“Aries! What the? Tignan mo yung mga guests, hindi nila alam ang mga pupuntahan nila, ano ba naman yan?” inis na tawag ng ina ni Aries sa kanya.
“Hindi naman ako ang organizer ng event eh, diba kayo ang kumuha ng organizer?” kunot noong sagot ni Aries, nanlaki naman ang mata ng ina.
“Kahit na! Dapat may alam ka sa dapat na gagawin dito, ano ba yan Aries! Cooperate! Tignan mo yung kapatid mo pagod na pagod mag asikaso, ikaw ano ginagawa mo dyan? Konting malasakit naman.” Galit na sabi ng ina. Huminga lamang ng malalim si Aries, paraan niya para maitago ang inis na nararamdaman.
Tatalikod na sana siya ng makita niyang papalapit sa kanila sina Kyrie at Euanne.
“Mom, here’s Kyrie, kuya’s bestfriend, diba Kuya?” sabi ni Euanne sabay ngiting tingin sa kapatid.
“Ahh, oo ma.” Nasabi nalang ni Aries tapos ay nagkunwaring natutuwa dito, nang hindi na nakatingin sa kanya ang ina ay tiningnan niya ng masama sina Kyrie at Euanne.
“Oh ano pa hinihintay mo dyan? Gawin mo na inuutos ko.” Mataray na sabi ng ina kay Aries. Tila napahiya si Aries sa harap ni Kyrie. Ipinagtaka naman ni Kyrie kung bakit ganoon ang asta ng ina kay Aries.
Naalala tuloy ni Kyrie noong magkaklase pa sila ni Aries.
“Bakit ganoon sila sa kanya?” natanong ni Kyrie sa sarili. Ilang saglit pa’y lumapit sa kanya ang ina ni Aries at mahinaon itong niyaya na kausapin siya ng mga ito.
Masakit ang loob ni Aries ng makita ang trato ng ina niya kay Kyrie. Nakaramdam siya lalo ng inggit.
“Bakit ganoon? Lahat siya ang gusto!” sigaw niya sa kanyang sarili tapos ay tumungo siya sa dalampasigan.
Mga alas singko nadin ng hapon iyon. Nakangusong lumabas si Kyrie galing sa cottage ng mga magulang ni Aries tapos ay dumeretso ito sa mga pagkain. Kasalukuyan noong kumukuha ng pagkain si Travis kasama si Euanne.
“Grabe ang daming pagkain, ang saya ng foodtrip na to.” Sabi ni Travis habang kumukuha ng pagkain, napansin niya bigla si Kyrie na nakangusong sinasawsaw yung mga breadstick sa chocolate fountain.
“Ano nanaman problema neto?” takang sabi ni Travis sa sarili. Lalapitan niya sana si Kyrie ng biglang magsalita si Euanne.
“So hindi mo padin alam kung anong meron ngayon?” nakayukong tanong ni Euanne dito, seryoso. Tila naaninag ng tenga ni Kyrie ang tanong na iyon ni Euanne, kaya naman kumuha pa siya ng maraming breadsticks para hindi mapansin na nakikinig siya sa dalawa.
Napatingin si Travis kay Euanne na bakas ang lungkot sa mukha. Pinilit alalahanin ni Travis kung ano nga ba ang meron ngayon ngunit hindi niya talaga maalala.
“Hindi ko-” naputol na sabi ni Travis nang makitang tumulo bigla ang luha ni Euanne.
“Say “Happy Birthday Mhie” please?” umiiyak na pakiusap ni Euanne. Maging si Kyrie ay natigilan at nagulat sa narinig. Nakaramdam siya ng guilt. Napatingin si Kyrie kay Travis, ganun din si Travis.
Nalungkot man si Kyrie para kay Euanne ay nakaramdam padin siya ng konting sakit.
“Parang alam ko na mangyayari.” Sabi ni Kyrie sa sarili.
“Alis na dyan Kyrie.” Sa isip ni Travis.
KYRIE’s POV
Gusto ko ng lumayo nung mga oras na iyon, para kasing alam ko na ang susunod na mangyayari, pero hindi ko maigalaw ang mga mata’t paa ko.
“Happy Birthday Mhie!” narinig ko nalang na sinabi ni Travis.
Tapos.
Tapos.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Novela Juvenil"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.