Chapter 1 Pagkikita

13.8K 165 9
                                    

“Next intermission number is from HRM Department.” Announce ng host. Nagpalakpakan ang mga manonood.

“They are the Serragrift Dance Crew!!” muling sabi ng host. Ngayon ay naghiyawan na ang mga manonood. Tumayo ang isang babae at sumigaw.

“Go Dhie!!! Woooh!” pagcheer ni Euanne sa kasintahan. Nang marinig ito ng kanyang kasintahan ay kinindatan niya ito at nagflying kiss.

“Ayieee, ang sweet niyo talaga ni Travis best!” sabi ng katabing babae ni Euanne. Si Krissa, ang kanyang matalik na kaibigan.

“Oo nga eh, napakaswerte ko sa kanya.” Sabi ni Euanne nang makabalik na sa pagkakaupo.

“Anu kaba, swerte rin kaya siya sayo no. Kaya bagay na bagay talaga kayo. Solid fan nyo ko best!” pahayag ng kaibigan.

“Salamat best.” Sabi ni Euanne at ngumiti.

Aliw na aliw ang manonood sa pagpeperform ng grupo nila Travis dahil may eksena sa kanilang sayaw na gumigiling ang bawat miyembro at nagfafunny faces. Kaya todo hiyawan ang mga manonood sa event na iyon.

Matapos ang performance ay agad pumunta sa tabing upuan ni Euanne si Travis.

“Ano Mhie? Ayos ba giling ko? Hehe.” Pabirong tanong ni Travis kay Euanne.

“Oo dhie, galing! Ang cute nyo!” sabi ni Euanne. Pagkasabing iyon ni Euanne ay hinalikan siya ni Travis sa pisngi at hinawakan ang kamay nito tapos ay sumandal sa balikat ng kasintahan.

“Sige Dhie, pahinga ka muna jan.” sabi ni Euanne at hinawakan ang mukha ni Travis.

====================================

“Hey ky101! Can we meet?” chat mula sa isang online dating site sa internet.

“Ok, when?” tanong ni Kyrie.

“Now, afterlunch. My place. Pwede ka?” tanong ng nagchat.

“Ok.” Sagot ni Kyrie at ibinigay ang phone number niya dito.

Mga ala una nagkita ang dalawa. Konting usap tapos ay pumunta na sa condo unit ng kachat. Inumpisahan nila sa halikan hanggang sa may nangyari na nga. (bromance yung nangyari.)

“Hatid na kita.” Alok ng kachat niya kanina na ngayon ay kasama niya.

“Hindi na, may pupuntahan pa ako.” Sagot ni Kyrie habang nagbibihis.

“Edi samahan kita.” Pagpupumilit ng kachat niya kanina. Tiningnan lamang siya ng masama ni Kyrie. Ilang saglit pa ay dali dali siyang umalis sa condo nito.

Habang naglalakad si Kyrie pauwi ay walang tigil na nagriring ang phone niya. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. At ito yung nakameet niya kanina.

Kunwari Tayo (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon