Nagising si Travis sa sinag ng araw na sumilaw sa kanyang mukha. Pagkabangon nito ay agad niyang tiningnan ang kanyang cellphone.
“Practice tayo bro, 10am.” Basa niya sa mensahe ni Vlad agad. Pagkabasa dito ay agad niyang tiningnan ang oras tapos ay nagmadaling pumunta ng banyo at naligo.
Mag-aalas otso na ng gabi ng matapos magpraktis ang kanilang grupo.
“Hayup ka talaga Vlad, tindi mo pre, talagang tinotoo mo yung sinabi mo na whole day tayo magpapraktis!” pagrereklamo ni Patrick dito.
“Eh, once a week na nga lang tayo magpraktis, rereklamo pa kayo, ako nga hindi na pumasok sa ibang subjects ko para lang maobserve ko kayo.” Paliwanag ni Vlad tapos ay napakamot na lamng ng ulo si Patrick. Nang mapansin nila si Travis.
“Bro, kanina ka pa tahimik ah, anong problema?” tanong ni Vlad kay Travis tapos ay inakbayan ito. Napayuko lamang si Travis.
“Wala bro, hindi lang siguro maganda gising ko.” Pagpapalusot ni Travis. Hindi padin naaalis sa isip niya ang mga nasabi niya kay Kyrie. Sandaling nanahimik ang lahat.
“Hoy, mga pre. Hatid niyo ko sa trabaho ko, kayo magexplain sa boss ko kung bakit nalate ako ngayon.” Basag ni Patrick sa katahimikan.
“Tingin mo pakikinggan kami ng boss mo!?” asar ng isa pa nilang kagrupo.
“Sige na, ililibre ko nalang kayo ng burger. Ipapabawas ko nalang sa sweldo ko yung ililibre ko sainyo.” Pagmamakaawa ni Patrick sa mga kasama. Agad namang pumayag ang mga ito dahil sa narinig ang salitang “libre.”
Pagkadating sa pinagtatrabahuan ni Patrick ay agad namang natuon ang tingin ni Travis sa isang cashier doon na noo’y walang suot na sumbrero. Agad niyang nakilala na si Kyrie iyon. Sandali siyang napatitig dito, ilang saglit pa’y biglang napatingin din sa kanya si Kyrie. Nagkatagpo ang kanilang mga mata. Nanlaki ang mga mata ni Kyrie tapos ay agad iniiwas ang kanyang tingin dito.
“Oh burger niyo.” Sabi ni Patrick tapos ay ipinamigay isa-isa sa mga kaibigan ang dalang burger. Matapos kumain ay umalis na ang kanyang mga kagrupo pwera lang kay Travis.
“Oh Travis, ba’t di ka pa umuuwi?” tanong ni Patrick na ngayonay nakauniporme na ng pantrabaho.
“Saan yung manager nyo ngayon?” balik na tanong ni Travis na pasimpleng sumusulyap kay Kyrie. Habang si Kyrie ay pansin ang pasulyap-sulyap nito, hindi makapagtrabaho ng maayus si Kyrie dahil sa ramdam niya ang presensiya ni Travis. Ilang sandali pa’y nawala bigla si Travis sa kinauupuan nito. Nagsimula ng mapanatag si Kyrie dahil sa inakala nito na umalis na nga si Travis.
Ilang sandali pa’y biglang tinawag si Kyrie ng kanilang manager.
“Kyrie, may gustong kumausap sayo sandali.” Sabi ng manager at pinapunta si Kyrie sa likod sa labas ng fastfood. Habang papunta na sa lugar ay napansin ni Kyrie si Travis na nakatayo dito.
“Anung ginagawa mo dito? Ba’t di ka pa umuwi?” agad na tanong ni Kyrie.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Teen Fiction"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.