“Anong ginagawa mo dito Kyrie? Sorry pala ha.” Sabi ni Travis ng makita si Kyrie. Sa mga oras na iyon ay tila nakalimutan ni Travis ng kameet, hindi niya pansin ang kanina pang nagvavibrate niyang phone.
“May bibilhin lang ako.” Sagot ni Kyrie. Tapos ay tumuloy na sa paglalakad, sinabayan siya ni Travis at sinundan. Tahimik silang pareho habang si Travis ay nakatingin lang kay Kyrie.
“Ikaw ba?” ilang na tanong ni Kyrie.
“Ahh, wala, may tinitignan lang.” sabi ni Travis na nakatingin padin kay Kyrie.
“Parang nagmamadali ka kanina ah, hindi mo paba nakita yung titignan mo?” tanong ni Kyrie tapos ay pumasok sa isang stall ng tindahan.
“Ahh, nakita na.” sabi ni Travis na hindi padin maialis ang kanyang pagkakatitig kay Kyrie. Habang si Kyrie ay abalang tumitingin sa mga nakadisplay na cellphone.
“Ikaw ba, hindi mo ba titignan yung tumitingin sayo?” mahinang sabi ni Travis Napahinto si Kyrie sa ginagawa at napatingin kay Travis, nginitian lamang siya ni Travis.
“Baliw!” sabi ni Kyrie tapos ay nginisian niya si Travis at lumipat ng stall. Agad itong sinundan ni Travis.
“Sungit mo!?” sabi ni Travis.
“Kelan ba naging hinde?” sagot ni Kyrie habang pumipili ulit ng mga nakadisplay na cellphone. Habang si Travis ay natahimik na lamang at tumingin tingin nalang din sa tinitignan ni Kyrie.
“Bibili ka ng cellphone?” tanong ulit ni Travis. Tumango lamang si Kyrie.
“Eh yung pinagtext mo sakin nun nung first time nating magmeet?” muling tanong ni Travis.
“Nahold-up ako.” Sagot ni Kyrie. Kinuha ni Kyrie ang isang simpleng cellphone at saka niya ito dinala sa cashier para bayaran.
“Ahh. Kaya pala di na kita macontact.” Bulong ni Travis Pagkabayad ni Kyrie ay agad na itong lumabas ng stall sinundan ulit siya ni Travis.
“Bakit walang camera yung binili mo?” pangungulit ulit ni Travis.
“Hindi ko kelangan.” Sagot ni Kyrie.
“Ba’t hindi mo kelangan?” muling tanong ni Travis.
“Ba’t ba ang dami mong tanong? Kulit mo ah!” medyo asar na tanong ni Kyrie.Natigilan at nagulat si Travis ng mga oras na iyon. Habang si Kyrie ay dumeretso na palabas ng mall. Agad siyang sinundan ni Travis.
KYRIE’s POV
Hindi ko sinasadyang masigawan siya, ang kulit niya kasi. Ang ingay pa, nakakairita sa tenga. Pero nakakakonsensya siyang tignan nung natahimik siya kanina.
Hindi ko alam kung bakit siya sumusunod sakin, hindi ko din alam kung bakit ako kinukulit niya. Nung nilingon ko siya sa loob ng mall ay parang naawa ako na natawa sa mukha niya. Bigla siyang lumabas at lumapit ulit sakin.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Ficção Adolescente"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.