Chapter 11
Curse
Nanantili lamang ako sa aking sasakyan. Hindi maintindihan ang sarili dahil sa nangyari. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.
Isang halik lamang iyon, pero bakit pakiramdam ko ang halik na iyon ay may ibig sabihin?
Anika, stop giving a meaning in that kiss! That was nothing! It was nothing! Wala lang iyon!
Isinubsob ko ang aking ulo sa manibela.
Mababaliw na yata ako.
Kahit lito pa dala ng halik na iyon, nagmaneho ako pauwi. Hindi ko kayang pumasok ngayong araw. Kapag nakita ko siya baka maalala ko lamang ang halik na iyon.
Nang dumating ako sa bahay ay tahimik lang at walang ibang tao kundi ako. Tanging ang hampas lamang ng hangin sa mga halaman sa aming garden ang naririnig ko.
Pagkalapag ko ng aking bag sa kuwarto ay lumabas ako ng bahay. Naupo ako sa hammock. Isinandal ko ang aking likuran at marahan akong huminga ng malalim.
"Why on earth he kissed me?"
"Sinong kausap mo?"
Napadilat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Alina.
Inangat ko ang tingin sa kanya.
"Ikaw? Bakit ka nandito?" Umayos ako ng upo at umusog ng kaunti nang umupo rin siya hammock.
"Galing akong headquarters," aniya sa mababang boses.
Sumandal siya at humalukipkip.
Tiningnan ko siya ng maigi. Ngayon ay nakapikit na siya.
"Ah. Any news?"
"Wala." Nakita ko ang pagdilat ng kanyang mata at mataman akong tiningnan.
"How about, Azron?"
"Ah-uh?"
Biglang lumitaw sa aking isipan ang angyari kanina. That kiss. His lips. His eyes and fuck it, Anika!
"Ah. W-wal. Wala namang bago."
"You sure?"
"O-oo!" Tumayo ako sa pagkakaupo at kumaripas ako ng lakad pabalik ng bahay.
Anak ng tipaklong naman, oh!
BINABASA MO ANG
Courting My Bad Boy (COMPLETE)
RomanceCourting My Bad Boy She only want peace. He's good at destroying it. A deep-rooted hate, life changing descisions and thirst for revenge. All Rights Reserved © bluecrazyaddicted