EDMUND's POV
"Natauhan nako."
Nang marinig kong sinabi iyon ni Aries ay tila nawala lahat ng galit ko sa kanya at kasabay pa ng malungkot niyang hitsura noong mga oras na iyon, ay nakaramdam ako ng guilt. Nagdaan ang ilang araw, linggo maging buwan na hindi ko na siya nakikita. Nawalan na din ako ng balita kay Kyrie, hindi ko na malaman ang gagawin noon, tila gusto kong mawala na lamang at kalimutan kahit saglit lahat ng mga nararamdaman ko.
Hanggang sa isang araw nagising na lamang ako na nakahanda ng mangibang bansa. Napagpasyahan ng banko na pinapasukan ko na ilipat ako sa international branch for training purposes.
Bukod sa gusto ko din na makarating ng ibang bansa ay pumayag nadin ako na lumayo muna sa Pilipinas para mag-umpisa ng panibagong buhay, kalimutan si Kyrie na noon ay di ko padin matanggap na nawala sya sa akin dahil sa kagagawan ni Aries. Pero napaisip ako sa mga nagdaang araw, itinadhana kaya na magkahiwalay kami ni Kyrie dahil hindi talaga kami para sa isa't isa? O talagang si Aries lang ang nang gulo sa aming masayang relasyon? Pero ngayon, tila hindi na ko interesado sa mga pwedeng maging sagot sa mga tanong ko na iyon. Ang alam ko lang ay simula mawalay ako sa Pilipinas at sa aking pamilya, unti unti kong naramdaman ang pangungulila kay Aries. Ewan pero kasi namimiss ko yung lagi syang andyan sa tabi ko kahit nakakasakal.
Matapos ang dalawang taong training ko sa London ay pinauwi nako ng Pilipinas upang maging isang Branch Manager ng bagong itatayong branch ng banko na aking pinagtatrabahuan. Inalam ko agad pagkabalik ko kung saan na ngayon si Aries, gusto kong bumawi sa kanya kaya ngayon, heto ako at nang gugulo sa kanya. Mapatawad niya sana ako sa lahat ng nagawa ko sa kanya.
"Ako na mag ddrive for you." Alok ko sa kanya. Ngunit hindi nya ako pinansin at pinaandar ang sasakyan. Sa ilang minuto naming byahe ay wala kaming imikan, ewan nahihiya ako sa kanya.
Nang makarating kami sa venue ng meeting niya ay dali dali ko syang inunahan makababa ng sasakyan tapos ay tinungo ko yung pinto niya at binuksan iyon. Tiningnan ko sya. Napangiti ako ng kaunti. Halata kasi na pinipigilan niyang mapangiti.
"Sir, sasama ho ba ako sa loob o hihintayin ko kayo dito?" Pangungulit ko sa kanya. Hindi padin sya mapangiti. Imbes na sumagot ay tiningnan lamang niya ko tapos ay itinuro gamit ang kanyang mata ang direksyon papasok ng resto. Kaya sinundan ko sya papasok.
------
Nang makapasok ng resto ay agad naming nilapitan ni Aries ang babae na nakaupo bandang likuran.
"Hi, are you Ferry?" tanong ni Aries dito habang ang babae ay humihigop ng kape. Tumingin sa amin ang babae tapos ay maingat na inilapag sa mesa ang tasa tapos ay tumayo at nakipagkamay kay Aries.
"Hello Mr. De Mesa, have a seat." bati nito sa amin tapos ay umupo na ulit. Nagumpisa na noon ang business talks nila. Sa aking pagkakaintindi, ang pag uusap nila ay tungkol sa pakiki[ag partner ng kumpanya nila Aries sa RedBean Coffee brand upang bumuo ng coffeshop chain dito sa Pilipinas.
Habang naguusap ang dalawa ay siya namang patingin tingin ko sa mga papeles na dala ni Ferry, halos mga kontrata ang mga ito. Magaganda ang figures na nakapaloob dito, medyo na-bother lang ako noong makita ko ang "Leviste Farms" medyo pamilyar kasi ang pangalan ng kumpanya na iyon.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Roman pour Adolescents"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.