Chapter 4
Good Luck
Sa mga nagdaang araw ay sinimulan na namin ni Lina ang paghahanda para sa pag-portray ko bilang si blue bird. Sa simula mahirap kasi alam ko naman na matagal na panahon na simula nang maging ako si blue bird.
"Huwag ganyan ang paghawak mo sa Katana," ani Lina sa akin.
Lumapit siya sa akin at iginiya niya ang aking kamay sa tamang paghawak ng Katana.
"Ganito ang tamang paghawak, tsk." mariin niya akong tiningnan. "Hindi ba alam mo na ito noon pa? Nakalimutan mo na ba lahat nang naituro ni Master noon?" Humalukipkip siya.
"Kinalimutan ko na."
Inilapag ko sa mahabang mesa ang Katana at pinagmasdan ko ang isang maliit na panaksak sa gilid.
"Kinalimutan? Seriously, Anika? Talagang kinalimutan mo?"
Naglakad ako patungong sun lounger at kinuha ang orange juice. Sumimsim ako roon at mataman kong tinignan si Lyna.
Inilapag ko ang baso ng orange juice sa maliit na mesa sa tabi ng sun lounger. Pinilig ko ang ulo.
"Ano ba kasing malay ko na gagawin ko ulit ito? Why don't you do this? Ako na lang ba parating sasalo sa iyo, kapag aayaw ka na, huh?"
Kumuyom ang mga palad niya.
"Bakit kasi nabuo pa ang gang na ito? We don't have much goons to do this task!" I spat.
"Anika, listen. This is the only thing we can do. If we don't do this with so much efforts, lahat tayo mapapahamak. It might ends with brutally fight, but we have to sacrifice ourselves If we want to live more longer."
"But I don't really want this." mariin kong sagot. Tumayo ako at nagsimula nang maglakad pero hinatak ni Lina ang aking palapulsuhan.
"Please, Anika. We need to protect you."
Kumunot ang aking noo.
"Anong-"
"That man thinks that you're the real blue bird."
"You mean.. Azron?"
"Yes. And to keep our enemy's closer, you need to date him."
"What?! No!" maagap akong umiling. "Hell no, Alina!"
Hinila ko ang aking kamay at nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad papasok ng bahay. Mabilis ang naging paghinga ko, hindi ko mataggap na ganoon ang ipapagawa nila sa akin para sa misyon na ito. At sa tingin ko magiging imposibleng i-date ko ang taong 'yon. No freaking way!
Sa galit, inis at frustrations ko hinagilap ko ang aking maleta at inisa-isa ang paglagay ng mga damit ko sa maleta.
"Anika, what the hell! You don't need to do this!" Inagaw sa akin ni Alina ang mga damit ko.
"Hayaan mo akong umalis!" Kinuha ko ulit sa kanya ang mga damit ko.
"Ano bang pumasok sa utak mo, ha?"
Pabagsak kong inilapag sa aking kama ang mga damit at hinarap si Alyna.
"I won't freaking date him! No way!"
"Yeah I know!"
Mariin kong tinignan si Alina.
"Anong alam mo?"
"Alam kong hindi mo siya iddate. Ang sa akin lang, alam kong makikipag lapit siya sa iyo dahil ang alam niya ikaw talaga ang tunay na blue bird."
"So? Ano naman kinalaman ng gusto niyo na idate ko siya ngayon-"
"Hindi mo kasi naiintindihan. For once makinig ka muna."
Lumayo ako sa kanya at saka ako humalukipkip.
"Sige, tatanggapin ko ang paliwanag mo. Sige, ipaliwanag mo sa akin ngayon, baka sakaling magbago ang isip ko."
"Alam namin ni Kuya na may plano silang alamin ang buong pagkatao mo, kasama na doon ang pagiging blue bird mo. At higit sa lahat, they knew about this."
May kinuha siyang itim na envelope sa kanyang purse.
"What's that?"
Iniabot niya iyon sa akin. Nanginginig kong binuksan ang itim na envelope.
Napatutop ako sa aking bibig.
"May gaganaping grand party ang buong Exodus Clan this month?"
Matagal kong tinignan ang nakasulat sa itim na papel na may disenyong kulay gintong paru-paru sa gilid.
At nakapalibot sa bawat gilid ng itim na papel ang mga silver dust.
"Yes, Anika." She sighed. "At kung hindi kami nagkakamali, maaring doon na umatake ang buong gang nila, Anika."
Natakot ako sa posibleng mangyayari kung sakaling mangyari ang mga kinatatakutan naming lahat para sa araw na iyon.
"Ikaw lang kasi ang may kakayahan na gawin ang task na ito, Anika. Gustuhin ko mang ako na ang gagawa nito, may iba rin akong task na kailangang gawin."
"Papayag na ako, pero gusto ko kapag natapos na ang labang ito, ayokong madala ko ang pangyayaring ito hanggang sa matapos ang lahat ng ito."
Hinawakan ni Alyna ang aking kamay.
"Kasama mo naman ako sa laban na ito, remember that. Hindi ka namin pababayaan."
I pursed a half smile.
"So, ano? Kailan natin sisimulan ang 'Operation: Date with Azron'?"
Ngumiti sa akin si Alyna.
"Ngayon na?"
Nagkatitigan kaming dalawa.
Sa bahay na namin ginawa ang make over na gusto ni Alina. Pina-curl niya ang dulo ng aking mahaba at straight na buhok into permanent.
"Sigurado ka ba dito?" tanong ko habang tinitignan ko si Alyna sa salamin na kinukulot pa ang aking buhok.
"Oo naman, mas bagay nga sa iyo ang ganito, eh."
Ngumuso ako.
"Hindi ko alam kung tatalab ba sa akin ang makipaglapit sa kanya."
Naramdaman ko ang pagkakatigil ni Alyna.
"Bakit?" Muli niyang itinuloy nag ginagawa.
"Kasi the last time na nagkausap kami, pinaki alaman ko ang mga ginawa niya. You know, bad habits of being a bad boy." umirap ako sa kawalan.
"Dapat mo nang ihinto ang galit mo sa kanya."
"Why I should do that?"
"Because you have a mission, sissy."
"Tsk. Sana matapos na ito nang mabilis." reklamo ko.
Inilapag niya ang curler sa hair dresser.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at sa repleksyon sa aking salamin ako tinignan.
"Then, don't fall in love with him."
Halos masampal ko si Alina sa sinabi niya.
"No freaking way. Over my dead body."
"Okay... Ayan tapos na."
Inayos niya ang king kulot na buhok at inilagay ito sa magkabilang gilid.
"Good luck, sissy."
Humarap ako sa kanya at sabay kaming nag appear na dalawa.
"Siya ang mag ingat sa akin." Humarap akong muli sa salamin at tiningnan ko ang aking sarili doon.
Tama, siya ang mag ingat dahil simula bukas, wala na ang Anika na kilala ng lahat. I am now back as blue bird. And nothing can change it. He just have to deal with me, and also, my charms.
Azron Lim, You'll be dead meat.
BINABASA MO ANG
Courting My Bad Boy (COMPLETE)
Storie d'amoreCourting My Bad Boy She only want peace. He's good at destroying it. A deep-rooted hate, life changing descisions and thirst for revenge. All Rights Reserved © bluecrazyaddicted