Chapter 3 Hindi Masabi

7.5K 110 5
                                    

EUANNE’s POV

Gumaan ang loob ko sa sinabi sa akin ni Travis na hihintayin niya na bumalik ako. Hindi ko din kaya na malayo sa kanya kahit isang araw lang. Mahal na mahal ko siya at alam kong ganun din siya sa akin. Kaya naman hindi ko alam ang gagawing pagpapaalam sa kanya.

Alam niya kasi dito lang ako sa Pilipinas mag-aapply ng OJT, pero ang nangyari ay sa Singapore ako inapply ni Dad. Mas maganda daw kasi ang records kapag sa ibang bansa ka nag-OJT, yun ang sabi ni Dad. Hindi naman ako makatanggi dahil para sa akin din naman yun.

Hindi naman tutol ang mga magulang ko sa amin ni Travis, maliban lang kay kuya. Gusto lang nila talaga yung makakabuti para sa akin. 3 months din yung OJT ko sa Singapore at 2 weeks from now na ang flight ko papunta doon. Kaya naman pinaghahandaan ko ang pagpapaalam kay Dhie. Tingin ko naman maiintindihan niya yun.

Halos araw araw kaming lumalabas at namamasyal ni Dhie, ewan ko ba sa kanya, naging sobrang sweet niya these past days. Mas lalo akong nahihirapang iwan siya nang ganito. Hanggang sa nagdecide nakong ipaalam na sa kanya habang may isang week pa bago ang flight ko.

Sunday ngayon, niyaya ko siyang magsimba. Pagtapos ng misa ay naglunch kami sa isang kainan sa Trinoma. Tapos ay niyaya ko siya pumunta sa Wildlife. Doon ay magkasama naming tinanaw ang napakagandang paligid. Nang mapunta kami dun sa may bridge ay nilakasan ko na ang loob ko para ipaalam na sa kanya ang pag-alis ko.

“Dhie, may sasabihin ako.” Sabi ko sabay hinga nang malalim. Napatingin siya sa akin. Nakangiti ang pagtingin niya sa akin nun. Ngiting nagpahina sa loob ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang ituloy ang sasabihin ko.

“Ano yun Mhie?” tanong niya sa akin. Natulala ako, hindi ko na kayang sabihin sa kanya. Hindi ko kayang mapalitan yung mga ngiti niyang yun ng isang malungkot na mukha.

“Ah.. Wala.. Gusto ko lang sabihin na mahal kita Dhie.” Sabi ko sa kanya tapos ay niyakap ko siya. At habang nakayakap ako sa kanya ay hindi ko naiwasan ang maluha. Agad kong pinigil ang pagpatak ng mga luha ko para hindi niya mapansin iyon.

“Mahal din kita Mhie. Ikaw ha, nahawa ka na sa kasweetan ko.” Sabi niya habang nakayakap sa akin at tumawa. Palihim kong pinunasan yung mga luha ko tapos ay tumingin sa kanya.

“Tara na Dhie, uwi na tayo.” Sabi ko sa kanya.

=======================================

Alas singko ng umagang iyon habang pauwi na si Kyrie galing sa trabaho ay may isang lalaki na nakatakip ang mukha na palihim na sumusunod sa kanya. Hindi niya ito napansin. Patuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa may isa pang lalaki na nakatakip ang mukha ang humarang sa kanya. Walang ibang tao sa paligid. Nang akmang tatakbo sa likod si Kyrie ay saka naman siya hinarangan nung lalaki na kanina pa siya sinusundan.

“San ka pupunta boy?” sabi ng lalaki na may hawak na balisong.

“Ibigay mo sa amin cellphone at wallet mo.” Sabi nung isa pang lalaki. Tinitigan ito ni Kyrie ng masama tapos ay ngumisi. Inilabas niya ang isang mumurahing cellphone at 200 pesos na papel at may mga barya.

“Wala akong wallet.” Sabi niya sa mga nanghohold-up. Kinuha padin ng mga holdaper yung cellphone at pera ni Kyrie tapos ay agad ding umalis.

Kunwari Tayo (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon