EUANNE's POVSa Singapore ko ipinagpatuloy ang pagaaral ko habang inaalagaan si Travis. Dahil sa biglaan din ang pag-alis namin noon ay sinagot na nila Daddy lahat ng gastusin sa pag-stay at pagpapagamot ni Travis.
Nakatapos ako ng Tourism at nagta-trabaho ako sa isang Airlines dito sa Singapore, si Travis naman , after ng mga 1 and a half year, ay nagwork bilang barista sa isang sikat na coffeeshop chain. Ang maganda pa doon ay yung branch kung saan siya nakabase ay sa airport din, kaya naman hindi ako masyado nag-aalala dahil nga sa madalas padin kami magkasama.
Naging mahirap at masakit ang pinagdaanan ko sa pag-aalaga kay Travis, naluluha nalang ako madalas lalo na kapag sinasabi niya lagi na wala na siyang ganang mabuhay at napapagod na siyang lumaban sa sakit niya. Pero mabuti na lamang ay naging ok din siya matapos ang wedge and segmental resection surgery niya. Mas nakakatuwa pa nung sinabi ng doctor na hindi na niya kailangan ng mga therapy.
Ngayon, nandito na kami sa Pilipinas, hinihintay sina Mommy and Daddy sa pagsundo samin dito sa airport, hindi sila nakapunta sa graduation ko noon dahil sa problema sa company. Dati ko pa gusto umuwi, pero hindi pa pwede bumyahe noon si Travis at andito yung medications niya, ayoko naman siya iwan mag-isa. Pakiramdam ko din na ayaw niya talaga umuwi, alam ko kasi lahat ng mga naiwan niya dito. Lalong lalo na yung tungkol kay Kyrie.
Alam ko naman na mahal talaga niya ako ngayon, pero gusto ko kasi magkaroon sila ng proper closure ni Kyrie para sa susunod na umalis kami, hinding hindi na kami babalik ulit.
Natatanaw ko na sina Mommy, tiningnan ko si Travis at tumingin din siya sakin.
"Ayan na sila Hon." masaya niyang sabi sakin. Nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang kamay. Sinalubong na kami nila Mommy noon at dumeretso sa isang restaurant kung saan andoon na ang pamilya ni Travis.
Maluha luha itong sinalubong ng mga magulang niya, only child lang kasi si Travis.
"Anak, awa ng Diyos, magaling kana." umiiyak na sabi ng ina nito habang nakayakap sa kanya ganoon din ang papa niya. Nakakaiyak silang pagmasdan, masaya ako kasi nakatulong ako sa kanila.
"Iha, ikaw si Euanne diba? Halika dito anak. Ang ganda ganda mo pala." pag-akap sakin ng mama ni Travis, sobrang saya niya talaga at pasasalamat, nakakatuwa din at tinawag niya akong "anak" at sa wakas nakilala ko din sila. Sunod na pinasalamat ng pamilya ni Travis si Daddy tapos ay umupo na kami para kumain ng biglang..
"Euanne!" masayang bati ni Kuya at dali dali ko siyang nilapitan at niyakap. Namiss ko si Kuya, oo madalas kami hindi magkasundo, pero yung asaran namin yung bonding namin. Nagkakamustahan kami ni Kuya nang biglang..
"At bakit ka nandito? Kaya tayo nalulugi eh." Medyo paninira ng mood ni Daddy.
"Dad, dumaan lang ho ako para makita si Euanne." si Kuya tapos ay nagpaalam din agad. Hindi na bago sa akin ang ganoong trato ni Daddy kay Kuya, hindi ko din alam kung bakit mainit ang dugo niya dito lagi.
Pagkaalis ni kuya ay siya namang dating ng aming pagkain kaya nagcelebrate na kami para sa pag galing ni Travis.
---
"De Mesa Group of Companies Profile" nakalagay sa portfolio na hawak hawak ni Aries.
May tatlong division ang kumpanya ng pamilya nila Aries.
LaMiroza Clothing Apparel - mga RTW brand items ng De Mesa Group.
DelaMeza Furnitures
Cafe De Meza Coffee shops
Sa ngayon patuloy ang magandang kita ng LaMiroza samantalang ang DelaMeza ay bahagyang pumapalya sa Sales at ang Cafe De Meza ay siyang unti-unti ang pagkalugi. Sa loob ng halos tatlong taon mula ng pamunuan ni Aries ang kumpanya ay siya ding pagbagsak ng coffee shops, halos nasa sampu na lamang ang natitirang mga branch nito.
"We need help, we need investors, we need business partners." pahayag ni Aries habang kasalukuyan itong nagpe-presenta sa kanilang board meeting.
"Bakit hindi na lamang natin bitawan ang Cafe De Meza, at ibenta ang mga natitirang assets nito kesa sa maglalabas pa tayo ng malaking halaga at malugi lang uli ito?" pag salungat ng isang miyembro ng board.
"Wala tayong Assets na nag-appreciate ni isa dahil halos lahat ng branch natin ay nasa mall and yung mga stand alones ay nirerentahan lang natin ang lupa or building kaya kung ibebenta natin, nasa estimated 30% lang ng aquired cost ang mababalik na pera sayo, then may mga liabilities pa ang Cafe na need bayaran. In short, you have to choose, watch your money gone or invest more to earn?" matapang na paliwanag ni Aries dito. Natahimik ang mga miyembro ng boards at nagtinginan at nagbulungan sa isa't isa.
"Anyways kahit ano naman ang maging pasya ninyo, buo na ang desisyon ko to do a joint venture with other companies. And if you have problem with that, you're free to sell your shares." dagdag ni Aries tapos ay iniayos ang mga gamit at lumabas na ng conference room.
"Saan nga next meeting ko?" tanong ni Aries sa kanyang secretary habang naglalakad papunta sa kanyang office.
"Sir you have a lunch meeting reservation sa isang resto in Ayala with the representative ng RedBean Coffees." sabi ng secretary habang sinusundan si Aries.
"Ok, prepare the Business Proposal then ipahanda mo na yung sasakyan, didiretso nako doon." utos ni Aries dito.
Matapos ang halos 30 minuto ay tinungo na ni Aries ang elevator bago sumara ay sumenyas ang kanyang secretary na ayos na daw ang sasakyan. Nang makababa ay bumungad kay Aries ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ng elevator. Ikinagulat ni Aries ng makita ito, sandali silang nagtitigan tapos ay ikinunot ni Aries ang kanyang noo at dali dali iniiwas ang tingin dito at pinagpipindot ang close button ng elevator.
Ngunit hindi ito sumara dahil nakaharang na dito ang kamay ng lalaki. Kaya naman mabilis na lumabas si Aries mula sa elevator at matulin na naglakad palabas ng building, sinundan ito ng lalaki.
"Aries talk to me!" sabi ng lalaki na humahabol sa kanya.
"Sosyal, English." mahinang bulong ni Aries habang patuloy sa paglalakad at nagsuot ng shades. Mas binilisan pa lalo ni Aries ang paglalakad noong makita na niya ang sasakyan. Tanaw na ni Aries na nakabukas na ang pinto nito sa likuran ngunit tinunton niya ang driver's seat.
"Umalis ka dyan, ako na bahala." paguutos ni Aries tapos ay agad agad namang lumabas mula sa pagkakaupo ang driver. Nang makaupo si Aries ay agad agad niyang sinara ang pinto at ini-lock ito, ngunit huli na ang lahat. Huminga ng malalim si Aries at tiningnan ang lalaki na noo'y hingal na hingal.
"Ano ba Edmund!?" naiinis na sabi ni Aries.
-------------------
"Hon, ano ba kasing nakain mo? Kanina ka pa suka ng suka ha." pahayag ni Travis habang hinihimas ang likod ni Euanne na patuloy lamang sa pagsusuka. Hindi sumagot si Euanne at ng matapos ay yumakap lamang kay Travis.
"Nahihilo ako Hon." sabi nito. Inalalayan ni Travis si Euanne hanggang makabalik sa hapagkainan kung saan nagsasalo padin ang kanilang mga magulang.
"Anak, are you alright?" tanong ng ina ni Euanne. Kapansin pansin ang pamumutla ni Euanne nung mga oras na iyon.
"Nahihilo po siya tita, then kakatapos niya lang din magsuka." paliwanag ni Travis. Lumapit naman kay Euanne ang ina ni Travis upang kamustahin ito. Tila napaisipa ang mga magulang ni Euanne at tinitigan ang isa't isa.
"Euanne I think we should see a doctor." sabi ng ina ni Euanne.
"No Mommy, ok na ako." pahayag ni Euanne at sabay uminom ng tubig. Bigla namang hinawakan ng ina ni Travis ang tyan ni Euanne tapos ay napatingin sa lahat hanggang sa humarap ito kay Euanne.
"Iha, mukhang buntis ka." pahayag ng ina ni Travis. Tila napalunok si Euanne at nagumpisang kabahan, tumitig ito kay Travis na noo'y bakas ang pagkabigla sa kanyang hitsura. Bigla namang tumayo mula sa kinauupuan ang mga magulang ni Euanne.
"Come on hija, we need to confirm this. Travis hijo, Mr and Mrs Dizon, excuse us." pagpapaalam ng ina ni Euanne kina Travis upang ipa-check sa doctor kung totoo nga ba ang spekulasyon ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo (boyxboy)
Teen Fiction"Bakit ba natin kailangang makilala at matagpuan pa ang isang tao kung hindi naman pala siya yung nakatakdang makasama natin habang buhay?" Ito ay kwento nang dalawang taong pinagtagpo sa maling pangyayari.