Kasalukuyan
“Ang sarap ulit-ulitin yung mga panahong iyon na magkasama kami. Minsan nga sinasabi ko na lang sa sarili ko na sana.. sana huminto na lang yung oras na yun dun, sana hindi na lumipas yun. Edi sana, kasama ko pa siya hanggang ngayon.” Pahayag ni Kyrie na pumuno ng luha sa kanyang mukha. Natulala lamang si Travis at nagmuni-muni sa mga pagkakataon na iyon.
“May mga tao pala na mas mabigat pa ang dinadala kaysa sa akin.” Sa isip ni Travis. Napansin niya na parang may hinahanap si Kyrie, at nang malaman na gusto pa pala nito ng beer ay ibinigay na lamang niya yung natitira na para dapat sa kanya.
KYRIE’s POV (Pagpapatuloy ng kanyang pagbabalik tanaw)
Akala ko ganoon na kami habang buhay nang mangyari ang hindi namin inaasahan. Nalaman ng pareho naming pamilya ang relasyon namin, wala kaming ideya kung paano nila ito natuklasan. Bigla akong tinawagan ni Mama at pinauwi sa probinsiya namin, ganoon din si Ed ko.
“Maaayos natin to Ky ko wag kang mag-alala, hintayin mo lang ako.” Sabi niya sa akin noong inihatid ko siya sa airport pauwi sa kanila. Buo ang tiwala ko sa kanya noon na malalagpasan naming dalawa ang bagong pagsubok na yon.
“Kyrie! Anong kalokohan nanaman itong nabalitaan namin? Hindi ka na nga makapagbigay ng mga good grades tapos ganito pa?” bungad sa akin ni Papa pagkadating na pagkadating ko sa amin.
“Pa, hindi yun kalokohan, nagmamahalan kami.” Sagot ko kay Papa tapos ay tumingin ako kay Mama, nakita ko sa kanyang itsura na hindi siya kumakampi sa akin.
“What the hell Kyrie!” biglang sigaw ni Papa sa akin.
“Hindi mo alam ang pinagsasabi mo, mabuti pa ay sa ibang bansa mo nalang ituloy yang pag-aaral mo, nang maituwid yang baluktot mong utak.” Sabi ni Papa, nagulat ako sa sinabi niyang iyon agad ko itong sinuway.
“Papa ayoko po, hindi po ako aalis dito, hindi ko iiwan si Edmund, mahal-” natigil na paliwanag ko nang maramdaman ko na ang kamao ni Papa sa aking mukha. Naluha ako sa mga oras na iyon, hindi ko lubusang maisip na ginawa sa akin yun ng sarili kong magulang. Muli ay nilingon ko si Mama pero dismayang tingin lamang ang nakita ko sa kanya. Pakiramdam ko ay nag-iisa ako ng mga oras na iyon. Gusto ko ng bumalik kay Edmund.
“Lumayas ka sa pamamahay ko! Wala akong anak na… Bading!” muling sigaw sa akin ni Papa. Ilang sandali pa’y lumapit sa akin ang mga gwardiya namin at kinaladkad ako palabas ng bahay. Para akong basura na ipinatapon palabas ng sarili kong bahay, hindi ko alam ang mararamdaman, basta humahagulgol na lamang ako ng iyak.
Naglalakad na ako palayo sa amin ng bigla kong narinig ang isang malakas na sigaw ni Mama. Agad agad akong bumalik sa gate ng aming bahay at inalam kung ano ang nangyari.
“Sir, inatake po sa puso ang Papa niyo.” Sabi ng isa sa mga katulong. Agad agad akong pumasok ng bahay at lumapit kay Papa ngunit sumenyas siya kay Mama na paalisin daw ako. Itinakwil na talaga ako ni Papa. Lumapit sa akin si Mama.
“Anak, umalis ka na, baka lalong sumama ang pakiramdam ng Papa mo, eto yung susi ng condo. Doon ka na muna, huwag ka ng babalik dito. Papadalhan nalang kita sa bank account mo. Please anak umalis ka na.” sabi ni Mama sa akin. Mas lalong dumagdag ang pighati na aking nararamdam sa pahayag ni Mama, pati siya ay tinalikuran na din ako. Ngunit nakiusap ako sa kanya na kung pwede ay mayakap ko man lang ang bunso kong kapatid na si Chigo, 4 years old pa lamang siya nun. Pumayag naman si Mama, pero sandaling oras lang ang ibinigay niya. Pumasok ako sa kwarto ni chigo at nakita ko siyang naglalaro ng kanyang mga laruan. Nang makita niya ako ay agad niya akong nilapitan at niyakap. Umupo ako para mapantayan ko siya.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Teen Fiction"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.