“Sir eto na mga pinahahanap niyong information tungkol kay Kyrie.” Sabi ng isang investigator kay Edmund. Agad agad binasa ito ni Edmund.
Sa pagbabasa niyang iyon ay napag-alaman niya na sa isang fastfood chain nagttrabaho si Kyrie at tatlong taon na ito doon. Nalaman niya din na doon padin siya sa condo unit nakatira.
“Bakit dito siya nagtatrabaho, nakagraduate naman siya ah.” Nagtatakang tanong ni Edmund sa kanyang sarili.
Matapos nitong basahin ang report ay agad itong nag-ayos at dali-daling umalis papunta sa tirahan ni Kyrie. Wala siyang pasok nun dahil linggo. Habang nasa byahe siya papunta dito ay tumawag sa kanya si Aries.
“Bakit wala ka dito sa unit mo?” tanong sa kanya ni Aries sa kabilang linya.
“Urgent meeting Ries, sorry. Tawagan kita mamaya.” Sabi ni Edmund at agad itong nagpaalam kay Aries.
===================================
“Sunday ngayon! Wala tayong pasok. Hintayin mo ko, ipagluluto kita ng almusal.” nakangiting basa ni Kyrie sa text ni Travis pagkagising nito. Agad itong bumangon at tumungo ng banyo para maligo.
Nang nasa loob siya ng banyo ay may note na nakasulat sa salamin.
“May pang-shave, may shaving cream din, may facial cleanser at higit sa lahat may Shampoo ka na pre! Congratulations!” basa niya dun sa note sa salamin. Napahagikgik ng bahagya si Kyrie habang binabasa iyon.
“Loko-loko talaga.” Ang nasabi niya sa sarili habang nakangiti. Tumingin ito sa salamin at pinagmasdan ang sarili, ilang sandali pa’y iniabot niya ang mga gamit pang-shave at inumpisahan ng ayusin ang sarili. Pagtapos nito ay tumungo na siya sa loob ng shower at naligo. Ginamit niya ang shampoo at facial cleanser na inilagay doon ni Travis.
Pagtapos nitong magbihis at mag-ayos ay agad itong tumungo sa kusina. Tiningnan niya yung oras.
“Bat kaya wala pa siya?” tanong niya sa sarili. Naupo siya sa hapag-kainan at pinagmasdan ang kusina. Sandali pa’y tumayo ito at tinignan ang freezer. Kinuha niya ang nakaplastic na frozen na manok. Tumungo siya sa cabinet sa kusina upang tingnan kung may mga pagsangkap.
“Kumpleto talaga ah.” Sabi niya sa sarili ng makita ang laman ng cabinet sa kusina. Ibinabad niya ang manok sa maligamgam na tubig at inihanda ang chopping knife at chopping board. Akmang hihiwain na niya ang piraso ng manok nang bigla siyang matigilan. Napakunot noo siya at umupo. Huminga ito ng malalim.
Simula kasi nang maghiwalay sila ni Edmund ay ni minsan hindi na niya tinangka pang magluto. Muli ay itinuloy niya ang paghiwa at napangiti na lamang.Ilang sandali pa’y narinig na niya ang katok ng pinto.
Nang buksan niya ito ay sinalubong siya ni Travis na nagmamadali at agad tumungo sa kwarto niya. Tapos ay bumalik na ito sa kusina kung saan andun ulit si Kyrie.
Napansin ni Travis na nag-ayos na ng itsura si Kyrie.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Teen Fiction"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.