Pagkababa nila Travis at Kyrie ng jeep ay sandaling bumili ng yosi si Travis at agad din itong sinindihan.
“Nagyoyosi ka pala.” Sabi ni Kyrie sa kanya.
“Ahh, ou eh. Pero nililimitahan ko lang, prone kasi kami sa lung cancer.” Paliwanag ni Travis Tumango tango lang si Kyrie. Nagumpisa na ang dalawa na maglakad pauwi sa kani-kanilang bahay. Nang mapadaan sila sa banko na pinagttrabahuan ni Edmund. Malayo pa lang sila dito ay pansin ni Travis ang pagpako ng tingin ni Kyrie sa banko.
“Dyan ba sa bankong yan nagttrabaho si Edmund?” tanong ni Travis sa kanya. Napatingin si Kyrie dito at napayuko.
“Oo.” Tipid na sagot ni Kyrie. Tumuloy lamang sila sa paglakad, paubos na din ang hinihithit na yosi ni Travis. Nang nasa harap na ng banko ang dalawa ay saktong may nagtitinda ng yosi sa gilid nito.
“Sandali lang Kyrie, bili lang ako yosi.” Paalam ni Travis kay Kyrie tapos ay agad itong lumayo ng konti sa kinatatayuan ni Kyrie tapos ay bumili ng yosi.
Habang naghihintay si Kyrie ay tinignan niya yung binili niyang cellphone at inilagay na yung simcard na binigay sa kanya ni Travis nang mahulog sa sahig ang box ng biniling phone. Agad niya itong pinulot. Pupulutin na niya sana ito nang may ibang kamay na naunang kumuha dito at iniabot sa kanya. Tiningnan niya ang nag-abot sa kanya. Ikinagulat niya ang nakita.
“E..Edmund!?” mahinang pagkagulat ni Kyrie nang makita si Edmund sa harapan niya. Bigla niya itong niyakap ng mahigpit. Nanlaki naman ang mga mata ni Edmund at tiningnan si Kyrie mula ulo hanggang paa.
“Kyrie? Kyrie ikaw ba yan?” sabi ni Edmund at hinawakan niya sa balikat si Kyrie.
“Bakit, bakit ganyan itsura mo? Anong nangyari sayo?” Tanong sa kanya ni Edmund. Hindi halos makakilos at makapagsalita si Kyrie ng mga oras na iyon. Nanginginig na din si Kyrie sa di alam na dahilan. Ilang sandali pa’y napansin ni Travis ang nangyayari kay Kyrie. Agad niyang tinapon ang yosi tapos ay tumakbo papalapit kina Kyrie.
Nang makalapit ay agad niyang tinanggal ang mga kamay ni Edmund sa pagkakahawak kay Kyrie tapos ay inakbayan niya si Kyrie at itinalikod mula kay Edmund. Ilang sandali pa ay nagumpisa na silang dalawa na maglakad palayo. Nang makalayo ay tinanggal ni Kyrie ang pagkakaakbay sa kanyang iyon ni Travis.
“Bakit mo ginawa yun!?” asar na tanong ni Kyrie kay Travis.
“Ang alin? Yung inakbayan kita?” balik na tanong ni Travisna kunot ang noo.
“Oo, tsaka ba’t nilayo mo ko sa kanya? Yun na yun eh. Magkakausap na kami! Pwede kaming magbalikan!” pasigaw na sabi ni Kyrie na may namumuong luha sa kanyang mga mata.
“Hanggang ngayon parin ba eh umaasa ka pa din sa kanya? Sabi mo tatlong taon na kayong nagkalayo, tingin mo ba babalikan ka niya dahil sa nakita ka niya ngayon?” napasigaw na din na sabi ni Travis. Nadala siya sa emosyon ni Kyrie.
“Bakit ba sinasagot mo yung mga tanong ko ng mga tanong din?” biglang sabi ni Kyrie at nagumpisa nang yumulo ang mga luha. Hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon at napaupo na lamang siya sa gilid ng daanan. Walang masyadong tao ng mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Novela Juvenil"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.