Chapter 29 : Contentment

4 1 0
                                    


Chapter 29

Contentment

Ilang minuto akong nakahilig sa kanya. Hinayaan niya ako at hindi na ako gaanong nagsalita pagkatapos.

"Are you feeling okay now?" Pagkatapos ay inabutan niya ako ng tubig. Tinanggap ko iyon at ininom. Kalahati lang ang nainom ko at agad na kinuha ni Azron sa akin.

"Okay na ako," tumango ako at umayos ng upo. Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya.

Lumapit siya sa akin at inabot niya ang aking balikat para lalo akong kumalma.

Hindi ko inaasahan na sa pagkakataong ito muling magkukrus ang mga landas namin ng mama ni Azron.

Naalala ko noong college, his mother went to me and offered me money just so I could stay away from Azron. I didn't tell him that it happened. I just want to forget it but couldn't. Now that I am here, loving him with all I have is nothing but contentment. I just want to make sure that it'll never happen again.

Not again.

Napatigil ako sa pag iisip at bumaling kay Azron na may oag aalala sa mukha.

"Years ago, you didn't tell me that my mom talked to you." Saglit akong nagulat pero kalaunan ay natahimik ako.

Hindi ko sinabi sa kanya ang tagpong iyon noon. Hindi ko pinaalam sa kanya dahil alam ko, magdudulot iyon ng gulo.

At alam ko kapag nangyari iyon mawawalan ng halaga ang paghihirap ko. And it came to me like a strong wind. Like a thunderstorm that's going to hit me hard.

And I didn't know if I ever want to end it.

"Hindi ko sinabi kasi...natakot ako sa puwedeng mangyari.."

Mariing pumikit si Azron at hinilot ang kanyang sentido. He didn't say a word he just stared at me like I am going to vanished into thin air.

"I don't want you to hate your mom just because of me.."

Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha at sandali siyang tumayo.

Ginulo niya ang buhok niya at mabilis na kinuha ang intercom.

"Azron.."

Yumuko ako at nagsimula nang mangilid ang mga luha ko.

"Matagal na iyon. Nakalimutan ko na and I am sure nakalimutan na rin iyon ng-"

"Then, when are you going to tell me, huh?" Mariin ngunit mahinahon niyang tanong sa akin. Alam kong may pag iingat sa boses niya pero ramdam kong frustrated na siya.

"I didn't tell you because I thought I am going to lose you anyway!"

Pabagsak niyang nilapag ang intercom at narinig ko ang pagsagot ng kanyang secretary sa kabilang linya.

"You didn't tell me because you thought.." hindi niya natapos nag sasabihin dahil tumayo ako at lumapit sa kanya.

Hinawakan ko ang magkabilang braso niya saka ako tumingkayad upang bigyan siya ng halik para tumigil na siya sa pag iisip ng kahit ano.

"Yes, I didn't tell you kasi naisip ko hindi ka seryoso sa akin noon. Kailanman hindi ka nagseryoso sa babae. Inisip ko na sa huli iiwan natin ang isa't isa. Iiwan din kita dahil sa una
pa lamang, alam kong hindi mo ako seseryosohin." Tumigil ako at muli ko siyang ginawaran ng halik sa kanyang pisngi.

"But damn, you made me fall in love with you that's why it hurts me knowing it's just a show."

Umawang ang kanyang labi at sa pagkakataong iyon ay hinila niya ako at mabilis niyang sinakop ang aking mga labi.

"It's always been you, Anika." Pagkatapos ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap.

"Sa gitna ng pagbabago ko, ikaw at ikaw ang nasa isip ko. Ikaw ang palagi kong hinihintay na bumalik. Because this time, I'll make you fall for me over again."

I chuckled at his remarks.

"That line of yours." I laugh.

Humiwalay siya sa yakap at marahan niyang pinisil ang ilong ko.

Tumaas ang kilay ko sa kanya.

"I am contented now that you're here. Back in my arms."

Ngumiti ako sa kanya.

"Paano ang parents mo?" Pag aalala ko.

"Don't worry about them." He assured me. "Ikaw ang gusto kong pakasalan and if they don't want you for me, then it's not my problem anymore."

"But-"

"No buts, Anika."

Ngumuso ako.

Hinila niya ako para sa panibagong yakap.

Courting My Bad Boy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon