Chapter 12
Saved
Nang sumunod na araw ay iniwasan ko na ang makita si Azron sa buong campus. It's not I am assuming for what happened yesterday. Pero hindi ko lang maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ko at hinayaan ko siyang gawin iyon.
Am I scared? That I might fall for him? Na baka magkatotoo ang sinabi at hinabilin sa akin ni Alina? Is that it?
Pinalagpas ko na lang ang mga bagay na iyon, dumiretso ako ng classroom. May mga ilan akong classmate na may kanya-kanyang ginagawa.
Inilabas ko nag aking filler at sinimulan ko ang pagre-review ng lesson.
Natapos ang buong araw ko na hindi ko nakita kahit anino ni Azron. Ayaw ko namang tanungin kung ano ang mga pinag-gagawa niya, dahil alam ko na kung ano mga hili ng tao na iyon, bukod kasi sa papalit-palit ng babae, ay alam ko na tulad ko, ay parehas kami ng ibang hilig bukod sa pag aaral.
Iisa lang ang goal naming dalawa. Ang mahulog sa mga bitag namin ang bawat isa. Hindi ako puwedeng magpahulog sa bitag niya. Dahil alam ko na kapag nangyari iyon, masasayang ang pinaghirapan namin ni Alina o kahit ni Kuya Josh.
Dumaan ang dalawang linggo, hindi ko na tuluyang nakita si Azron sa campus. Mukhang gaya ko, ay gumagawa rin siya ng plano para sa akin.
"Hindi ko na nakikita si Azron sa campus," paliwanag ko kay Alina at Kuya nang minsang umuwi ako at na-sorpresa ng biglaang pag uwi ni Kuya Josh.
"Paanong hindi mo siya nakikita?" nahihimigan ko ang galit sa tono ni Alina.
"I don't know." I simply said.
"You don't know? Or it might be something else? Hindi ba sabi ko ay makipaglapit ka sa kanya." Nilingon ko si Alina. Kumuyom ang kanyang kamao at padarag na umupo sa sofa. "O baka naman, nag iiwasan."
"Alina." May banta sa boses ni Kuya Josh.
Bagsak balikat akong bumaling kay Kuya Josh.
"Ayaw ko nang ituloy ito."
"What?! Are you serious?!" Nakita ko ang pagtayo ni Alina.
"Alina!"
"Bakit kasi ako pa? Bakit hindi na lang ikaw! Bakit hindi na lang ibang tao! Bakit ako?"
"Bakit hindi ikaw?" pabalik na tanong ni Alina sa akin.
"Kuya," Humarap ako kay Kuya Josh. "I don't want to do this job, anymore."
"Huh!" Marahas na bumuga ng hangin si Alina. "Are you starting to like him?"
"What?! No!"
"Then, what is it? Bakit ayaw mo na? Dati naman ay gustong-gusto mo ito!"
"Alina, Hayaan mo na."
"No, Kuya! I know she has a reason. Hindi puwedeng aayaw na lang siya kung kailan niya gusto! Hindi puwedeng-"
"Bakit Alina? Wala na ba akong karapatang umayaw sa bagay na ito?"
"Anika, It's okay. Tapos na ang meeting na ito." Tinapik ni Kuya ang balikat ko at nauna nang lumabas ng library.
"Hindi pa tayo tapos, Anika. I am warning you." Inirapa niya ako at nilagpasan.
Pabagsak akong umupo sa sofa. Nasapo ko ang aking noo.
Paano ba nagsimula ang lahat nang ito? Dahil ba sa kagustuhan naming manalo sa labang ito? Nakakapagod na pati ang mga bagay na gusto kong gawin ay kailangan pa ng permiso dahil sa bagay na ito.
Dumaan ang semestral end, nabalitaan ko na lang na hindi na rin pumapasok si Azron, at ang balita pa ay umalis ito patungong Paris, nitong nakaraang linggo.
"Umalis na ang target."
Kumunot ang noo ko sa narinig.
Luminga-linga ako sa buong school grounds. Ngayon ko kukuhain ang grades ko sa bawat subject.
Kahit maalinsangan dala ng mainit na panahon dahil nga summer. At sa susunod na pasukan ay second year college na ako, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga napag usapan namin ni Alina.
Nang matapos kong kuhain ang mhga grades kong hindi naman bagsak o pasang awa, ay dumiretso ako sa cafe kung saan ako madalas na pumunta nitong nakaraang semestral.
Sa 'di kalayuan kung saan ako napatigil ay nakita ko ang isang puting van na parang kanina pa sumusunod sa akin kahit mabagal naman ang pagmamaneho ko.
Hindi ko na inalintana iyon, bumaba ako sa aking sasakyan matapos akong makapag park.
Tinulak ko ang double doors ng cafe, tumunog ang wind chimes ng cafe. I sat on my usual spot. Nang nakapa order ako ay ginawa kong busy ang sarili.
"Hindi ba si Anika iyon? 'Yung classmate natin noong Grade 11 tayo?"
Lumingon ako sa tatlong, I think mga college students like me na nag uusap malapit sa counter ng cafe.
Nang matapos ako, ay lumabas akong cafe dala ang tinake-out ko na ice cold coffee, nagulat ako nang may dalawang lalaki ang huminto sa tabi lamang ng sasakyan ko.
"S-Sino kayo?" Kahit kabado ay kinalma ko ang boses ko.
"Sumama ka sa amin,"
"H-Huh?"
Hinila ako ng isang lalaki na medyo matangkad at payat ang pangangatawan.
"Bi-Bitawan mo ako! Sino ka?! Aray!" Dalawa silang kumaladkad sa akin. Sinubukan kong manlaban ngunit malakas ang dalawang lalaki na nakahawak sa akin.
Halos natapon na ang ice cold coffee ko, kaya naman nang tumigil sila sa paghila sa akin, ay itinapon ko sa pagmumukha ng lalaking unang humila sa akin ang hawak ko.
Gamit ang buong lakas ay sinipa ko siya kung saan mahihirapan siyang makatayo. Nang lumuhod ang lalaki ay kumaripas ako ng takbo kahit hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagtakbo ko.
"Tanga! Habulin mo!"
Lumingon ako sa aking likuran nang makalayo ako sa kanila kaya lang halos tumilapon ako nang may mabangga ako.
"Aray!" Napaupo ako at doon ko naramdaman ang paghapdi ng aking tuhod at ang pagsakit ng aking braso.
"Anika?"
Napa-angat ako ng tingin sa pamilyar na taong iyon.
Lumuhod siya sa at tinulungan akong tumayo.
"A-Azron."
Akala ko ba ay nasa Paris siya?
"May sugat ka," Pinilit kong tumayo kaya lang ay hindi ko kinaya kaya nagulat ako nang binuhat niya ako at isinakay sa kanyang sasakyan.
"Ayos lang ako."
Hindi siya kumibo at nagmaneho na lang.
Ganoon pa rin siya kaya lang, parang may nag iba.
----------
Thanks for loving this story.
BINABASA MO ANG
Courting My Bad Boy (COMPLETE)
RomansaCourting My Bad Boy She only want peace. He's good at destroying it. A deep-rooted hate, life changing descisions and thirst for revenge. All Rights Reserved © bluecrazyaddicted