TRAVIS’s POV
“Ulol ka.” Sabi sakin ni Kyrie habang nginunguya yung niluto ko. Seryoso ang tinig ng kanyang boses. Ipinagtaka ko iyon.
“Bakit? Hindi masarap? Pinaghirapan ko yan ah.” Sigaw ko sa kanya habang naghuhugas ako nung mga nagamit kong panluto. Nilingon ko siya. Nakatitig dun sa pagkain. Nagmadali akong banlawan sandali yung kamay ko at muling lumapit sa kanya.
“Gusto mo talagang binebaby ka no, oh eto na next, dapat pagtapos kong maghugas, nalunok mo na yan.” Biro ko sa kanya habang pinreprepare ulit yung kutasara niya. Tapos nun ay babalikan ko na sana yung mga hugasin.
“Hindi mo naman kailangang gawin to.” Sabi niya bigla habang nakatitig padin sa pagkain. Napatigil ako sa pagtayo sa upuan ng bigla siyang magsalita.
“Magkukunwari lang tayo sa harap nila Edmund.” Sabi niya tapos tumingin siya sakin. Napansin kong maluha-luha na siya nung mga oras na iyon.
“Sus, si Baby Kyrie naman. Napaka choosy.” Pag-uumpisa ko ng pangungulit sa kanya para mabaling yung atensyon niya sa pagkain at hindi kay Edmund. Alam ko kasing naaalala lang niya yung mga ginagawa noon sa kanya ni Edmund kaya nag-eemo nanaman siya.
“Alam mo, isipin mo nalang na workshop natin to, para pag nasa harapan na tayo nila Edmund, best actors ang dating natin!” paliwanag ko sa kanya. Habang nagpapaliwanag ako ay sumisinghot singhot siya, halatang pinipigilan niya yung sariling maluha ng tuluyan. Nakakaaliw yung mukha niyang ganun. Parang batang nakikinig sa payo ng magulang. Kinuha ko yung kutsara na may laman.
“Oh, subo mo na Baby Kyrie. Train train, choog choog!!!” pangungulit ko sa kanya. Muli ay ngumuso ito at tiningnan ako ng masama.
“Tsk!” pagtanggi niya na subuan ko siya. Kinuha niya bigla mula sa kamay ko yung kutsra tapos ay sinubo niya. Napangiti naman ako sa kanya, nakakaaliw talaga, sarap kulitin. Iniwan ko na siya sa mesa at tinuloy ang paghuhugas.
“Infairness, masarap.” Sabi niya nang malunok yung sinubo niya. Nilingon ko siya.
“Syempre ako yata nagluto niyan!” pagmamayabang ko sa kanya. Bigla nanaman niya akong sinalubong ng masamang tingin. Natakot ako.
“Ano?” sabi ko tapos ay ginaya ko yung pag-nguso niya. Sa ginawa kong iyon ay nanlaki ayung mga mata niya tapos ay lalong pinasama pa niya yung titig sakin. Ngayon kinakabahan nako. Buti nalang at malayo ako sa kanya.
“Tigilan mo nga yan!” Bigla niyang bulyaw. Tapos ay tumayo at pumunta sa kanyang kwarto.
“Syempre siya daw nagluto! Ulul mo. Binili mo lang yan tsaka mo pinrito, walang connect yun sa lasa!” bulong niya sa sarili niya ng parang tanga. Hindi ko alam kung sinasadya niyang marinig ko yun o hindi niya pansin na napalakas yata yung bulong niya. Haha. Basta, nakakaaliw siya.
Pagkalabas niyang muli sa kanyang kwarto ay may dala itong dalawang mug na may umuusok. Napansin ko na ganun padin yung mug na gamit niya, yung mug nila ni Edmund.
“Hindi ka pa ba tapos dyan?” Tanong niya sakin nang makaupo muli siya sa hapag-kainan ng nakaindian sit. Sakto naman na patapos nako nun at pabanlaw nadin ako ng kamay ko.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Teen Fiction"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.