Chapter 4 Ang mga Sawi

6.8K 109 7
                                    

TRAVIS’s POV

Hindi ko maintindihan si Mhie, di ko alam kung ano nagawa ko para tratuhin nya ako ng ganun. Wala naman akong maalala na ginawa ko na nakasakit sa kanya. Baka kaya nalaman niya ang tungkol sa pagka-bisexual ko? Hindi siguro, kasi tinatawag niya padin ako sa tawagan namin.

Wala akong naisip na nagawa ko.

Mga tatlong araw na hindi niya ako kinakausap, hindi niya rin nirereplyan mga text ko, hindi niya rin sinasagot mga tawag ko. Nasasaktan ako sa mga ginagawa niya pero di ko makuhang magalit sa kanya.

Kapag hinihintay ko siya lumabas ng campus ay sasabihin niya na huwag ko na daw siya ihatid sa kanila. Kapag nilalapitan ko siya sa school ay agad siyang iiwas at lalayo sa akin. Nababaliw na ako sa ginagawa niya sakin, pati pagppractice ko sa sayaw naaapektuhan.

“Bro, concentrate naman jan. Malapit na yung event oh.” Sabi sakin ni Vlad. Humingi ako ng pasensya.

“Dude, may problema sila ni Euanne.” Sabi ni Patrick kay Vlad. Tapos ay muling lumapit sakin si Vlad at inakbayan ako.

“Alam ko yung pakiramdam kapag may problema kayo ng taong mahal mo. Pero kung ganyan ginagawa niya sayo, edi gawin mo din sa kanya. Magpamiss ka din kasi bro, tignan mo, hahanap-hanapin ka din niyan” pahayag ni Vlad. Pagkauwi ay naisip ko ang mga sinabi niyang iyon.

Siguro nga dapat ay hayaan ko nalang muna si Euanne at magpamiss ako sa kanya. Siguro pareho lang namin kailangan ng space.

Isang buong araw ko siyang hindi tinext, tinawagan o nilapitan man lang sa school. Mahirap para sa akin na gawin yun pero tiniis ko nalang. Habang naglilinis ako nang kwarto ko ay napansin ko ang kalendaryo sa likod ng pintuan.

“13th monthsary namin ni Mhie bukas.” Nabigla na sabi ko sa sarili ko nang makita ang kalendaryo. Namuo bigla sa isip ko na isurprise siya bukas kaya naman agad kong sinabihan ang mga tropa ko sa dance crew ang tungkol sa plano ko. Bumili ako ng mga bulaklak, cake at baloons. Tapos ay kinausap ko din si Krissa.

Kinabukasan ng umaga ay maaga akong pumasok sa school bitbit ang mga pang-surpresa kay Mhie. Agad kong inayus yung classroom nila, tinulungan ako nila Krissa at ng dance crew.

“Sigurado matutuwa si Mhie dito.” Sabi ko sa sarili ko nang lumapit sa akin si Krissa. Nag-goodluck siya sa akin. Hindi ko maintindihan yung pag-goodluck niya sa akin parang may ibang ibig sabihin tapos ganun pa yung mukha niya ng sinabi niya yun, parang hindi masigla. Ilang minuto na lang ay darating na si Euanne.

EUANNE’s POV

Habang naglalakad ako sa hallway papasok ng room napansin ko ang dami ng taong nandoon sa labas. At nung papalapit na ako ay nagtinginan sa akin ang mga tao at masaya ang mga mukha nila.

“Ang swerte naman niya.”

“Ang sweet ng bf niya.”

Kunwari Tayo (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon