Chapter 28Official
Umuwi rin si Azron kinaumagahan pero gusto niya na dito na sa apartment ko mag stay na muna. Hindi na sana ako papayag dahil alam ko na may trabaho pa siya.
Ang sabi pa niya sa akin ay handa na siyang humarap sa pamilya ko. Alam naman namin parehas kung saan ito patutungo. Pero ang ikinatatakot ko, ay baka hindi ako magustuhan ng pamilya niya.
It was very crucial that I think of it every now and then. His family was so strict about business. They want Azron to marry a woman they want just for the sake of their business.
Arranged marriage, huh?
Inialis ko na lang iyo sa aking isipan at inabala ang sarili sa mga bagay na dapat noon ko pa tinapos.
Nang nagkaroon ako ng free time ay naisipan kong dumalaw kay Azron sa office niya. Alam ko na dapat ay nagsasabi ako kung gusto kong pumunta sa kanya.
Pero hindi ko ginawa dahil gusto kong masurprise siya sa gagawin ko. Nagdala na rin ako ng pagkain para sa kanya.
Gusto kong sabay na kami aalis patungong unit niya o sa akin.
Nang nakababa ako ng sasakyan matapos kong ipark ang sasakyan ay nagtungo na ako sa elevator paakyat ng offoce ni Azron.
Pinindot ko ang top floor at naghintay makarating doon. Nang huminto ang elevator sa 27th floor ay agad akong nakaramdam ng kaba.
Nang bumukas ang and elevator ay nagulat ako sa nakita. Pumasok ang ginang at ang kasama nitong babae.
Umiwas ako ng tingin at yumuko.
Ayaw kong magkagulo kung sakali at siguro ay aalis na lang ako.
Nag angat ako ng tingin sa kanila.
It was Azron's mom and the woman next to her, I barely know her.
Maganda siya, mahaba ang buhok, slim.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng panliliit sa sarili. I love Azron even before. Kahit noong college kami. Noong nagkasakitan kami.
Hindi naman iyon nawala, narito pa rin iyon. Nasa kailaliman nga lang at ngayon ko lang inamin sa aking sarili.
"I am sure he was going to propose. I'll make sure of it, Elli."
Hinaplos ni Mrs, Lim ang braso ni Elli.
"Thank you, Tita. You know how much I love Azron." Parehas silang ngumiti.
Hindi ko na kayang marinig ang mga sinasabi nila. Elli was hoping that Azron would propose to her. Mrs. Lim is making sure that it was going to happen anytime soon.
At ano ako dito?
Nangako si Azron sa akin na handa niyang gawin ang lahat para hindi mangyari ang gusto ng parents niya. Pero kaya ko ba? Kaya ko ba na makitang magkasiraan sila dahil lang sa akin?
Hindi ko iyon kaya. Hindi kakayanin ng sarili ko na makitang itatakwil ni Azron ang pamilya niya para sa akin.
Tumunog ang elevator sa top floor at lumabas silang dalawa. Agad nahagip ng mata ko si Azron sa tapat ng elevator.
Nagtama ang mga tingin namin pero agad kong pinindot ang close button. Magsasarado na sana ang elevator door nang may kamay ang humarang doon dahilan para hindi iyon magsara.
Naestatwa ako nang makitang nakatingin sa akin si Mrs. Lim. Mukhang galit.
Lumingon ako sa kay Elli, tumaas ang kilay niya sa akin at doon ko napagtanto na pumatak na pala ang luha na kanina ko pa pinipigilang lumabas.
At si Azron na hawak ang kamay ko.
Marahan niya akong hinila palabas ng elevator. Hindi ako nakagalaw tanging mga tingin lang ni Mrs. Lim at Elli. Akala ko ay hihilain ni Elli ang aking buhok at sasaktan ako ni Mrs. Lim.
Hindi nangyari ang inaasahan ko.
Walang sampal o kahit na ano ang nagyari.
Nagpaubaya ako sa hawak ni Azron sa aking palapulsuhan at mabilis niya akong iniwas sa kanyang ina.
"Azron!" ani Mrs. Lim
"Tita!" si Elli.
Hindi ko nagawang lumingon sa kanila dahil mabilis na isinara ni Azron ang pinto ng kanyang opisina.
"Stay here, okay? Ako ang kakausap sa kanila."
Pinaupo niya ako sa sofa at lumabas siya ng opisina. Hindi ako nakaimik. Hindi ko nagawang magsalita.
Pagkasara ng pinto ay narinig ko ang pagsisigaw ni Mrs. Lim sa labas ng opisina ni Azron.
Magkahalong takot at kaba ang naramdaman ko. Hindi ko agad naisip na baka magkita kami sa opisina ni Azron.
Humina ang boses sa labas at bumukas ang pinto.
Pumasok si Azron na nag aalala, mabilis amg hakbang niya patungo sa akin. Nang makalapit siya agad niya akong niyakap.
"I'm sorry," aniya.
Tumayo ako at muli niya akong niyakap kaya sinuklian ko rin iyon.
"Hindi ko alam, Sorry.." bumuhos ang luha ko sa magkahalong nararamdaman.
Hinaplos niya ang aking likod. Hinayaan kong gawin niya iyon at para na rin kumalma ako.
"Don't worry, if they don't accept you, then I won't let them meddle with my own life. I am old enough to make decisions."
Bumuhos ang panibagong luha ko kasabay nito ang marahan ngunit nakakangulila niyang haplos sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
Courting My Bad Boy (COMPLETE)
RomanceCourting My Bad Boy She only want peace. He's good at destroying it. A deep-rooted hate, life changing descisions and thirst for revenge. All Rights Reserved © bluecrazyaddicted