Novela Juvenil"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.