Chapter 32Forget
Nakalimutan ko na ang bahaging iyon ng buhay ko. Ngayon na naungkat muli, parang hirap akong iproseso ang lahat nang nalaman ko.
Mommy was quiet the whole day na umuwi si Alina. She never asked us about our daily lives but when it comes to family gathering she want us to be complete even in those boring days.
Alina was also quiet. I bet she knew all about this. That explain why she's been so distant.
Did I ever want to know this truth? That they want me to be out from this?
Life is really full of surprises, huh?
"You are not listening to me." Si Azron nang minsan akong bumisita sa kanya.
"I'm sorry, marami akong iniisip."
"I know." Bumuntong hininga ako at di na muling nagsalita. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Azron na humaplos sa aking balikat.
"Hindi madali but I know you will eventually overcome this, okay?"
Ngumiti ako at hinila niya ako para sa isang yakap.
"I'm still here, for you."
Minsan ay naiisip ko na bakit ko nga ba nalaman ang totoo na dapat matagal nang naibaon? Dapat matagal nang nakalimutan.
Pero hindi. Hindi hinayaan ng tadhan na hindi ko malaman ang totoo. Kahit biglaan ang lahat alam ko na may dahilan bakit huli na nang malaman ko ang lahat
"Naikwento ni Kuya na alam mo na ang totoo." Si Alina. Isang gabi nang nasa garden ako at nagpapahinga sa rattan.
I knew it. Ako lang ang walang alam aa nangyari.
"Nasa junior high tayo nang malaman ko ang totoo. Pauwi ako galing school. I was so happy na isa ako sa top honor ng section namin. But whem I come home Dad was explaining things to Mom. At first, hindi ko naintindihan lahat. Akala ko simpleng pag aaway lang nila, like usual. But the shocking is, Mom was very angry."
Lumingon si Alina sa akin.
"Alam ko masamang makinig sa away nila, but there's something na parang gusto kong makinig. Gusto kong malaman ang reason ng pag aaway nila."
Mabilis na nag init ang sulok ng aking mga mata.
"They caught me. Funny that they caught me evesdropping. And eventually, they decided na mag aral ako abroad because I also want to forget about the truth. Mom said na huwag ko ipaalam sa iyo, ayaw ka nila masaktan."
Para akong nakaramdam ng kaginhawaan sa mga sinabi ni Alina.
"They love us, Anika. That's why ayaw nila ipaalam sa atin ang totoo. Even Kuya stayed quiet."
"I know, Alina. I know..."
Hindi ako muling umimik at nagpaubaya sa mga kwento ni Alina.
"There you are, My twins." Sabay kaming lumingon ni Alina.
Nagkatinginan kami ni Alina at nang makalapit na si Mommy sa amin ay parehas niya kaming niyakap.
"You two are my precious, daughters.." si Mommy at mahigpit kaming niyakap.
Umupo si Mommy sa gitna namin at hinawakan niya ang kamay namin ni Alina at marahan niyang hinaplos iyon.
"At first, I am, ofcourse, angry. Sino ba naman hindi magagalit 'di ba?" Mapait na ngumiti si Mommy sa aming dalawa. "Nang nalaman kong wala na ang inyong ina nang ipanganak kayo, dinala kayo ng Daddy niyo sa akin."
Niyakap namin ni Alina si Mommy para mapagaan naman namin ang pakiramdam ni Mommy.
"But I already forget that phase of my life. Tinuring ko na kayong dalawa na anak ko, okay?"
"Yes, Mom." Si Alina.
"We love you, Mommy." Mahigpit kong niyakap si Mommy. Kahit ngayon ko lang nalaman ang totoo, ituturing ko na lang na parang panaginip at iisipin ko na lang na hindi ko pa rin nalaman ang totoo. Nasaktan ako nang malaman ko ang totoo, pero siguro darating ang panahon na matatanggap ko rin kalaunan ang totoo.
BINABASA MO ANG
Courting My Bad Boy (COMPLETE)
RomansaCourting My Bad Boy She only want peace. He's good at destroying it. A deep-rooted hate, life changing descisions and thirst for revenge. All Rights Reserved © bluecrazyaddicted