KYRIE’s POV
Totoo ba to? Magkahawak yung mga kamay namin habang naglalakad, nakatakip lang sa nakatuping kumot, pero tingin ko halata ng iba. Napapaisip talaga ako sa nangyayari ngayon, oo masaya ako, oo eto ang gusto ko, pero, si Euanne? Hayy! Nanaginip bako? Hindi siguro, nagkape palang ako kanina.
Tiningnan ko si Travis, hala! Ngumingiting magisa.
“Hoy, ano mga iniisip mo dyan? Hindi ka nanaginip!” bigla niyang bulyaw sakin. Ayun nanaman siya, alam nanaman niya mga nasa utak ko. Sa sandaling panahon na nagkakilala kami ay masasabi kong sobrang kilala na niya ko, pero ako, hindi pa masyado.
Nandito kami ngayon sa isang fastfood chain.
“Alam kong gustong gusto mo mga luto ko.” Sabi niya nun habang di pa kami nakakapasok sa loob. Ang kapal ng mukha niya, kung makapag malaki siya na gustong gusto ko mga luto niya ay may special ingredient siyang nilalagay, samantalang piniprito lang niya mga yun na galing sa ref.
“Pero, magtake-out muna tayo ngayon. Ok lang ba?” dugtong pa niya.
“Wow ha. Opo, magtake-out nalang po tayo, hiyang hiya kasi ako sa mga de-PRITO mong SPECIAL RECIPE. Hirap na hirap ka po kasi sa pagluluto.” Sarkastikong sabi ko sa kanya. Ngumuso lamang siya tapos ay nagbelat. Badtrip na mukha yun.
“Ano sayo?” tanong ko sa kanya habang nakapila kami. Napakunot noo siya.
“Huh? Ako na, ano ba sayo?” balik na tanong niya sakin. Konting konti na lang mauupakan ko na to. Ang gulo kausap.
“Ako na nga diba!?” asar na sabi ko sa kanya.
“Eh bakit ba gusto mong ikaw?” tanong niya ulit.
“Eh lagi nalang ikaw nanlilibre eh!” mahinang sigaw ko sa kanya.
“Eh bakit nga?” pangungulit niya. Hay! Nakakairita.
“Tayo na kasi.” Sabi ko ng mahina na padabog pa. Hindi na siya nun nagtanong, tiningnan ko siya, tumingin din siya sakin.
“Ahh.” Sabi niya na mangiti ngiti pa, tapos kumindat kindat pa sakin. Badtrip to, nakakahawa, napapangiti din ako sa mga pacute niya. Ayun, nawala na nga pagkainis ko. Galing niyang mang-asar.
Pagkauwi namin sa bahay ko, ay ayun diretso kain kami. Ewan ko sa taong to, para akong prinsipe kapag kasama ko siyang kumakain, lahat ng kelangan ko ibibigay niya. Muola sa tubig, pati yung chicken nakahimay na, yung kutsara may laman agad pagkasubo ko. Para akong 3-years old na bata na pinapakain.
“Dito ako matutulog ah.” Sabi niya bigla nung patapos na kaming kumain. Hindi ko alam sasabihin nun. Hindi ko nalang siya pinansin nun.
---------------------------------
“Kyrie.” Tawag niya sakin habang nakahiga kami sa kama ko.
“Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Ba’t nakatalikod ka sakin?” tanong niya, nilingon ko siya.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Teen Fiction"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.